No video

PAGDURUSA DAHIL SA PAGGAWA NG MABUTI / SPOKEN BIBLE VERSE 1 PEDRO 3:8-22

  Рет қаралды 2,910

Ben Filio

Ben Filio

Күн бұрын

SPOKEN BIBLE VERSE
1 PEDRO 3:8-22
Marami tayong mga bagay na hinaharap sa mundo at nararapat nating harapin ito ng may pananampalataya na ang Dios ang Makapangyarihan sa lahat at ang nagtalaga ng lahat ng mga bagay sa mulat mula pa. At dahil dito, ang ating mga kalooban ay mayroong kapayapaan sa Kanya na di natin kailaman maipapaliwanag. Sapagkat ating nalalaman, na ang “Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.” (Romans 8:28)
Roma 8:28
28 At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.
Kayat tayo man ay dumadanas ng Kasaganaan o Pagdurusa, ay alam natin ang mabuting layunin ng Dios ang siyang mangingibabaw.
Sa ating talatang pagbubulay bulayan ngayon, ay ipinapaliwanag ni Apostol Pedro na sa panahon na tayo ay humarap ng pagdurusa sa kamay ng masasama sa mundong ito, ay panatiliin natin ang ating pananampalatayang iginawad sa ating ng Dios Ama at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. “Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin.” At “ mas mabuting magdusa dahil sa paggawa ng mabuti kung iyon ay kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama.”
Kayat “Lagi tayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa atin ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa atin, ngunit gawin natin ito ng may kaamuan at paggalang.”
Nawa ang talatang ito ay magbigay sa atin ng kapayapaan at ang ating pag-asa ay manatili sa ating Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo.
1 Pedro 3:8-22
PAGDURUSA DAHIL SA PAGGAWA NG MABUTI
8 Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip.
9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta, kundi ng pagpapala; sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, upang kayo'y magmana ng pagpapala.
10 Sapagkat,
“Ang nagmamahal sa buhay,
at nais makakita ng mabubuting araw,
ay magpigil ng kanyang dila sa masama,
at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya,
11 lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan;
hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y lakaran.
12 Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin.
Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.”
13 At sino ang gagawa ng masama sa inyo kung kayo'y masigasig sa paggawa ng mabuti?
14 Subalit magdusa man kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pananakot, ni mabahala,
15 kundi sa inyong mga puso ay pakabanalin ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo,
16 ngunit gawin ito nang may kaamuan at paggalang.[a] Ingatan ninyong malinis ang budhi, upang kapag kayo ay inalipusta, ang mga nagsasalita ng laban sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo ay mapahiya.
17 Sapagkat mas mabuting magdusa dahil sa paggawa ng mabuti kung iyon ay kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama.
18 Sapagkat si Cristo man ay minsang nagdusa[b] dahil sa mga kasalanan, ang isang matuwid dahil sa mga di-matuwid, upang kayo[c] ay madala Niya sa Diyos. Siya ay pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu;
19 sa gayundin, Siya ay pumunta at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,
20 na noon ay mga suwail, nang ang Diyos ay matiyagang naghintay noong mga araw ni Noe, habang ginagawa ang daong, na noon ay kakaunti, samakatuwid ay walong kaluluwa, ang naligtas sa pamamagitan ng tubig.
21 At ang bautismo, na siyang kalarawan nito, ang nagliligtas sa inyo ngayon, hindi sa pag-aalis ng karumihan ng laman, kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo,
22 na umakyat sa langit at nasa kanan ng Diyos, na ipinasakop sa Kanya ang mga anghel, ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.
ANG DIOS ANG MAGPAPALA SA PAGKARINIG AT PAGKABASA NG KANYANG BANAL NA SALITA.
PURIHIN ANG DIOS!
SA DIOS ANG LAHAT NG PAPURI!

Пікірлер: 11
@user-fb7lc8yo8r
@user-fb7lc8yo8r 6 ай бұрын
Amen, To God be all the Glory🙏❤️🙏
@catherinekilario2981
@catherinekilario2981 2 жыл бұрын
Praise god halleluya sa diyos ang lahat ng papuri♥️♥️♥️♥️♥️
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Catherine. God bless
@cloudztongson1159
@cloudztongson1159 2 жыл бұрын
ang sarap sa pandinig ng boses sabrong nakakan blessed salmat patnubayan ka nawa ng panginoon at palagi sumaiyo ang banal na espirito santo.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Kaibigan. Samahan nyo kaming ipalaganap Ang Banal Na Salita Ng Dios sa buong mundo. Nawa ay patuloy tayong gabayan ng Banal Na Espiritu patungo kay Hesu Kristo sa pamamagitan ng Biblia. God bless
@pilgrimageofgrace
@pilgrimageofgrace 2 жыл бұрын
Amen.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Kaibigan. God bless
@markjourneytv981
@markjourneytv981 2 жыл бұрын
Sa Dios po ang lahat ng kapurihan.. Through Jesus Christ👆🙌🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Mark. God bless
@marivicmarivic8065
@marivicmarivic8065 Жыл бұрын
Kailan po uli kyo mg gawa ng video
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan. Salamat po Kapatid sa pagtangkilik. Patuloy nyo po akong isama sa inyong mga panalangin na maipagpatuloy ang gawaing ito. Hopefully po ay makapagupload po kami ito ng August na ito. Nawa ang paggabay ng Espiritu Santo ay sumaatin. God bless
黑天使遇到什么了?#short #angel #clown
00:34
Super Beauty team
Рет қаралды 47 МЛН
When you discover a family secret
00:59
im_siowei
Рет қаралды 15 МЛН
WHO CAN RUN FASTER?
00:23
Zhong
Рет қаралды 46 МЛН
Little brothers couldn't stay calm when they noticed a bin lorry #shorts
00:32
Fabiosa Best Lifehacks
Рет қаралды 20 МЛН
Reconciliation (1 Pedro 3:18-22)
31:40
Powerful God's Flock Christian Ministry
Рет қаралды 100
ANG UNANG SULAT NI PEDRO
24:17
READ SCRIPTURES
Рет қаралды 78 М.
💖GUMAWA NG MAS MABUTING DESISYON 💖 HOW TO MAKE BETTER CHOICE 💖
40:36
💖JESUS MINISTRIES💖
Рет қаралды 13 М.
PAGDURUSA BILANG CRISTIANO! / SPOKEN BIBLE VERSE: 1 PEDRO 4
7:58
Jesus Preached to Spirits in Prison - 1 Peter 3:18-22 - 16020
56:44
Calvary Church with Ed Taylor
Рет қаралды 8 М.
If You Wake Up Between 3AM & 5AM, DO THESE 3 THINGS! | C.S Lewis 2024
19:24
C.S. Lewis Legends
Рет қаралды 645 М.
1 Pedro 1:1-5 Ang Mga Hinirang
1:16:40
GRACE FELLOWSHIP CHURCH
Рет қаралды 4,9 М.
ANO ANG FREE WILL? / ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA AKING KALIGTASAN?
25:02
黑天使遇到什么了?#short #angel #clown
00:34
Super Beauty team
Рет қаралды 47 МЛН