Рет қаралды 850,515
PAHIYA ang INABOT! TIRIK ang MATA, UNAT ang PAA! TOP 5 KNOCKOUT LOSSES ni VIC DARCHINYAN!
#5
Darchinyan vs Cuellar
Juen 6 2015 sa StubHub Center in Carson California -
Nakabingwit muli ng pagkakataon na lumaban sa kampeonato si Vic Darchinyan kontra sa hard hitting WBA Featherweight champ Jesus Cuellar.
Bulung-bulungan na noon na kakanin lang ng kampeon ang challenger na si Vic Darchinyan dahil bukod sa mas bata na ng 10 taon si Cuellar, hawak din nito ang height at reach advantage.
Parehas na kaliwete ang dalawang boksingero
Ang nooy 39 anyos na na si Vic Darchinyan ay may ring record na 40 victories, 29 wins coming by way of knockout, may pitong talo at isang draw
Samantalang nooy 29 anyos pa lamang na si Cuellar ay may numerong 26 wins with 20 knockouts at may nag-iisang talo.
Pagdating sa bakbakan. Round 1 pa lang - agresibo agad si Cuellar.
May mga pagkakataon din na nakakatama ng maganda si Darchinyan.
Pagtunog ng bell sa end of round 7 - lamang na sa 3 hurado si Cuellar sa score na 68-65
Ng magsimula ang round 8 - medyo kapoy na si Darchinyan samantalang patuloy pa din ang pag atake ni Cuellar.
Nagkadikitan at biglang nagpalipad ng right hook ang kampeon at inabot si Darchinyan.
Nakatayo pa si Darchinyan kaso hilo talaga.
Gusto ng ihinto ng korner ni Darchinyan ang laban kaso di nakita ng referee.
Sumalo pa ng ilang mga suntok si The Raging Bull bago umawat ang ref.
#4
Darchinyan vs Walters
Walang takot na hinrap ni Vic Darchinyan ang nooy undefeated WBA Featherweight champ Nicholas Walters noong May 31 2014 sa Cotai Arena in Venetian Macua.
Bitbit ni Walters ang malupit ng kartadang 23 wins with 19 knockouts samahan mo pa ng nakakalulang 8 and half inches reach advantage.
Dala naman ni Kuya mong Vic Darchinyan ang ring record na 39 wins with 28 knockouts, 6 losses and 1 draw.
Pagtunog ng bell sa round 1, tulad ng inaasahan, parang Toro sa gigil kung umatake si Darchinyan.
Kaso unti-unting nagiging Torero si Walters habang tumatagal ang laban.
Round 5 - isang left hook ang diniliver ni Walters at kumiling patagilid si Darchinyan.
Inabot pa ng bodyshot at kanan bago tuluyang lumuhod ang Toro.
Agad na bumangon si Darchinyan na parang wala lang nangyari.
Tuloy ang laban kaso, wala na sa wisyo si Darchinyan.
Isang kaliwa ang pinatama ni Walters sa Panga ni Vic at dun na nga natapos ang laban.
#3
Darchinyan vs Donaire 2
Sa totoo lang, napakasarap sa pakiramdam ang makabawi mula sa pagkatalo sa kamay ng taong sumira sa iyong undefeated record.
Ang petsa, November 9 2013 sa American Bank Center in Texas - napagbigyan din ang dasal ni Vic Darchinyan na rumebanse sa boksingerong unang tumalo sa kanya na walang iba kundi si The FFilipino Flash, Nonito Donaire Jr.
Mahigit 6 na taon din ang inantay ni Darchinyan para makapaghiganti at mukhang pinagplanuhan talaga ng todo ni The Raging Bull kung paano tatalunin si Donaire.
After ng 8th round - lamang ng 4 na puntos sa dalawang hurado si Darchinyan at tabla naman sa isa.
1 minute and 50 seconds left sa round 9 - isang kaliwa ang pinatama ni Donaire at subsob na naman sa lona si Darchinyan.
Tumayo agad ang Toro kahit lasing pa sa hilo -
Binayo na ni Nonito ng mga mala-kulog na suntok si Darchinyan kayat sumaklolo na ang refering si Lawrence Cole at inihinto na ang laban.
#2
Darchinyan vs Frias
Sa edad na 40 anyos, nais pa ding patunayan ni Vic Darchinyan na kaya niya pa ding makipagsabayan sa bantamweight division kayat kinasahan niya ang mehikanong si Sergio Frias noong July 16, 2016 sa Legacy Arena in Alabama USA.
Naisip malamang ng kampo ni Darchinyan na kayang-kaya nilang gulatin ang 25 anyos na si Frias.
Kung titingnan ang record ng mehikano na 18 wins with 9 knockouts, 6 na talo at 2 draw easy victory lang ito sa kalibre ng beteranong si Darchinyan.
Round 1 - same style ang ipinakita ni Darchinyan na gusto agad patikimin ng kamao ang kalaban.
Samantalang si Frias naman e paabang-abang at pabato-bato lang ng pinaka-epektibong suntok kontra sa saouthpaw opponent na right straight at right cross.
Round 2 - same game plan ang dalawa at mas epektibo ang istilo ni Darchinyan.
Kaso Final 47 seconds - isang right cross ang nagpahilata at nagpaunat sa paa ni Darchinyan.
Kinailangan ng tapusin ng referee ang laban dahil - minagnet na ng lona ang ulo ni uncle Darchinyan.