Рет қаралды 103
Itinigil ng organizers na Quezon City Government at Pride PH ang Love Laban 2 Everyone Pride Festival sa Quezon Memorial Circle noong June 22 matapos umulan nang malakas pagsapit ng gabi.
Dahil sa kanselasyon na dala ng electrical at technical issues at para sa kaligtasan ng libu-libong taong dumalo, hindi na nakapagtanghal sa entablado ang headline performers na sina Vice Ganda, ang Ben&Ben, Gloc-9 at P-Pop sensation na BINI_ph.
Bago itigil ang LGBT rally, humarap pa sa madla ang iba pang performer gaya nina Nadine Lustre, Nica Del Rosario, Cup of Joe at iba pa.
Naabot pa rin ang target attendance turnout na 200,000, ayon sa organizers ng naturang pro-Equality Rights event.