Рет қаралды 13,466
"Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak na pumasok sa palasyo at sa Hari ay humarap."
Talaga namang ipinagbunyi sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Nuestra Señora de la Asuncion ng Bayan ng Bulakan, Lalawigan ng Bulacan ang kadakilaan ng Diyos sa pagkakaloob sa ating Mahal na Birheng Maria ng pag-aakyat sa kanya sa kalangitan.
Nilahukan ng iba't ibang samahan at SPPC's ang mga programang inihandog ng Hermandad 2022 para sa ika-444 Pistang Bayan katulad ng Asuncion Festival, Concelebrated Masses, at Grand Procession.
Sa pakikiisa ng laksa-laksang deboto mula pa sa iba't ibang panig ng lalawigan, maski ng buong bansa, sa ating kapistahan ay nadama ng lahat ang dakilang pagdiriwang ng bayan.
#PistangBayan2022 #DSPNSDLA #AsuncionDeBulakan #VivaAsuncion2022