Рет қаралды 5,541
‘COLLATERAL DAMAGE LANG BA ANG PAGPATAY?’
‘Yan ang tanong ni Representative Benny Abante kay Senator Bato Dela Rosa sa kanyang opening statement sa quad comm hearing nitong Huwebes, December 12, 2024.
“Kinakampihan natin ang war on drugs pero bakit kinakailangan may mamatay o pinatay na mga 30,000 na tao? Na ang karamihan niyan ay mistaken identity, na ang iba ay mga bata,” saad ni Abante.
Hindi man direktang pinangalanan, nagpasaring siya kay Dela Rosa na dating PNP chief noong administrasyong Duterte.
“Ang sabi ng isang senador na nakaupo na dating PNP director general, collateral damage. Collateral damage lang ba ang pagpatay? ‘Yan ang gusto kong sagutin ng senador na ‘yan,” dagdag niya.