No video

PANGINOON NG SABBATH / ARAW NG PAMAMAHINGA

  Рет қаралды 1,789

Ben Filio

Ben Filio

Күн бұрын

PANGINOON NG ARAW NG PAMAMAHINGA
Sa Marcos 2, si Hesu Kristo at ang Kanyang mga alagad ay naglalakad sa triguhan sa Araw ng Pamamahinga o Sabbath.
Ayon sa ika Apat na utos ng Dios, na lagi nating tandaan at ilaan para sa Dios ang Araw Ng Pamamahinga. At di tayo nararapat magtrabaho at gumawa.
Exodo 20:8-10
Magandang Balita Biblia
8 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. 9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. 10 Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo.
Ngayon habang naglalakad ang mga disipolo sa triguhan ay pumitas sila ng trigo. Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
Marcos 2:23-27
Magandang Balita Biblia
Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga
23 Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus at ang kanyang mga alagad sa triguhan. Habang sila'y naglalakad, ang mga alagad ay pumipitas ng trigo. 24 Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
At sinagot sila ni Hesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
Marcos 2:27-28
Magandang Balita Biblia
27 Sinabi rin ni Jesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
Sa ating panahon ngayon, tayo po ay nabubuhay sa mundo sa panahong tinatawag na “Age Of Fulfilment”. Sa Mateo 5:17 ay sinabi ni Hesus “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a] Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. At sa Kanyang kamatayan sa Krus ng Kalbaryo ay Kanyang natupad ang lahat ng kautusan sa Lumang Tipan ukol sa Sabbath.
Mateo 5:17
Magandang Balita Biblia
Katuruan tungkol sa Kautusan
17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a] Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin.
Di na natin kailangang magpasakit upang sundin ang mga gawang ito upang tayo ay maligtas, sapagkat di natin din ito kayang gawin at walang sinuman ang nakatupad nito. Tanging si Hesu Kristo lamang. At tayo ay mayroon ng KAPAHINGAHAN sa “FINISHED WORK” ni Hesu Kristo na maliwanag na sinasaad sa Mateo 11:28 ng Kanyang sabihin, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
Mateo 11:28
Magandang Balita Biblia
28 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
At pinatotohanan ni Apostol Pablo sa Mga Taga Colosas 2:16-17 Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito.
Colosas 2:16
Magandang Balita Biblia
16 Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga.
17 Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito.
Sa ating panahon ngayon ay ating inaalala at binibigyang galang ang ika Apat na Utos, sa pamamagitan ng madalas na pagkikita kita ng mga Kristiano sa Iglesiya at ipinagdidiwang ang pakiki isa natin sa Kanyang Katawan para sa ating kaligtasan.
Mahalaga pa din ang pagkakaroon ng Araw ng Pamamahinga, pero katulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa Mga Taga Roma 14 Tanggapin ninyo ang mahihina sa kanilang paniniwala, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang kuru-kuro.
Roma 14
Magandang Balita Biblia
Huwag Hatulan ang Inyong Kapatid
1 Tanggapin ninyo ang mahihina sa kanilang paniniwala, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang kuru-kuro.
Maiintindihan natin ang mga bagay na ito kung Babalikan natin Ang Kontexto at Intindihing Totoo,
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CREDITS:
THIS VIDEO WAS INSPIRED FROM
WWHUT'S VIDEO - REMEMBER THE SABBATH?
VIDEOS:
LUMO - LUKE (LORD OF SABBATH)
PICTURES:
GOOGLE
MUSIC:
KZbin AUDIO LIBRARY

