Рет қаралды 1,408
Sa isang interview noong Lunes July 1, 2024, inulit ni Senate President Francis Escudero ang kanyang pagkadismaya sa pinagagawang P23-B new Senate building.
“Nobody alleged irregularity. I’m not alleging any irregularity. I never alleged irregularity. I don’t know why people are sounding too defensive about this. Ang sinabi ko lamang hindi ba, masyadong mataas at parang masama sa panlasa na ganito kalaking halaga ang kailangang gastusin sa isang gusali ng pamahalaan,” pahayag ni Escudero.
“Wala akong sinabi na anomalya…kung payag kayo diyan eh di kayo, kaya n’yo sigurong sikmurain ’yun. Ako hindi,” pagdidiin ng senador.
Matatandaang sinuspinde ni Escudero noong nakaraang buwan ang pagpapatayo ng bagong Senate building matapos lumobo ang budget nito.