Thank you for this video! Kasalukuyan po lumalaban yung baby naming si Juju, day 3 nya ngayon sa pag tatae at pag suka ng dugo, 5days lahat simula ng paglabas ng mga sintomas, Share ko lang journey nya: October 23, 2023 Day 1: ayaw nya ng kumain, at force feed sya ng cerelac, kasi kahit pedigree sinusuka nya lang, nag dextrose powder nadin ako pang water nya. Day 2: Ayaw nya parin kumain, at dinala namin sa vet, the doc recommend to take parvo test, at nag positive sya sa parvo, and na resetahan ng dalawang gamot at dalawang vitamins, ni try ko na dito i mix yung yolk ng itlog at yakult, yakult lang, atay ng manok, pero sinusuka nya parin lahat. Day 3: Masyado na syang payat, at ayaw parin kumain, sinusuka nya lahat ng pinapainom o pinapakain sa kanya, sa oras ng 1pm tumae na sya ng dugo, sumuka din sya na may konting halong dugo, dahil iniisip ko dextrose powder nalang nag bibigay ng hydration nya at sinusuka nya parin, kelangan na sya ipa IV, pumunta kami sa Vet 6pm, humingi ng gamot para sa pag susuka at nagpa swero na din, nag request ako ng home treatment na muna. Day 4: mag damag kaming naka bantay sa kanya, kahit 0.1 na gamot para lang ma absorb ng katawan nya, kahit may gamot na para sa pagsusuka, nag susuka parin sya, kaya pag ka umaga 9:30 am, pumunta na kami sa vet para ipa confine na sya. Masakit sa part namin na isiping si Juju matutulog ng wala kami sa tabi nya, visit kami sa 4pm, kinausap namin bago umuwi. Day 5: 9am ng umaga pumunta na kami sa vet para i visit sya, sabi ng doc na wala pa syang progress, kaya binigyan sya ng with glucose na IV, nag suka sya ng dugo sa umaga, at nanginginig, sinabihan din kami na mag release sila sabado ng hapon kasi close sila sa long weekend para sa undas, and nov 3 pa sila mag bubukas. Pag punta namin kung nasan si Juju, laking tuwa nya ng makita nya kami, kahit konti lang movement ng buntot nya sa tuwa ginagalaw nya parin, kinakausap namin sya na di namin sya iiwan, babalik kaagad kami bukas, sinusubukan niyang gumising kahit pagod sya kasi gusto nyang tumingin sa amin. Let's pray mga ka Furparents! lumalaban aso natin, lalaban din tayo.
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Karl, Big thanks for sharing your experience to our co-furparents. We pray na malalampasan din hi brave Juju ang sakit na Parvo. 🙏❤️
@jenilynaguila82795 ай бұрын
Agree po ako.. nakakatakot talagae ang parvo.. July 9, 2024 tatlong aso ko ang nawala dahil sa parvo.. .. nakakaawa talaga cila... i have 18 dogs.. lahat cla nagkasymptom ng parvo... nkasurvive po ang iba habang ang tatlo ay namatay
@meowmeow869911 ай бұрын
Ang sakit sakit pala pag nakikita mo na ang puppy mo ay nahihirapan sa virus
@jessamaecabritonillos3759 Жыл бұрын
While watching this video, I am with my 3 month old husky whose battling also with parvo. Nabuhayan ako ng loob nang makita si latte na lumaban and eventually naka survive. Hoping and praying na sana malampasan rin ng Duxie ko ang battle na to. Talagang hindi nawawala atensyon ko skanya mabantyan lang at mabigyan ng medications nya sa tamang oras. Napakasakit makita na nahihirapan at matamlay sya pero hinding hindi ako susuko hangga't lumalaban sya. Thanks for uploading latte's journey. Napaka strong nya! Napaka lucky nya rin to have you.
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Jessa, We're glad na nabuhayan ka ng loob dahil sa survival story ni Latte. We hope ang pray na malampasan din ni Duxie ang Parvo 🙏♥️
Жыл бұрын
Ako rin Po I am Battle for Parvo with my baby Tyanak 4months Old din siya nung nakita ko si Latte na umiinom ng tubig same sila ng kalagayan ng aso ko nag pray din ako at ginamot gamit ang Hydrite at Pedialyte at pagkatapus lalagyan ng maligagam na tubig na may luya pagkatapus painomin lang lahit konti o tama lang lara sa kanyang katawan at kung susuka binibigyan ko muna ng gamit para di magsula at scourex apra di magka di magka diarrhea
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi @, thank you for sharing. Sana gumaling narin sya. Sending prayers for your beloved dog.
