Рет қаралды 23,385
Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay maraming nanood upang suportahan ang kani-kaniyang teams. Sabi nga sa isang kanta, "kahit hindi Pasko ay magbigayan." Ngunit ngayong Pasko kaya, madalian na lang bang ibibigay ang panalo para sa paborito at pinakasikat na koponan sa PBA? #PUSOSports #ChristmasDay
Sa hindi paglalaro ni Rondae Hollis-Jefferson, pati na rin ni Jayson Castro, si Calvin Oftana ang mistulang naging tinik para kay Tim Cone sa larong ito ngayon. Roommates man dati ni Scottie noong Gilas, ngayong gabi nga ay sila muna ang magtatagisan ng galing upang buhatin ang kanilang mga ball clubs. At para nga sa koponan ni Jolas, si Oftana nga ay nakapag-ambag ng dalawampu't pitong puntos.
At batay sa naging panayam sa chief tactician ng TNT, hindi na nga makababalik pa ngayon itong si Rondae sa Commissioner’s Cup gawa ng kanyang maselang injury. Sa halip ay papalitan na nga siya ng isa pang RHJ - ang kanyang kapatid na si Rahlir - at susubuking isalba ang kampanya ngayong ng Tropang Giga. Kaya naman, ang spotlight talaga ngayon ay sa kung paano dadalhin ni Oftana itong koponan niya.
Anong masasabi ninyo sa laro ni Tony Bishop? Hindi ba siya kasing dominante ng ibang imports? O sadyang nilalaro lamang talaga nya ang kailangan sa kanya ng Ginebra? Baka naman kasi hindi niya kailangang maging ball hog sapagkat ang kinagandahan sa Gin Kings ay marami nga silang options - higit na kailangan marahil ang marunong maglaro sa sistema. Ano sa tingin ninyo?
Tulad ng nakasanayan, nandoon sina CStand, Tenyente, at Iskati upang pangunahan ang pag-atake ng mga nakapula. Hirap marahil ang depensa na sila ay matapatan gawa ng napakataas ng basketball IQ nitong mga players na ito. Tapos sasamahan mo pa ng mga spectacular dunks nitong si Jamie Malonzo. Merry Christmas, Ginebra fans talaga ang mangyayari.
Ngunit sa dulo, parang nauulit ang kapalaran ng mga katunggali nitong koponan na paborito ng madla. Papalamangin sa una, ngunit gagamitin lamang ng pamosong never say die. Tapos tatapusin ng mangilan-ngilang mga dagger threes mula sa former MVP na si Iskati. Sino ba namang hindi mapababaril sa kanilang mga sumisigaw na fans? Anong masasabi ninyo sa larong ito? Binigay na nga lang ba upang ang karamihan ng mga fans ay umuwi nang masaya? O sadyang ang TNT Tropang Giga ay bumitaw lang talaga?
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: www.youtube.co...
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.spin.ph/ba...
www.spin.ph/ba...
pba.ph/news/ki...
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gal...
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!