Рет қаралды 493,564
Recorded and Mastered By Fatal Sign Records
Music By LS Beats
RAPVERSE :
Mga plano at trabaho ay hindi maupuan ,
panay hanap ng alak kung saan pupuntahan,
mga plato sa lababo tambak ang hugasan ,
naging miserable mula ng yung tuldukan ,
Ok na ko nakaraan ba't bumalik ka pa ,
tapos nung nasanay na aalis ka rin pala ,
para bang ang lahat ang dali lang sayo ,
sa mata ng iba ang mali ay ako ,
ngayong nakahanap ka na ng sa iyo ay tatanggap ,
baliwala na lang sayo ang sakripisyo kot lahat ,
di bat ako ang nandyan nung kailangan ng kakampi ,
tapos sasabihin mo " hayaan mo na lamang kami " ,
ok lang medyo sana'y na rin itong aking puso ,
sa pagpapaalala mong tayo ay merong dulo ,
lahat sila napapansin puro tanong bakit ganto ,
tanging nasasagot ko lamang ay nalulungkot ako ,
2nd.
Pasensya na sa mga salitang aking nasambit ,
nakakagulat lang kasi na ang bilis mong pagpalit ,
ang dali mong kalimutan ang mga pinagsamahan
para sa iba na kakakilala pa lamang ,
ganyan ka tapos pag nananawa ka na sa kanya
ako naman tong si tanga ay tinatanggap ka pa ,
siguro nga nasanay ka na merong tulad ko ,
na handa kang yakapin at matatakbuhan mo ,
ako 'y laging nandyan kapag kailangan mo ,
pero nasan ka pag ikaw naman kailangan ko ,
tuwing magkakasakit wala ka para mag alaga ,
di man lang kamustahin o kahit na maalala ,
ikaw ay laging abala sa paghanap ng iba ,
kasi nga para sayo ang mahalin ako'y problema ,
lahat sila napapansin puro tanong bakit ganto ,
tanging nasasagot ko lamang ay nalulungkot ako ,
Bridge
kahit na anong mangyari ay hindi ka bibitawan ,
yan ang aking pangako na pinangatawanan ,
ako ay naging martir niyayakap ang sarili ,
sa twing ipaparamdam mong di mo ko pinipili ,
wala akong dapat sisihin kundi ang sitwasyon ,
pero tama bang saktan mo ako ng ganyan ngayon ,
tunay ngang merong hangganan kaya ganito na lang ,
kung talagang wala na hanggang dito na lang .