@edz2594 Жыл бұрын
@ ka gagaling din ng dog ko sa parvo kaka 6months nya ngayong feb. Last sat feb 18 pina vet kona kasi 3days na na matamlay ayaw kumain nag suka at diarrhea nag positive nga sa parvo pero inuwi ko din kasi di ko kaya ang gamutan nya pag na admit sa vet so sa bahay ko nalang aalagaan kala ko nga hindi na aabut kinabukasan pero awa ng dyos nung sunday feb 19 ok na sya parang hindi nag ka sakit. Ginawa kong home remedy nung sat is 2eggyolks + 1tbsp brown sugar then pinakain ko after ilang oras kinagabihan ng sat sinuka nya may kasamang green liquid akala ko talaga mamamatay na pero sabi ko nga kinabukasan magaling na until now tuloy2 parin sya sa gamot nya na reseta ng vet.. Need din na huwag talaga hayaang ma dehydrate kaya dapat merong dextrose powder na available.
@jessamaecabritonillos3759 Жыл бұрын
Update ko lqng po, Gumaling na din po si Duxie after 1 week po na naka swero🙏 sobrang saya na makita na nalampasan nya rin tong deadly virus.
@lynegatlabayan8676 Жыл бұрын
My baby coco is battling parvo as of now.. nabuhayan ako at nagkarun ng pag asa na gagaling ang baby coco ko
@Alfredo-v4u Жыл бұрын
Thank you for sharing the parvo survival journey of Latte.
@WilMieVlogs Жыл бұрын
👍🙂
@jexellecornelio7882 жыл бұрын
Love you Latte 🐶♥️
@BenitolinoBartolo Жыл бұрын
Maraming salamat sa pag share! ❤❤❤
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Welcome po! 🙂
@Jay-R0707Ай бұрын
Kasalukuyan pong lumalaban ang baby Matcha ko sa parvo virus....day 3 nya na po ngayon....2x na po syang tumatae ng kulay brown na likido at sobrang langsa..minsan nawawalan na ko ng pagasa pero sa tuwing nakikita kong lumalaban ang baby ko lumalakas ang loob ko..prayers nalang talaga kay God ang kinakapitan ko🙏....sakit makitang nahihirapan ang baby ko😢....sana po isama nyo po sa prayers nyo si Baby Matcha🙏
@WilMieVlogsАй бұрын
@@Jay-R0707 Hi Jay, praying for the recovery of your baby Matcha. We feel you. Laban lang ❤️
@Jay-R0707Ай бұрын
@WilMieVlogs Thank you Po ☺️🤍
@woopshtbetta Жыл бұрын
Naka confine ngayon ang aso ko because of parvo. Pang 3 days na nya. Parang gusto ko na din ipadischarge at ako nalang ang mag alaga
@WilMieVlogs Жыл бұрын
We feel you. Sa case namin, nag decide kami na iuwi nalang si Latte dahil meron kaming sapat na time para alagaan sya. We were both working from home kaya naibigay namin yon full attention sa kanya. And beside nakakuha na kami ng gamot na ipaiinom sa kanya and naka swero narin sya to avoid dehydration. Na observed din kasi namin na hindi nababantayan si Latte ng ayos dahil narin siguro sa dami ng naka confine na mga pets that time sa clinic na pinuntahan namin. If maibibigay mo yon full time and attention mo sa kanya, go for it. Make sure narin na itake note mo yon advises ng vet like yon interval ng pagpapa inom ng mga gamot dahil napaka important sya sa recovery nya.
@yourteacherjenny93202 жыл бұрын
Thanks for sharing
@mjcura549 Жыл бұрын
Thanks for this video, Kasaluyan po nakikipag laban ang aking 5monthd old puppy na Si Coco Sa parvo V. Till now po naka suero parin siya sa house ayaw padin niya kumaen pero umiinom siya ng water. 5 days na siya nakikipag laban sa PVC.
