Repleksyon Marso 24, Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon: Marcos 14:1-

  Рет қаралды 97

Grace Dasmarinas Galabin

Grace Dasmarinas Galabin

Күн бұрын

Mabuting Balita: Marcos 14:1, 15:47
Dalawang araw na lamang at Pista na ng Paskuwa at ng Tinapay na Walang Labadura. Ang mga punong saserdote at ang mga eskriba ay naghahanap ng paraan upang lihim na maipadakip si Hesus at maipapatay. Sinabi nila, “Ngunit huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga tao.”
Noo’y nasa Betania si Hesus, sa bahay ni Simong ketongin. Samantalang siya’y kumakain, dumating ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng mamahaling pabango - ito’y dalisay na nardo. Binasag niya ang sisidlan at ang pabango’y ibinuhos sa ulo ni Hesus.
Nagalit ang ilang naroroon, at sila’y nag-usap-usap, “Ano’t inaksaya ang pabango? Maipagbibili sana iyon nang higit pa sa tatlong daang denaryo, at maibibigay sa mga dukha ang pinagbilhan!” At sinisi nila ang babae. Ngunit sinabi ni Hesus, “Bakit ninyo siya ginugulo? Pabayaan ninyo siya! Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin. Habang panaho’y kasama ninyo ang mga dukha, at anumang oras na inyong ibigin ay magagawan ninyo sila ng mabuti. Ngunit ako’y hindi ninyo kasama sa habang panahon.
Ginawa niya ang kanyang makakaya - hindi pa ma’y binusan na niya ng pabango ang aking katawan bilang paghahanda sa paglilibing sa akin. Sinasabi ko sa inyo: saanman ipangaral ang Mabuting Balita, mababanggit din naman ang ginawa niyang ito bilang pag-aalaala sa kanya.”
Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay pumunta sa mga punong saserdote upang ipagkanulo si Hesus. Natuwa sila nang marinig ang gayon at nangakong bibigyan siya ng salapi. Mula noo’y humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.
Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, araw ng pagpatay ng kordero para sa Paskuwa. Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad, “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?” Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad. “Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki na may dalang isang bangang tubig.
Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, ‘Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ng kanyang mga alagad.’ At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin.” Nagtungo sa bayan ang mga alagad at natagpuan nga nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
Kinagabiha’y dumating si Hesus, kasama ang Labindalawa. Nang sila’y kumakain na, sinabi ni Hesus: ”Tandaan ninyo ito: isa sa inyo na kasalo ko’y magkakanulo sa akin.” Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa kanya, “Ako po ba Panginoon?” Sumagot siya, “Isa sa inyo na kasalo ko sa pagsawsaw ng tinapay sa mangkok. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong yaon ang hindi na ipinanganak.”
Samantalang sila’y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad. “Kunin ninyo; ito ang aking katawan,” wika niya. Hinawakan niya ang kalis, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. ...
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nakikita mo ba ang iyong sarili sa mabuting balita ngayong linggo ng pagpapakasakit ng Panginoon? Isa ka ba doon sa mga taong sumisigaw ng Hosanna, hosanna habang ang Panginoon ay nakasakay sa asno na pumapasok sa jerusalem?
Ikaw ba si Pedro na nagsabi kay Jesus na hindi nya siya iiwan at itatatwa? Pero siya rin ang pedro na nag tatwa kay Jesus, hindi lang isang beses, o dalawang beses kundi tatlong beses.
Isa kaba sa mga punong pari o escriba na nag plano na ipapatay si Jesus? Ikaw ba si Judas iscariote na nagkanulo kay Jesus sa pamamagitan ng tatlumpong salaping pilak? Kabilang kaba sa mga taong sumigaw na si Jesus ay ipako sa Krus?
Ikaw ba si Simon na taga-Cirene na nag pasan ng krus ni Jesus? Isa ka ba sa mga babaeng naging tapat kay Jesus hangang sa huling sandali ng kanyang buhay sa Krus? Ikaw ba yung kapitan ng mga kawal na nagsabing, tunay ngang anak ng Diyos ang taong ito. Ikaw ba si Jose na taga- Arimatea na nag ayos at nag libing sa bangkay ni Jesus?
Maaring isa ka sa kanila na gumanap ng importanteng papel sa pagpapakasakit ng Panginoon. Maaring isa ka sa mga nag pahirap sa buhay ni Jesus. Pwede ring isa ka sa iilan na naging tapat kay Jesus hangang sa dulo ng kanyang buhay.
Sa Pagsisimula ng semana santa, pagnilayan mo ang iyong relasyon kay Jesus. Paano mo ba ito mas mapapalalim pa para mas maging matingkad pa ang presensya ni Jesus sa buhay mo. - Marino J. Dasmarinas
VIDEOS:
BIBLEVIDEOS.ORG, CATHOLIC STOCK VIDEOS, PEXELS.COM, THE PASSION OF THE CHRIST
MUSIC:
PACHABELLY BY HUMA-HUMA

Пікірлер: 1
@hilariogalabin805
@hilariogalabin805 6 ай бұрын
🙏🙏🙏
Mga Salita ng Puno ng Aral na iyong Matututunan - 21
3:01
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 568
Mga salita  mula sa Biblia na nagbibigay ng Lakas ng Loob   2
3:26
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 14 М.
РОДИТЕЛИ НА ШКОЛЬНОМ ПРАЗДНИКЕ
01:00
SIDELNIKOVVV
Рет қаралды 2,5 МЛН
Spongebob ate Patrick 😱 #meme #spongebob #gmod
00:15
Mr. LoLo
Рет қаралды 19 МЛН
小天使和小丑太会演了!#小丑#天使#家庭#搞笑
00:25
家庭搞笑日记
Рет қаралды 33 МЛН
Mga Salita na Iyong Kapupulutan ng mga Aral - 4
3:34
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 802
Mga Salita na Puno ng Aral na iyong matututunan - 20
3:06
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 966
Mga salita  mula sa Biblia na nagbibigay ng Lakas ng Loob - 1
2:53
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 32 М.
Mga salita na puno ng Aral at Karunungan - 2
3:27
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 8 М.
Mga salita na puno ng Aral at Karunungan - 5
2:28
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 2,6 М.
Mga salita na puno ng Aral at Karunungan - 6
2:54
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 3,9 М.
Mga salita na puno ng Aral at Karunungan - 7
2:48
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 7 М.
РОДИТЕЛИ НА ШКОЛЬНОМ ПРАЗДНИКЕ
01:00
SIDELNIKOVVV
Рет қаралды 2,5 МЛН