Пікірлер: 36
@markjoelrios8121
@markjoelrios8121 2 жыл бұрын
Amen po
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Mark. Salamat sa patuloy mong pagtangkilik. God bless
@glenayavanderheyden2846
@glenayavanderheyden2846 2 жыл бұрын
Amen🙏🙏🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Glen. Salamat sa pagbisita. God bless
@ronielmelendres5517
@ronielmelendres5517 2 жыл бұрын
Amen🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Roniel. God bless
@MarizTangaranyourShiningStar
@MarizTangaranyourShiningStar 2 жыл бұрын
Yes amen.. God bless you ganda content mo.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Mariz. God bless
@user-fb7lc8yo8r
@user-fb7lc8yo8r 6 ай бұрын
Amen, Thanks be to God and to God be all the Glory🙏❤️🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 6 ай бұрын
Papuri sa Dios sa kaitaasan. God bless
@user-fb7lc8yo8r
@user-fb7lc8yo8r 6 ай бұрын
@@Ben.Filio.Production Amen po🙏❤️🙏
@VeGen292
@VeGen292 2 жыл бұрын
Amen, Hindi kasalanan Ang pagsamba SA iBang araw.. mapa Saturday mn o Sunday❤️
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Vem. Salamat sa pagbisita. God bless
@VeGen292
@VeGen292 2 жыл бұрын
@@Ben.Filio.Production Amen🙏🙏
@joarembstaples4837
@joarembstaples4837 2 жыл бұрын
Salamat sa pagpapaliwanag brother. God bless.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Joaremb. Salamat sa pagtangkilik. God bless
@makeitbig1291
@makeitbig1291 Жыл бұрын
Sa jerusalem may 3 na sabbath, friday para sa mga muslim, sabado sa mga judio, at sunday sa mga Kristyano.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Salamat Kaibigan. God bless
@user-ek1xt3zu8n
@user-ek1xt3zu8n Жыл бұрын
Remember the sabbathday to keep it holy
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Si Hesu Kristo ang ating "True Sabbath". God bless
@user-ek1xt3zu8n
@user-ek1xt3zu8n Жыл бұрын
@@Ben.Filio.Production bigyan ntin ng kpahingahan at pagsamba ang araw n binigay sa atin ni jesus. N nung xay nagkatawan tao dito sa lupa ay kanyang sinunod para ,sundin din natin ito.n xang araw ng sabbath
@user-ek1xt3zu8n
@user-ek1xt3zu8n Жыл бұрын
Ang diyos ng israel at natin ay iisa hnd xa nagbabago ng utos. Dahil jesus never failed... Wala xang binago c satanas tlaga ngawa ng paraan para hnd ito masunod kaya madame hnd nasunod katulad mo sir. Sorry
@user-ek1xt3zu8n
@user-ek1xt3zu8n Жыл бұрын
Ipapangaral mo p n wala n ang utos . N dapat hnd n tayu sumimba ng araw ng sabbath,.sa ikapito araw C satanas natutuwa jan
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
@@user-ek1xt3zu8n Salamat sa maginoong pakikipagtalastasan Kaibigan. Si Hesu Kristo ang ating "Eternal Rest" O "Eternal Sabbath". Siya ay nagtamo ng ministeryong higit na marangal at tagapamagitan ng higit na mabuting tipan na pinagtibay ng higit na mabuting pangako. Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa. Sa pagsasalita tungkol sa “bagong tipan,” ginawa Niyang LIPAS NA ANG UNA. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit nang maglaho. Mga Hebreo 8:6-13 6 Subalit ngayo'y nagtamo si Cristo[a] ng ministeryong higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan sa isang higit na mabuting tipan na pinagtibay sa higit na mabubuting pangako. 7 Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa. 8 Sapagkat nang makakita ang Diyos[b] ng kapintasan sa kanila, ay sinabi niya, maglaho “Ang mga araw ay tiyak na darating, sabi ng Panginoon, na ako'y gagawa ng isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda, 9 hindi ayon sa tipang aking ginawa sa kanilang mga ninuno, nang araw na hawakan ko sila sa kamay, upang sila'y ihatid papalabas sa lupain ng Ehipto, sapagkat sila'y hindi nagpatuloy sa aking tipan, kaya't ako'y hindi nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon. 10 Ito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso, at ako'y magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko. 11 At hindi magtuturo ang bawat isa sa kanila sa kanyang kababayan, o magsasabi ang bawat isa sa kanyang kapatid, ‘Kilalanin mo ang Panginoon,’ sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila sa kanila. 12 Sapagkat ako'y magiging mahabagin sa kanilang mga kasamaan, at ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.” 13 Sa pagsasalita tungkol sa “bagong tipan,” ginawa niyang LIPAS NA ANG UNA. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit nang maglaho.
@tristanhabulin6571
@tristanhabulin6571 2 жыл бұрын
Ano poba ang relehiyon nyo po
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Ako po ay isang walang kabuluhang alipin ng ating Panginoong Hesu Kristo na nagsusumikap lumakad sa gabay ng Banal Na Espiritu sa pamamagitan ng Biblia.
@tristanhabulin6571
@tristanhabulin6571 2 жыл бұрын
Parang nyo pung sinasabi sa inyung sarili na subrang makasalanan nyo po dahil lang sa salita at banal na spirito kaya kayo ginagabayan at ginawang banal ng banal na spirito
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
@@tristanhabulin6571 Tama po Kapatid. Yan Ang ibig Kong sabihin. God bless
@tristanhabulin6571
@tristanhabulin6571 2 жыл бұрын
Maraming salamat po
Christian Dance | "The Universe and Expanse Is Praising God" | Praise Song
6:53
The Church of Almighty God
Рет қаралды 246 М.
هذه الحلوى قد تقتلني 😱🍬
00:22
Cool Tool SHORTS Arabic
Рет қаралды 44 МЛН
Prank vs Prank #shorts
00:28
Mr DegrEE
Рет қаралды 10 МЛН
Matching Picture Challenge with Alfredo Larin's family! 👍
00:37
BigSchool
Рет қаралды 43 МЛН
Ang Pagpapagaling ni Jesus sa Araw ng Sabbath - Juan 5:1-18
56:03
AKING PANGINOON (Lead Me Lord) Tagalog Version
3:59
PJ Mabaquiao III
Рет қаралды 62 М.
Sa Bundok ng Sinai, Exodus 19 @ReadTheScriptures
5:47
READ THE SCRIPTURES
Рет қаралды 168
IS SALT A SPIRITUAL WEAPON? The Hidden Truth of SALT in the Bible
34:37
Bible Stories
Рет қаралды 1,2 МЛН
Ang Pagbubunyag | Ang Inutusang Mangilin ng Araw ng Sabbath
21:56
Iglesia Ni Cristo EVangelical Mission
Рет қаралды 58 М.
UNITED IN PRAISE (SATB Choir) - Don Besig/Nancy Price
3:04
Hal Leonard and Shawnee Press Church Choral
Рет қаралды 10 М.
God Will Always Be With You / Don Besig and Nancy Price
3:43
هذه الحلوى قد تقتلني 😱🍬
00:22
Cool Tool SHORTS Arabic
Рет қаралды 44 МЛН