Рет қаралды 75
Piglas, Antolohiya ng mga Radikal na Kuwentong Pambata - Lisa, Prinsesa ng mga Alimango
Sa kauna-unahang pagkakataon, tinipon ang mga kuwentong nagsisikap na mag-alay ng bago, progresibo, radikal, at malikhaing mensahe para sa mga batang mambabasa. Inaasahan na ang mga akda rito ay magtuturo sa bata tungkol sa hustisyang panlipunan, karapatang pantao, pangangalaga sa kapaligiran, at pagkilala sa mga bayaning nagsusulong ng isang makatao at makatarungang lipunan. Hangad din ng antolohiya na bigyang-kapangyarihan ang mga bata sa pamamagitan ng pagmulat at paggabay sa kanila bilang mga mapanuring mamamayan. Inaanyayahan nito ang mga bata na hindi lamang maging tagatunghay sa mga pangyayari kundi nakikibaka at nakikisulong tungo sa pagbabago.
Handog ng Lampara Books para sa mga bata, magulang, at guro ang pinakamatitingkad na mga kuwento mula sa kasaysayang ani ng panitikang pambata sa Pilipinas, gayundin sa panitikan ng iba’t ibang bansa sa mundo. Batang Matalino, Batang Masigla, Batang Lampara!
Tuklasin ang marami pang kuwento pambata mula sa lamparabooks.co...
Follow us on Facebook via / lamparabooks