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi MJ, Thanks for sharing the brave story ni Coco. We pray na sana gumaling narin sya. Painumin nyo po sya ng gamot sa tamang oras at pilitin nyo kumain para hindi humina ang resistensya nya. Lumalaban sya kasi naka 5 days na. Wag po kayo susuko ♥️
@Enchante123 Жыл бұрын
Kamusta po sya?
@Whitebeard8957 ай бұрын
Update nabuhay ang Aso ko 🥰 Pagkatapos nyang Tumae ng 4 na beses na Dugo ito sya ngayon Malakas at Napakakilit
@WilMieVlogs7 ай бұрын
We’re happy for you! Thank you for sharing! ❤️
@jazmeh1765 Жыл бұрын
Thank for this vid big help po
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi jaz, we're glad na nakatulong itong vlog na ito sayo. Thanks for watching! 🙂
@marlynchervias10 ай бұрын
Kamamatay Labrador na aso ko agsakit sakit d pa ako naka move on
@WilMieVlogs10 ай бұрын
Hello Marlyn, sorry to hear that. Time heals. ❤️
@fredelyndelacruz3230 Жыл бұрын
Ngpacheck up din ako ng 4mos.old dog ko today..ayun positive sa parvo.. yesterday lng sya ngsimula d kumain,ayun knina dinala ko..dko sya kinonfine KC ala nman akong spat n pera.kaggaling lng kc kami ng anak ko sa bkasyon sa Iloilo Kya simut tlga ako, hiningi KC smin sa confinement is 3200,ksma gmot at food dw ska 3000 deposit if extend another day is 2100..bukod pa yung babayaran ko n check up na 700 at ung parvo test n 1100 ..5k lng nman pera ko knina Kya ngdecide nlng ako s bhay nlng medication.puro oral...ngayon Gabi sumuka n nman.. nattakot nrin ko Dpa nman to nkaswero.kgabi pa ako iyak ng iyak.. please help me to pray🙏🙏🙏 na sna makkasurvive oreo at she will be recover soon.., 🙏🙏
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Fredelyn, salamat sa pag share ng story ni Oreo. Nakaka lungkot man pero wag kang panghihinaan ng loob. We pray and hope na malampasan nya ang sakit at makasama nyo pa sya ng matangal na panahon 🙏♥️
@terryandfriendss Жыл бұрын
Kamamatay lang ng 2 pups ko for long confinement. NAKAKA SAD. Sana hindi ko nalang sya pina fonfine ng prolong kasi mas pakiramdam ko. Ang hina ng chance of survivability pag always go on protocol or rules 🥲 sometimes breaking the rules are good for the best 🥲🥲
@terryandfriendss Жыл бұрын
Nung una nag doubt ako sa group post about it. But now, I don't believe much on Vets na when it comes to PARVO and DISTEMPER case 🥲 I now believe in Herbal and payo ng nakararami 😢
@terryandfriendss Жыл бұрын
The doctor in charge didnt even try to FORCR FEED kahit wala namang vomiting reported 🥲 i really feel sorry for my Terry, Ethan and Athena for failing them all as a furparent 🥲
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hello. Thank you for sharing your story. Nakikiramay kami sa pagpanaw nina Terry, Ethan and Athena. 🙏 Nag decide kami na iuwi nalang si Latte from confinement kasi napansin namin na yon clinic attendants ay hindi kayang bantayan o alagaan lahat ng fur patients. Kaya we agree na sometimes it's better to break the rules for the best.
@nescelynbordones80589 ай бұрын
Hello po maam pina inom nyo parin po cya ang anti biotics?
@WilMieVlogs9 ай бұрын
Hi, yes po, pinainom namin sya ng mga niresetang gamot ng vet.
@Gonfreecs18 Жыл бұрын
Ngaun po sobrang bigat 19 tumamlay c Hunter namin husky po sya at 8 months compleye vaccine, 20 pina vet namin pero di pa nlaman na parvo 21 dun na nalaman na parvo at pina swero namin at binili lahat ng gamot ngaun 23 pinapainom na namin sya ng gamot at force feeding ng patatas na nablender, pero as of now naka higa lang sya at matamlay
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hello, thanks for sharing your experience with Hunter. Komusta na sya now? We hope na okay na sya 🙂
@JenDigs4 ай бұрын
Para saan po yung IV fluid ?
@WilMieVlogs4 ай бұрын
Hello, para po ma prevent yon dehydration due to diarrhea and vomiting.
@shairmainepaneda5059 Жыл бұрын
Mas mainam pag nagka parvo ang mga ado nyo kayo mismo ang maalaga ksi pg pinaconfine sa mga vet kaaama dn mga asong ibat iba dn ang sakit twice kunang naransan yan kya nattuto nko
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hello, thanks for sharing. Napansin din namin yan sa napuntahan namin vet clinic. Hindi nila maasikaso lahat ng fur patients kaya nag decide kami na iuwi nalang si Latte at kami mag alaga.
@MD-tn2re Жыл бұрын
Thanks po. Big help. 😭
@WilMieVlogs Жыл бұрын
We’re glad na naka tulong itong video na ito ❤️
@maryrosetimajo9610 Жыл бұрын
Maam yon turmeric po ba esasama pag luto ng chicken liver
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Yes po. Para yon katas ng turmeric ay humalo sa chicken liver.
@Mrgraveyardhome Жыл бұрын
Sabaw lang po ba ng pinagkuluan ng atay at turmeric ginger ang ipapa take ilang ml and ilang beses po 6 pups husky po babies ko and down to 2 huhu hope u see this question
@memeyq.54546 ай бұрын
sobrang bilis ng parvo! friday nakuha namin yung alaga namin, ok na ok sya nung binigay samin, then kinagabihan ng friday pag tapos nya kumaen nilabas namin sya para mag poop, saturday ok pa sya at kuamakaen pa, sunday morning maayos pa poop nya pero wala na syang gana kumaen, tanghali nung sunday nag poop na sya ng kulay brown palang na liquid then kinabahan nako. sunday nun at walang vet na malapit samin. gabe ng sunday nag start na sya mag poop ng dugo na as in ang lansa ng amoy. pinainom ko muna sya ng dextrose power na nilagay sa tubig, ultimo katas ng luyang dilaw pinainom ko sakanya. monday may pasok na ko sa work pero nandun naman ang mga kapatid ko para alagaan sya, nag dudumi pa din sya ng dugo at mas lumansa pa yung amoy, then ang pabili na ako ng gamot para mapainom na kasi pag uwi ko sana dadaldin ko na sya sa vet. pauwi na ko ng tumawag yung kapatid ko na dumumi nanaman ng dugo tas nanghihina na alaga ko, nag madali ako umuwi, tas pag uwi ko ako nalang pala ang inaantay nya, pag upong pag upo ko sa tabe nya nag hingalo na sya then na nigas na yung mga kamay nya at tuluyan ng nawala. sobrang bilis kahit na 3 days palang sya nasamin napamahal na sya samin kasi sobrang lambing nya at mabait talaga. mas nasaktan ako sa pag kawala nya kesa sa una kong naging alaga na same din na nag ka parvo. kaya sa mga may alaga din na aso kagaya ko ingatan nyo ng sobra na wag mag ka parvo ang mga alaga nyo, at kung mag ka sintomas man wag na kayo mag dalawang isip na dalhin kagad sa vet. sa ngayon parang ayaw ko na muna mag alaga kasi natatakot na ako ayoko ko. ayun lang naman! share ko lang, kasi sobrang sakin pa din at habang nag ta-type ako naiiyak pa din ako. PS: Friday June 27, 2024 lang napunta samin si bella. July 1, 2024 naman nung tuluyan na syang sumuko. 4momths old palang sya.
