Рет қаралды 437,577
PANALANGIN SA STO NINO JESUS with Audio
Panginoong Hesus, Señor Santo Niño,
aming Diyos at Tagapagligtas,
pinili Mong magpakumbaba at magkatawang-tao
upang kami'y bigyan ng kaligtasan.
Turuan Mo po kaming maging katulad mo
sa lahat ng bagay upang kami nawa
ay humantong sa pangako Mong paraiso.
Gawin Mo po na ang aming mga puso
ay mapuspos ng Iyong espiritu upang
gaya ng mga batang kinalugdan Mo sa Ebanghelyo,
kami ay maging payak, mapayapa,
mapagpatawad, mapagkumbaba
at masunurin sa kalooban ng Ama sa langit.
Isinusuko po namin sa Iyo ang aming buhay at pagkatao.
Patawarin Mo po kami sa aming mga kahinaan at pagkukulang.
Gamitin Mo po kaming mga instrumento Mo
sa pagpapalaganap ng Iyong kaharian dito sa lupa.
PANALANGIN SA STO. NIÑO JESUS
O, Banal na Sanggol,
Diyos na Makapangyarihan
at bukal ng mga biyaya,
kami ay naninikluhod sa Iyong harapan.
Buong puso kaming sumasamba
at nagsisisi sa aming mga kasalanan.
Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili.
Itulot Mo na kami ay matulad sa Iyong Kabanalan.
Gawin Mo kaming maamo, mababa ang loob,
matiisin, malinis, maunawain sa kapwa
at masunurin sa kalooban Mo.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan Mo,
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen!
O, Banal na Sanggol, kaawaan mo po kami!
🙏🏼 Prayer Requests and Special Intentions: www.awitatpapuri.com/prayerre...
📄 Website: tagalog.awitatpapuri.com • www.awitatpapuri.com
Awit at Papuri Communications
Tagalog Catholic Mass Readings • Tagalog Gospel Reading
🌍 Web: www.awitatpapuri.com
🖥 Facebook: / awitatpapuri
Awit at Papuri Communications is a Philippine-based Catholic new media organization sailing on the digital sea and giving soul to the Internet by making Jesus Christ and His Good News known to Filipinos all over the world. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic Mass Readings, Prayers, Novena, Catechism and many more Catholic content!
Please do not re-upload our content without our express consent.