Рет қаралды 321
NAPATUNAYAN ng mga RCEF PalaySikatan farmer cooperators mula sa Sto. Domingo, Ilocos Sur na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka at certified inbred rice seeds ay nakatulong upang maging masagana ang kanilang ani at tumaas ang kanilang kita.
Ang PalaySikatan ay isa sa mga estratehiya ng RCEF-Seed Program upang matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita sa mababang halaga lamang na gastusin sa pagpapalayan, ito ay naglalayong ibida ang iba’t-ibang mga rekomendadong barayti at mga makabagong makinarya para sa pagtatanim ng palay.
#RCEFSeedProgram
#SupportOurRiceFarmers