@WilMieVlogs6 ай бұрын
@@memeyq.5454 Salamat sa pag share ng experience mo. Nakaka lungkot man na nawala agad si Bella. Time heals. Makaka move on karin. And if ever na mabiyayaan ka ulit ng pet, we suggest na pabakunahan mo na agad before mo ilabas sya sa public places. ❤️
@aprilmaecampos44604 ай бұрын
I hope my 2months old puppy will survive 😭😭💔💔💔 I already had one who did last saturday huhuhu
@WilMieVlogs4 ай бұрын
Hi April, praying for the recovery of your puppy 🙏
@dianecabaltera9767 Жыл бұрын
Hello po question lang po. It's been 4 days since my dog tested positive for parvo, lumalaban po siya. Hindi na rin po siya nagpopoop ng blood, ang problem ko na lang po ay ang persistent vomiting tuwing Papainumin ko siya ng meds, and ng food. Ano po pwede ko gawin para hindi na po siya suka ng suka. Thanks po
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi, yon pagsusuka ay sintomas na present parin yon virus sa katawan nya. Sa case namin binawasan muna namin yon sobrang pagpapa inom sa kanya since meron naman syang dextrose and kahit patuloy parin ang pagsusuka nya, hindi kami tumigil sa pag force feed at pag bigay ng gamot sa kanya on time. After 7 days ng nakita namin na nakaka recover na sya. Tuloy tuloy lang po ang laban! We pray na gagaling din ang fur baby nyo 🙏
@janicealleahmanlapaz Жыл бұрын
Hello po pano po pag hindi kumakain? 😔 Paano ko po sya pakakainin? 3 days nya today sa parvo. Hindi ko pa pina swero kasi hindi kaya ng budget, pero pinaiinom ko po lagi ng tubig na may swero. At yubg reseta bg doctor na gamot. Gumanit din po ba kayo ng Nano silver? Hindi din po ako mawawalan pag asa, Salamat po. Sana po sumagot
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Janice, pinilit namin kumain si Latte noon gamit ang syringe, at after that binigyan namin sya ng mga gamot na nireseta ng vet. Napaka importante ng gamot at vitamins dahil yon talaga ang pang laban sa parvo virus. Hindi kami gumamit ng Nano silver.
@ClerkDeMesaRashaSineadB.-oz8tp Жыл бұрын
May parvo po yung 5 months puppy ko. 3 days na since na diagnose sa vet and now ko lang siya inuwi sa house. Good sign ba na kusa na siyang umiinom ng water po?
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Clerk, nagsusuka ba sya after nyang uminom ng tubig? Sa experience kasi namin kay Latte non ika 3 days nya rin ay umiinom sya ng marming tubig pero after few minutes isinusuka nya rin. Kaya ang ginawa namin ay pinaiinom lang namin sya ng pa konti konti sapat para matangal yon uhaw nya.
@oreopawfriend3525 Жыл бұрын
Hello po, ilang bag ng IV fluid ang required sa dog na may parvo?
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hello, Mag dedepende po yon sa size ng pet nyo. Non time na nagka parvo si Latte namin, maliit pa sya. Hindi sya nakaubos ng 1 bag ng dextrose since na confine til gumaling sya (7 days)
@Mrgraveyardhome Жыл бұрын
Sabaw lang po ba ng pinagkuluan ng atay at turmeric ginger ang ipapa take ilang ml and ilang beses po 6 pups husky po babies ko and down to 2 huhu hope u see this question
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Sad to here that. Bale after maboil yon liver at turmeric, nimash namin yon liver then para mas maging liquid sya isinabaw namin yon katas ng turmeric para mailagay namin sa syringe.
@WilMieVlogs Жыл бұрын
About sa dami naman, depende kung gaano na kalaki yon pet mo, si Latte kasi namin was small pa that time so dalwang 3ml na syringe every 3 hours tas sinasabayan ng gamot na nireseta ng vet.
@sandykris7987 Жыл бұрын
Question... tinapos nyo ung medication, kahit nasa recovery stage na ?
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Sandy, yes sinunod parin namin yon medication na sinabi ng Vet even though inuwi na namin si Latte sa bahay from confinement.
@sandykris7987 Жыл бұрын
Question po ulit....ilang days after recovery bago nyo painjectionan si latte ng 5 in 1?
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Seven days after ng full recovery nya, tsaka namin sya pina bakunahan ng 5 in 1 as advised din samin ng Vet 🙂
@clairevee09 Жыл бұрын
Hello po. Thank you for sharing your experience. Napakalaking tulong po niya sa pareho rin naming nakikipaglaban sa Parvo vírus. Itatanong ko lang po kung anong vitamins ang binigay kay Latte at sa kapatid niya po. I noticed na mag interaction po sila before Latte was confined. Possible po yung pagkahawa? Sa dextrouse po, nag back flow po ng dugo yung line ng 4month old na alaga namin, na experience nyo rin po ba yun. Should I be worried? Maraming salamat po. 🙏
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi! We’re glad na naka tulong itong video na ito sainyo 😊 Ang Vitamins po na pina inom namin sa kanila is yon Doctor Pooch Multivitamins A-Z syrup. Si Migat ay nabakunahan na non 3 weeks palang sya kaya di sya naapektuhan ng parvo. Sa dextrose naman, Yes nagbaback flow din due to some movement ni Latte pero bumabalik rin naman sya eventually.
