Рет қаралды 4,502
How to Fix Quaff Laminator.
This video will help viewers how to fix QUAFF Laminator.
Nagtuturo ang video na ito kung paano ayusin ang umusok na QUAFF laminator.
This is our original video because it was really me who laminated 20 big pictures for my classroom and encountered problem about our Quaff laminating machine using the last big picture. The picture jammed that caused the machine to produce smoke and burned the big picture . It was my husband, Ramil Serquina who is in the video and the only one who fixed the problem about our Quaff laminating machine. I , Oyie Serquina, Ramil's wife , served as the videographer that time This experience taught me a lot of lessons that I have to be careful always.
Ang video na ito ay ginawa upang makatulong sa lahat ng tao na nakaranas ng parehong problema tungkol sa paglalaminate . Nagsimula ito ng ako ay nagsimulang magpaganda ng classroom. Bumili ako ng sariling laminator at sa sobrang excited kahit 12:30 na ng umaga ay naglalaminate pa rin ako. Plano ko nang matulog noon, nang maisip ko na isa na lang papadaanan ko ulit ang ilalim na portion at tama na. Subalit dito na nagsimula ang malaking problema ko. Nang mailagay ko ang aking ilalaminate, ay hindi na siya lumabas. Patuloy ako sa paghihintay baka maya maya lang ay nandiyan na. Pero sa kakahintay ko ay may naaamoy na akong nasusunog at nakita kong lumabas na rin ang maraming usok. Sobrang takot ko noon ang nasa isip ko baka masunog din ang bahay ko dahil syemore kuryente ang involved dito. Ang tangi ko na lang nagawa ay i off ang switch. Pero talagang malakas pa rin ang usok na lumalabas sa machine. Sabi ko sa sarili naku sira na ang machine. Sumigaw ako nang malakas at tinawag ko ang aking asawa na noon ay natutulog na. Dali dali naman siyang bumangon na noon ay nahihilo pa sa biglaang pagkakagising. Agad niyang binuhat papalabas ng bahay namin ang Quaff laminating machine. Subalit marami siyang natamong paso sa kanyang kamay sa tagal at dami kong nilaminate napakainit pa ng machine. Siyempre nagalit sya sa akin dahil sa halip na natutulog na dapat ako ay naglalaminate pa ako sa kalaghatian na ng gabi. Ang masakit pa nito ay hindi ko alam kung papaano maaayos ang laminating machine na iyon. Lalong hindi ako nakatulog ng gabing yon sa kakaisip kung papano maaalis ang nasunog kong 1 whole sized na picture na nilaminate. Ang alam ko lang nakatulog ako ng kalahating oras dahil alam kong may kaunti akong panaginip na ang content pa ng panaginip ko ay ang umusok naming laminator. Naayos na daw ayon sa pangaginip ko subalit nang akoy gumising ay hindi naman. Ganito kalaking trauma at stress ang dala sakin ng problemeng ito. Maraming gabi at araw na hindi ako makatulog, walang gana akong kumain dahil stressed ako. Sinubukan ng asawa ko na baklasin o buksan ang Quaff laminating machine. Doon ay nakita ang nasunog na picture at napakalaki ng sunog din na dumikit sa roller na kulay orange. Mabuti na lamang at marunong pala ang asawa ko na maglinis at mag ayos nito. Hindi niya sinabi sakin na magagawa pa pala niya ang machine sa sobrang yamot niya sakin. Habang nililinis niya ang laminating machine ay kinikunan ko sya ng video ang gusto ko ay whole body pero hindi ko nagawa dahil lalo siyang nagagalit sa akin kaya nagvideo na lang ako nang hindi halos niya nalalaman. Naayos naman niya ang aming Quaff laminating machine sa awa na rin ng Diyos. Nawala ang aking mga alalahanin. Naisip ko na sobrang hirap ng may ganitong uri ng problema kaya nag decide ako na i upload ang video na ito upang makatulong sa maraming tao na naka ecounter ng parehong karanasan o problema tungkol sa umusok na Quaff laminating machine.