PANALANGIN SA KALULUWA | PRAYER FOR SOULS OF THE DEPARTED

  Рет қаралды 18,434

The BraveCookie Official

The BraveCookie Official

Жыл бұрын

#halloween #prayer #soul
WATCH MORE VIDEOS BY CLICKING THE SUBSCRIBE LINK BELOW:
/ @thebravecookie
VISIT MY WEBSITE: bravecookie.com
************
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.
Panginoon kong Hesu-Kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang lahat nang pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na hindi na ako muli-muling magkakasala sa Iyo at nagtitika naman akong magkumpisal ng lahat nang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo alang-alang sa mahal na pasyon at pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin, AMEN.
Buksan Mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming loob at pakalinisin sa mga walang ka pakanang-mahalay at likong akala. Liwanagin Mo ang aming bait. Papagningasin ang aming puso nang magunam-gunam naming mataimtim ang kamahal-mahalan Mong pinagdaanang hirap at kamatayan sampu ng kapaitang dinalita ng Iyong marangal na Ina, at maging dapat kaming dinggin sa harapan ng Iyong di matingkalang kapangyarihan. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan, Amen.
Lubhang maawaing Hesus; lingapin ng mata Mong maamo ang kaluluwa ni ___ na namatay na, nang dahil sa kanya, nagpakasakit Ka at namatay sa Krus. AMEN.
Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan ay inibig Mong Ikaw ay ipanganak sa lupa, tumulo ang Iyong sagradong dugo sa pagbibinyag ng mga hudyo. Napasakamay Ka ng mga tampalasan dahil sa halik ni Hudas. Ginapos Ka nila ng lubid at pagkatapos ay nilapastangan sa harap ni Anas, Pilato, Herodes at Caiphas. Linurhan at pinaratangan ng mga saksing bulaan. Tinampal, inalimura, natadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina. Pinutungan ng koronang tinik at natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura sa pagpapalibhasa sa Iyo. Nalagay sa pagkahubong kahiya-hiya, napako sa Krus sa gitna ng dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila, pinainom ng apdong nilahukan ng suka at ang Iyong tagiliran ay sinila ng isang sibat.
Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para ng dalitain Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo; sa pagdurusa nila, iakyat Mo nang matiwasay sa Iyong kaluwalhatian at iligtas sila alang-alang sa karapatan ng Iyong kasantu-santuhang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus; sa mga nagdurusa sa impyerno, nang sila ay maging dapat na pumasok sa payapang kaharian na pinagdalhan Mo sa mapalad na magnanakaw na napasama sa Iyo na napako sa Krus; Ikaw na nabubuhay at naghahari, kasama ng Diyos Ama at Diyos Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan, AMEN
Aba, Anak ng Diyos Ama
Aba, Ina ng Diyos Anak
Aba, Kabiyak ng Diyos Espiritu Santo
Aba, Simbahang Banal ng Santisima Trinidad
Aba, Birheng kalinis-linisang di nagbakas ng kasalanang orihinal
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo, Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama, AMEN.
Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay, AMEN.
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara nang unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan, AMEN.
Panginoon kong Diyos, Amang kagaling-galingan at kaalam-alaman sa lahat, Salamat sa Iyo nang walang hanggang pasasalamat sa lahat ng awa Mo sa amin. Kaming mga alipin Mong masasama ang siyang nagpapasalamat sa Iyong mahal na Anak na Bugtong sapagkat ipinagkaloob Niya sa aming lahat ang dinanas Niyang hirap dito sa lupa. Galang sa Iyo, awa sa amin, sampu ng kabanalan ng Mahal na Birheng Ina Niya, inihahain nami’t ipinagmamapuri at pinasasalamatan ang awa Mo sa amin.
CONNECT WITH ME:
✅ Facebook/Meta: / braveinspirationscoaching
✅ Website: www.bravecookie.com
✅ Twitter: / itsbravecookie
✅Podcast: anchor.fm/braveinspirationspo... ✅ / its.bravecookie
🔎 HASHTAGS 🔎 #Pasiyam, prayer for souls, Dasal sa Patay, Panalangin sa Kaluluwa
Cover: Resurrection of Jesus by Francesco Buoneri/Cecco del Caravaggio (1588/90 - after 1620) Google Art Project Public Domain
Music: Calm and Peaceful by LesFM | lesfm.net/relaxing-background...
Music promoted by www.chosic.com/free-music/all/
Creative Commons CC BY 3.0