@JoemariNeilPaciencia10 ай бұрын
Hello po sir I have parvo dog also 6 months old pitbull, ika day 4 na po ngayun anu po pwede gawin dahil suka po sya ng suka and tae po ng tae aswell and pagbinibigyan namin nga gamot o medicine ay isinisuka po lang niya ito kaagad. Matamlay and mahina po yung kalagayan nya ngayun, anu po pwede gawin sa pagsusuka nya and should i still continue ipainom sa kanya yung mga prescribe na meds and vitamins kahit di sya kumakain and sinusuka lang? Thanks po sana mabigyan po ako ng advice asap huhu.
@WilMieVlogs10 ай бұрын
Hello Sir, important po na mapainom nyo sya non mga prescribed meds sa tamang oras kasi yon ang tutulong sa pagpuksa non virus. Important din na mapakain sya ng foods even though sinusuka nya para di sya mawalan ng lakas. Force feed nyo po kahit pakonti konti lng, wag masyado madami tubig if naka dextrose nmn sya. Wag nyo sya sukuan. Your dog is fighting kasi tumagal na sya ng 4th day. ❤️
@JoemariNeilPaciencia10 ай бұрын
@@WilMieVlogs Salamat po sir, yung pagprepare ng liver and luyang dilaw po, papakuluan po yung luyang dilaw tsaka kukunin yung katas nito? And anu po yung ratio sir sa pagpakain nakakailan times a day po? Kabayan po pala tayo sir, dd ha tacloban, proud waray ghapon ako sir, nababaraka nala ak haak ayam sir kay bata pa hin duro
@WilMieVlogs10 ай бұрын
@@JoemariNeilPaciencia Yes po, imash nyo yon liver at dag dagan nyo ng sabaw non luyang dilaw, estimate nyo lang po yon sabaw. Dapat masipsip sya ng syringe. And sa pag force feed sa kanya, sa gilid ng mouth nyo ilagay para diretso na sa esophagus.
@JoemariNeilPaciencia10 ай бұрын
@@WilMieVlogs tapos na sir, normal lang po ba yan na sumaka din after ilan minutes mo sya pinakain nga mashed liver?
@WilMieVlogs10 ай бұрын
@@JoemariNeilPaciencia Symptoms po yan na may virus parin sya. Ganyan din po nangyari kay Latte samin noon pero hindi namin sya sinukuan. May times na hindi nya sinuka may times na isusuka nya. Basta ang mas important po ay yon meds ay hindi nya maisuka
@Kitet08 Жыл бұрын
Nakita ko un video na ito, medyo nabuhayan ako ng loob. Un dog ko is 7 days na ngayon. Tumigil na ang pag susuka since day 5 ng inuwi na namin siya galing sa vet (3days confinement) and ngayon day 7 medyo buo na ang tae nya pero may konting dugo. Pero hanggang ngayon ayaw rin nya kumain at uminom ng kusa.. Nag syringe kami kapag mag papainom at nag papakain. Any recommendations na pwedeng magpakain sa dog ko? Ano po un mga antibiotic na binigay ng doctor? Salamat..
@WilMieVlogs Жыл бұрын
We're glad na naka help itong video namin sayo. Ito yon mga nireseta non Vet samin. LC Scour - Anti Inflammatory suspension Ambidazole - Anti Protozoal suspension Motillex - Gastrokinetics Pero yon dami ng ipapa inom nyo at gaano kadalas ay hindi namin masasabi kasi I believe nibe based ng Vet yan sa timbang ng fur baby nyo.
@JoyceJimenez18 Жыл бұрын
Sana inuwi ko nalang yung puppy ko, kesa namatay sa vet. Halatang hindi inalagaan puro dumi sa ilong 😭
@WilMieVlogs Жыл бұрын
Hi Joyce, ikinalulungkot namin ang pagpanaw ni puppy mo. Naway mag hilom agad ang sugat na naiwan sa puso mo. 🙏