O Tala ng Pilipinas, Ina ng Bayang Salinas, Aba Mariang Ginoo, Birhen ng Santo Rosario. Sa bagyo man o daluyong, At karagatang maalon; Di lulubog di malulunod sa anumang pagsubok kamay mo at Rosario tangan-tangan ng puso ko. Anumang kapighatian Mga hamon at kagipitan Ay napagtatagumpayan Dahil Rosariong tangan Puso ko’y inuudyukan Lagi kang pasalamatan