Rhenz Abando, LUMIPAD Parang AGILA! | NILALAIT lang NOON, SANDIGAN na NGAYON | NCAA Season 97

  Рет қаралды 163,846

PUSO Sports

PUSO Sports

Күн бұрын

Bakbakan ng Letran kontra Perpetual. Bakbakan upang magkaalaman sino ang makakukuha ng isang pwesto sa #NCAASeason97 Finals. Mayroong mga kani-kaniyang manok at mga sinusuportahan ngunit ito marahil ang ilan sa mga nangingibabaw sa kanilang naging laban. #RhenzAbando #PUSOSports
Dahil hindi makapaglalaro ang beteranong si Kim Aurin para sa kanyang team gawa ng kanyang pagkakaroon ng chicken pox o bulutong, kakailanganin talagang mag-step up ng iba nilang manlalaro. Dito masusubok kung matapos ang mga do-or-die games nila kontra Arellano pati sa EAC ay mayroon pa bang natitira sa kanila.
Ang pinakasumagot sa hamon, walang iba kundi ang player nilang may numero 9 sa kanyang uniform - si Jielo Razon. Sa kanyang pangunguna, hindi sila basta-basta bumigay at pilit na sumabay sa kanilang mga kalaban. At sa pagtatapos ng laro, siya ay nakapagtala ng dalawampu’t isang puntos, labing-isang rebounds at apat na assists.
Sa kabilang banda, nandoon si Abando. Ang Letranista na si Rhenz, nagmistulang agila para sa kanila. Siya ang isa sa mga nangibabaw talaga ang laro para sa koponan ni Coach Bonnie Tan. Ipinamalas niya ang angking husay sa pagpukol ng mga tira sa labas na kung saan batid mo talaga ang kanyang magandang shooting form.
Angat na angat talaga kapag lumundag. Iyan marahil ang isa talaga sa mga bentahe nitong si Rhenz Abando. Minsan parang effortless. Minsan hindi naman talaga nagkulang ang depensa sa pagbantay sa kanya, higit lamang marahil talaga siyang mataas kumpara sa mga manlalaro ng Altas.
Siya ang nagbigay ng balanseng pag-atake. Siya rin ang nagbigay ng mga plays na nakapagpasigaw sa kanilang mga fans. At sa kanyang paglipad, minsan tuloy ang kanyang mga bantay sa sahig na lang napapadpad. Kapag sinabayan mo siya, at ikaw ay masama sa poster, maituturing ka na lang marahil na sawimpalad.
Naaalala nyo pa ba ang meme na ito na para bang minaliit ang datingan at laro nitong si Fran Yu? Parang namamasada lang daw. Pero tingnan naman natin kung ano na ang hain niya ngayon sa CSJL? Siya na ang kapitan at isa sa mga pangunahing nagtitimon ng kanilang koponan at talagang naaasahan sa kanilang pukpukang laban kontra Perpetual.
Mautak yung mama eh. At isa rin ito marahil sa mga dahilan kung bakit nasama din siya dati sa lineup ng Under18 na koponan ng Pilipinas. Lalo na’t patuloy siyang nakakukuha ng experience habang tumatagal, ang dating batang Gilas ay maaari na rin siguro nating sabihing isa sa mga pinakasandigan at pinuno ngayon ng Letran.
Bagaman nakapagkamit ng maraming turnovers noong third quarter ang Perpetual, naging dikit pa rin talaga ang kinahinatnan ng laban. Iyon nga lamang, nakapagbaon ng sapat na lamang itong mga taga-Letran upang sila ang patuloy na makaabante sa finals at maghintay sa kung sino ang mananalo sa laban ng Red Lions at Cardinals.
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Пікірлер: 22
RHENZ ABANDO HIGHLIGHTS - LETRAN NCAA
10:54
boss rino the fake analyst
Рет қаралды 49 М.
1 сквиш тебе или 2 другому? 😌 #шортс #виола
00:36
小蚂蚁会选到什么呢!#火影忍者 #佐助 #家庭
00:47
火影忍者一家
Рет қаралды 123 МЛН
НИКИТА ПОДСТАВИЛ ДЖОНИ 😡
01:00
HOOOTDOGS
Рет қаралды 2,9 МЛН
SINO NGA BA SI RHENZ ABANDO?
13:08
TimeCheck TV
Рет қаралды 365 М.
Monster dunks, monster rebounds, monster blocks = HALIMAW na RHENZ ABANDO
6:15
Rhenz Abando NCAA Season 97 Top Plays Highlights
4:32
Sports ALL IN
Рет қаралды 80 М.