Рет қаралды 2,578
Ang buhay Cristiano ay madalas ilarawan sa Biblia na nasa isang paligsahan na pagtakbo. Madaling magsimula, subalit ang pagtatapos ay may kalakip na hirap. Takbuhan na hindi katulad ng mabilisang sprint, kundi isang pangmatagalang resistensya na marathon. Sa buhay Kristiyano, kailangan ang “perseverance” o “pagsusumikap/pagtitiis” hanggang dulo. Takbuhin na kailangan mong panatilihin at gamitin ng may katalinuhan ang iyong lakas para maitawid mo hanggang dulo ang iyong sarili.
Santiago 1:12 Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.
Anu-ano ang katangian ng tunay na pananampalataya?
Kung ihahambing natin ang ating pananampalataya sa sinasabi ni Santiago, papasa kaya tayo? Ano nga ba ang mga katangian na dapat nating makita upang matiyak nating tunay ang ating pananampalataya?