Рет қаралды 266
Pentecost (Part-1)
Acts 2:1-4 (Magandang Balita Biblia 2nd edition),
“Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.”
Noong pagdiriwang ng mga Hudio ng Pentecosta (Jewish Festival of Pentecost), labinlimang araw (50 days) bago ang Kapistahan ng Paskuwa (Passover Feast), naisakatapuran ang pangako ni Hesus sa Kaniyang mga alagad na sila’y basbasan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, kung saan ilan nito ay ang kakayanang makapagsalita ng mga lenguwahe o mga banyagang wikain na di nila dating sinasalita.
Ipinaliwanag ni Pedro na ito ay ang katuparan ng mga nakasaad na paghahayag sa Lumang Tipanang (Old Testament) at siyang inihayag naman ng mga pangunahing mensahe na matatagpuan natin sa aklat ng mga Gawa (Acts). Si Kristo Hesus ay nabuhay, namatay, at nabuhay mula sa mga patay, at samakatuwid ang lahat ay tinawag upang magsipagsisi sa kanilang maling pang-uunawa ukol sa Kanya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Background Music:
“Entire” by Quincas Moreira
Free Music from Audio Library - KZbin