Пікірлер: 44
@alexanderosabelsr.8761
@alexanderosabelsr.8761 22 күн бұрын
Kalulowa sa aking asawa at sa lahat mga kalulowa sa porgatoryo gabayan nyo po ako at begyan m ako ng malakas n katawan at pagalingin muna po tong sakit ko Amen🙏🙏🙏🙏❤️❤️❤️
@alexanderosabelsr.8761
@alexanderosabelsr.8761 18 күн бұрын
Para sa kaluluwa ni Felicidad at sa lahat ng mga kaluluwa sa porgatoryo Amen
@gloriacadevida9610
@gloriacadevida9610 6 күн бұрын
Panalangin Para mga kaluluwa ng mga mahal ko sa buhay.(Catalino,Maria,Leonardo,Remedios at Ruben etc.)🙏🙏🙏
@adelagarlan80
@adelagarlan80 Ай бұрын
Para sa kaluluwa sa aking ama at aking ina at lolo at lola at mga tita Amen,
@blesildarogge563
@blesildarogge563 16 күн бұрын
Prayers for Crisanta Fernandez Parino for her Soul.she is together with God Restt in PeaceJesus Christ Amen
@emoteravlog
@emoteravlog 2 ай бұрын
sa kaluluwa saking ama at saking lolo's at lola' tiyahin at tiyohin patawarin na kayu ng inyong mga kasalanan...
@ellasnyder5575
@ellasnyder5575 Ай бұрын
Prayer for the soul of my beloved husband Donald Richard Snyder 6th year death anniversary today March 23,2024. May his soul rest in eternal peace. You will always be in my heart forever ❤
@ofeliaalegre4221
@ofeliaalegre4221 2 ай бұрын
Panalangin para sa kaluluwa ni Bienvenido Alegre.. AMEN 🙏🙏🙏
@avelinajuco3714
@avelinajuco3714 20 күн бұрын
Tangapin po sana ng asawa ko at anak dolorico juco sr. At catalino juco ang inyong blessings sa knila salamat po, Amen
@user-be4gj4zt8o
@user-be4gj4zt8o Ай бұрын
Para sa kaluluwa anak ko na si shery l Parinas ang mga magulang ko na si Gloria Balerp Lilan Balerio sr..amen..❤❤❤
@EbellaSusulin
@EbellaSusulin 8 күн бұрын
Panalangin para sa kaluluwa ng akin asawa si Reynaldo Susulin ngaun 9days after deatd Amen
@olandomarcelo-zc4sg
@olandomarcelo-zc4sg 25 күн бұрын
Kaluluwa ni tatay at ni nanay ko mga pinsan ko mga tiyuhin mga kaibigan ko mga tao sumabilang Buhay hango in mo cla inpyerno
@user-hc1lq7lv7k
@user-hc1lq7lv7k 24 күн бұрын
Para sa kaluluwa ni Epifanio,Purita,Francisca,nazario,fausto,crisanta, Michael, Michael Jr. At ang LAHAT ng kaluluwa sa purgatoryo
@EbellaSusulin
@EbellaSusulin 8 күн бұрын
Amen
@ofeliaalegre4221
@ofeliaalegre4221 2 ай бұрын
Panalangin para sa kaluluwa ni Basilisa c. Salazar..🙏🙏🙏
@mariateresasato3747
@mariateresasato3747 Ай бұрын
Panalangin sa unang taon ng death anniversary ng aming ina. Amelia de luna.. Amen.
@user-ou9lo6dj6q
@user-ou9lo6dj6q 3 ай бұрын
Panalangin pra sa kaluluwa Ng aking Ate LETICIA ANDAL MAYO ngayong 40th days after her Death Amen🛐🙏🙏🙏🌹🌹🌹 Salamat sayong Panalangin, Subscribed Done 👍✅
@user-pc6pp1hf7b
@user-pc6pp1hf7b 27 күн бұрын
Prayer for the soul of my mother Estella Garcia birthday nya po ngayon.34 years na po syang patay.😢lagi ko po syang naalala.😥
@pacitamallari-lr8vm
@pacitamallari-lr8vm Ай бұрын
Amen ❤
@joelOrogo
@joelOrogo Ай бұрын
Prayer for the Souls ,,,Arcely Orogo,Dionisio Orogo,TirsoOrogo,Myrna Orogo,Ricardo Sison,Fernando Orogo,Cesar Aguilar,Ermida Solomon Alip,Jocelyn Orogo,Bomby Abian.
@joanruanes7626
@joanruanes7626 3 ай бұрын
Amen 🙏
@ednaalba1355
@ednaalba1355 3 ай бұрын
I am praying for the souls of our nephew Paszolo Anthony Pador Alba,our mom Consolacion M.Alba our Dad Pastor E.Alba .all my relatives friends and benefactors all may rest in peace.
@boobskey
@boobskey 6 ай бұрын
AMEN
@cristinalaluan5665
@cristinalaluan5665 3 ай бұрын
Para sa kaluluwa ng aking anak na si Ronnie sa 1 year death aniversaryo nya kahapon feb.10 sana patawarin ni Lord kong anoman ang kassalanan nya may his soul rest in peace amen at para rin sa lahat ng kaluluwa ng nasa porgatoryo amen
@editarobinson1704
@editarobinson1704 Ай бұрын
Pray for the souls Charley Robinson Antonio Rostata Sr and Antonio Rostata Jr corazon Estressa and zenaida Rostata and uncle Berth and untie Dena and Mariano Calderon Marlon Calderon and Derrick James Anders and uncle George Rostata and my Lolo at lola and all the souls in purgatory no one pray for them amen
@nievescanlas7419
@nievescanlas7419 2 ай бұрын
Para sa kaluluwa ni Guillermo bday nya nung feb 10 si Leonora Edgardo Alex Andy ❤
@rebeccavalencia
@rebeccavalencia 2 күн бұрын
Para sa kaluluwa nila nieves bernaldo carmelita eva felix ernnesto at sa lahat ng mga kaluluwa n walang nkaalala
@rebeccapatayan9072
@rebeccapatayan9072 Ай бұрын
Para sa kaluluwa ng aking anak na c Marvin patayan,bday nya ngayon April,13
@emiliosisonjr.1055
@emiliosisonjr.1055 Ай бұрын
Para sa kaluluwa ng Tatay Emilio sison, Nanay anchang, Nanay Aurora,Tatay Pagsaligan, kuya Poly ,kuya Pete, Corazon Pagsaligan Sison,Consuelo Sison Michael ar ang mga pumanaw.
@marissabarit5216
@marissabarit5216 3 ай бұрын
Para sa kaluluwa ni Lucino Barit
@thebravecookie
@thebravecookie Жыл бұрын
Pray for the souls of your departed loved ones. May their souls find peace and comfort in God's Love in Heaven.
@jomzdemesa951
@jomzdemesa951 6 ай бұрын
SENDING MY LOVE AND PRAYERS TO ALL MY LOVE ONES IN HEAVEN AGUSTIN JR❤️ELMA❤️RAFAEL❤️BENJAMEN❤️LORENZA ❤️MARGARITO ❤️MAGDALINA❤️REMEGIO AND ALL MY RELATIVES FRIENDS AND ALL SUOLS IN PORGATURY AMEN ❤️❤️❤️🙏🙏🙏
@nievescanlas7419
@nievescanlas7419 2 ай бұрын
Para sa kaluluwa nila Benilda Jonas Amor wenie ❤
@rodahliabalisoro8431
@rodahliabalisoro8431 27 күн бұрын
Prayer for my niece hikari bacani shindo
@aliciabonavente607
@aliciabonavente607 2 ай бұрын
for my brother (ramon) 1yr death anniv.
@demenmacalalad4760
@demenmacalalad4760 6 ай бұрын
amore saan kman naroon narito ka lagi sa puso nmin ❤❤❤
@stellajwang5280
@stellajwang5280 Ай бұрын
For the soul if jody drewal and wang guo kuai
@rebeccapatayan9072
@rebeccapatayan9072 Ай бұрын
Para sa kaluluwa ni Marvin patayan,Marcos,patayan, Mercedes panlilio,Rosita,delosantos, Francisco,Abad,Sr,
@nievescanlas7419
@nievescanlas7419 2 ай бұрын
Si Alex mapatawad nyo ang kanyang kasalanan nung sya nabubuhay bago sya pinatay ❤
@beachYkImsexy.
@beachYkImsexy. Ай бұрын
kalluwa ng akin ama ina kapatd hpag pamankin apo asawa byanan mga tto mga tta laht ng kamag ank tlongan mopo ako patawarin dko nadalaw
@alexanderosabelsr.8761
@alexanderosabelsr.8761 18 күн бұрын
Amen
@janetmarquez9904
@janetmarquez9904 6 ай бұрын
Amen🙏
@editarobinson1704
@editarobinson1704 Ай бұрын
Amen
PANALANGIN NOBENARIO SA MGA KALULUWA Matandang Edisyon
30:30
ArtBySita
Рет қаралды 216 М.
#dipobafrdave (Ep. 271) - ANO PO GAGAWIN AFTER 9 DAYS, 40 DAYS OR 1 YEAR AFTER DEATH?
12:45
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 104 М.
ISSEI funny story😂😂😂Strange World | Pink with inoCat
00:36
ISSEI / いっせい
Рет қаралды 24 МЛН
когда одна дома // EVA mash
00:51
EVA mash
Рет қаралды 10 МЛН
Glow Stick Secret 😱 #shorts
00:37
Mr DegrEE
Рет қаралды 118 МЛН
Rosaryo para sa Kaluluwa ng Yumao • Tagalog Prayer for the Dead
32:51
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 51 М.
A Rosary for Our Deceased Loved ones
21:41
MMR Church
Рет қаралды 202 М.
Prayers for the Dead
3:53
Catholic SaltLakeCity
Рет қаралды 15 М.
Prayer Time and Reflections II | MOR Playlist Non-Stop OPM Songs 2019 ♪
1:01:11
Panalangin para sa Mga Yumao
15:58
itskuyapando 45
Рет қаралды 17 М.
Panalangin para sa Proteksyon • Tagalog Catholic Prayers for Protection
58:45
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 339 М.
Panalangin para sa Yumao • Tagalog Prayer for the Dead • Dasal para sa Kaluluwa
19:03
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 146 М.
ISSEI funny story😂😂😂Strange World | Pink with inoCat
00:36
ISSEI / いっせい
Рет қаралды 24 МЛН