Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtulog ng kaluluwa? Ang "pagtulog ng kaluluwa" ay isang paniniwala na pagkatapos mamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay "matutulog" bago maganap ang muling pagkabuhay ng katawan at ang paghuhukom. Ang konsepto ng "pagtulog ng kaluluwa" ay hindi ayon sa Bibliya. Kapag inilalarawan ng Bibliya ang isang tao na "natutulog" patungkol sa kamatayan (Lukas 8:52; 1 Corinto 15:6), hindi iyon nangangahulugan ng literal na pagtulog. Ang "pagtulog" ay isa lamang paraan upang ilarawan ang kamatayan dahil ang katawan ng namatay ay mukhang natutulog. Sa oras na tayo ay mamatay, haharap tayo sa paghuhukom ng Diyos (Hebreo 9:27). Para sa mga mananampalataya, ang lumisan sa katawan ay makasama ang Panginoon (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23). Para sa mga hindi mananampalataya, ang kamatayan ay nangangahulugan ng walang hanggang kaparausahan sa impiyerno. (Lukas 16:22-23). Bago ang huling pagkabuhay ng mga patay, mayroong pansamantalang langit - ang Paraiso (Lukas 23:43; 2 Corinto 12:4) at pansamantalang impiyerno - ang Hades (pahayag 1:18; 20:13-14). Gaya ng makikita ng malinaw sa Lukas 16:19-31, hindi natutulog ang taong namatay kahit sa Paraiso o Hades. Kaya't masasabi na ang katawan ng tao ay "natutulog" habang ang kanyang kaluluwa ay nasa Paraiso o Hades. Sa pagkabuhay ng mga patay, ang katawang ito ay "gigisingin" at babaguhin at gagawing isang katawan na walang kamatayan na mabubuhay sa walang hanggan, sa impiyerno o sa langit. Ang mga nangasa-Paraiso ay dadalhin sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Ang mga nasa Hades naman ay itatapon sa lawang apoy (Pahayag 20:11-15). Ito ang mga huli at eternal na destinasyon ng lahat ng tao - na nakabase sa kung ang isang tao ay nagwalang bahala o nagtiwala kay Hesu Kristo para sa kaniyang kaligtasan.
@babyprincessosmanuer7352 Жыл бұрын
Pastor may ranong ako may tao nava sa enperno,,
@villanuevaruth213 жыл бұрын
Purihin ang Panginoon, Salamat Panginoong Hesus.
@abjoseck95483 жыл бұрын
QUESTION para kay Pastor EDM, hindi ba ang Matt 24: 32 ay bahagi lang ng kabuuan ng Matt.24:1 &FF? Kung gayun, hindi natin pwedeng i-detached ang contextual meaning ng passage na eto (Matt 24:32) kung bakit sinagot ni Kristo ang mga katanungan ng mga discipulo (Matt 24:1 &ff, related to the Temple, signs of 2nd Coming & end of the age) at sino ang original na kausap ni Kristo noong 1st century?
@limangkalasag34272 жыл бұрын
Ang kaluluwa ng tao ay hindi namamatay o natutulog..kapag namatay na po ang tao may parusa na po sa pansamantalang impiyerno (hades) at ang nananampalataya pag namatay na ngayon pupunta po sila sa langit, dati sa abraham bosom pero kinuha na po sila doon at dinala sa langit.
@villanuevaruth214 жыл бұрын
Thank you pastor
@abjoseck95483 жыл бұрын
QUESTION Pastor EDM, hindi ba ang Matt 24: 32 ay bahagi lang ng kabuuan ng Matt.24:1 &FF? Kung gayun, hindi natin pwedeng i-detached ang contextual meaning ng passage na eto (Matt 24:32) kung bakit sinagot ni Kristo ang mga katanungan ng mga discipulo (Matt 24:1 &ff, related to the Temple, signs of 2nd Coming & end of the age) at sino ang original na kausap ni Kristo noong 1st century?