Рет қаралды 2,127
~ OFW ~
Ang pyesang ito'y para sa mga OFW tulad ng mga magulang namin na nangibang bansa ng mahigit limang taon.
Para ito sainyong lahat
Alam kong kay hirap
Pero dapat kayanin niyo para sa mga anak, kapatid, kamag-anak niyo na tulad niyong may pinapangarap
Kay hirap mawalay sa pamilyang mangungulila
Kapag lumipad na sa kalangitan kasama ng mga tala
Kayo man ay babalutin ng lungkot at pait gabi gabi pero walang magagawa
Kaya hanga ako sa inyong katapangan
Talaga namang handa kayong ituwid ang inyong pamilya sa buhay lansangan
Isasantabi niyo muna ang pansariling kagustuhan
At magsasakripisyo muna ng husto upang makipagsapalaran
Alam niyo, dinaig niyo pa ang mga tinaguriang mga bayani ng bansa
Kasi kahit hindi nila tayo kabansa at kawika
Gagawin niyo pa rin, mabayaran lang ang mga utang
At mapadalahan lang..
Ang pamilyang nangangailangan
Titiisin niyo ang lahat ng hirap, pagod, pangmamaliit, at pagmamaltrato
Buwis buhay talaga naman ang nasa inyong mga kamao
Hindi niyo na iisipin kung kumain na kayo
Kung ano na yung mga itsura ninyo
Kasi mas nakatuon na sa pamilya ang inyong mga atensyon
Na umaasa nalang sainyong pinanghawakan na desisyon
Kaya kung ako ang tatanungin
Para sakin
Kayo ang tunay na bayani
Na hindi kailangan ng mga armas at sandata sa gerang papasukin
Kundi ang balang pagmamahal na inyong dala dala sa paglisan niyo sa kanilang paningin
ENJOY WATCHING/LISTENING
**Maximize or minimize the volume if needed.
Please like and subscribe to my channel.
Comment down below any poem request 😉
#spokenwordpoetry #OFW