Рет қаралды 2,281
Pinangunahan ni Pres. Bongbong Marcos ang turnover ng 28 mobile clinics sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao sa ginanap na seremonya sa Manila North Harbor Port ngayong Biyernes, September 20.
Ang bawat mobile clinic ay mayroong Xray, ultrasound, at laboratory equipment na makatutulong umano para sa early diagnosis.
Sa talumpati ng Pangulo ay kinilala niya ang Lab for All project ni First Lady Liza Marcos na naging inspirasyon aniya sa Bagong Pilipinas mobile clinics.
“Napakapalad ko rin na ang napangasawa ko ay talagang pareho ang aming pag-iisip sa pagtulong sa bayan,” aniya.
Nauna nang ipinadala ang unang 14 mobile clinics sa Cagayan de Oro City habang ang mga natitirang vehicles ay nakatakdang ihatid sa General Santos City sa susunod na araw.
Sa kabuuan ay nasa 82 mobile clinic na ang naipamahagi sa buong bansa. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph