Рет қаралды 2,287
DISCOVERY CLASS
Lesson 3
PAANO BA MALILIGTAS ANG TAO SA LANGIT?
Panimula:
1. Kumusta ka ngayon nais mo bang makatiyak ng iyong kaligtasan sa langit?
2. Kung bawian ka ng buhay sa tingin mo saan ka pupunta? Saan patutungo ang iyong kaluluwa? Tiyak mo na bang sa langit ka patutungo?
PAANO BA MALILIGTAS ANG TAO SA LANGIT?
Sagot: Sumampalataya ka kay Jesus.. (Gawa 16:30-31 "Juan 3:16 )
BAKIT KAY JESUS DAPAT MANAMPALATAYA ?
1. Dahil siya ang Daan, katotohanan, at buhay. (Juan 14:6 )
2. Dahil sa kanya lang matatagpuan ang kaligtasan, siya lang ang ating tagapagligtas.(Gawa 4:12 )
3. Dahil siya ang nagtubos at namatay sa ating mga kasalanan.. ( 1 Pedro 2:24 )
PAANO MANAMPALATAYA KAY JESUS PARA SA ATING KALIGTASAN?
1. Gawin mo siyang Panginoon at tagapagligtas ng iyong buhay.
2. Isuko mo na ang iyong buhay sa kanya.
3. Magtiwala kang siya ay namatay at nagbayad ng iyong mga kasalanan doon sa Cross.
4. Gumawa ka ng pangako sa kanya na susundin mo na siya habang buhay.
Concluson:
Mahalagang maunawaan natin ang turo ng Diyos sa tamang paraan ng kaligtasan. Ibinigay na ang kaalaman at paraan, nasa sayo ang pagpapasya. Kung nais mong makatiyak sa langit sampalatayanan mo si Jesus.