SINO ang MAKAUUNA? San Miguel o Ginebra? | NAKATULOG ang Player?! | MAGKAPATID ang MAGKATUNGGALI!

  Рет қаралды 720

PUSO Sports

PUSO Sports

Күн бұрын

Ika-labing-lima ng Disyembre taong 2023 noong huling nagharap itong dalawang koponan na ito. At sa loob ng halos isang buwan, marami na ang nangyari sa magkabilang koponan. Halika, balikan muna natin ang mga naging kaganapan noon. Tingnan natin kung mayroon bang mauulit kapag sila ay nagkatapat ngayong semis. #PUSOSports
Marami ang nakatuon ang atensyon sa manlalarong ito dahil mahalagang baraha siya para sa kanilang tactician na si Coach Tim Cone. Talagang masusubukan si Tony Bishop. Buti na lang, noong huli silang nagharap ay mahusay naman ang ipinakita ng kapalit na import ni Justin Brownlee. May isang pagkakataon pa ngang tila nakatulugan siya ni Mo Tautua sa depensa dahilan upang siya nga ay magkaroon ng easy dunk/layup.
Import pa ng SMB noon ay si Ivan Aska. Tanda nya pa ba noong nagkainitan sila ni Terrence Romeo sa isa pang laban ng San Miguel? Wala pa noon si Bennie Boatwright na kasalukuyang pinangungunahan ang scoring department ng Beermen. Kapana-panabik kung paano siya babantayan ng Ginebra. Sino kaya ang magandang tumao sa kanya? May mga mind games at maiisahan kaya ng Gin Kings itong relatively ay bagong salta pa sa #PBA?
Injured at di naglaro pareho si June Mar at Iskati sa kanilang unang paghaharap ngayong Commissioner's Cup. Mga manlalarong alam naman nating malaki ang impact para sa kani-kanyang team. Kaabang-abang din kung paano nila madadala ang San Miguel at Ginebra. Ang isa, big man na kapag nasa loob ng court ay paniguradong sentro ng atensyon. Habang ang isa, gwardiya na all-around na kaya kang bigyan ng triple-double.
Kalilipat lang ni Don Trollano noon sa San Miguel. Sa kabila naman, nabigyan ng playing time ang rookie na si Ralph Cu pati na ang dating SMB player na si Von Pessumal. Mga posibleng x factors na pwede ring hugutin ng kani-kanilang mga coaches kung sakaling ang mga main gunners nga nila ay alatin sa opensa.
At kung usapin lamang ng opensa, marami rin talagang maaaring mag-ambag para sa dalawang koponan. Nandoon sina Romeo at Malonzo. Chris Ross at LA Tenorio. Jericho at Marcio tapos mayroon namang Maverick at CStand sa kabila. Ganyan kalalim ang magkabilang team. Sa tingin ninyo, sino ang pinakapuputok at makapag-aambag nang malaki ngayon para sa San Miguel at Ginebra?
Makakikita ba tayo ng tambakan o dikit ang magiging labanan sa koponan na parehong galing sa hanay ni Ramon Ang? Sino sa tingin ninyo ang maka-first blood o makakauuna sa serye sa magkapatid na ito? Fear the Beer ba o Never Say Die spirit ba ang mananaig sa kanilang muling paghaharap ngayong semifinals?
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: www.youtube.co...
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gal...
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Пікірлер
when you have plan B 😂
00:11
Andrey Grechka
Рет қаралды 67 МЛН
Spongebob ate Patrick 😱 #meme #spongebob #gmod
00:15
Mr. LoLo
Рет қаралды 17 МЛН
Inside Out 2: BABY JOY VS SHIN SONIC 3
00:19
AnythingAlexia
Рет қаралды 9 МЛН
规则,在门里生存,出来~死亡
00:33
落魄的王子
Рет қаралды 19 МЛН
Jamie Malonzo CRAZY DUNKS for 5 minutes straight
5:02
GIN KINGS
Рет қаралды 115 М.
when you have plan B 😂
00:11
Andrey Grechka
Рет қаралды 67 МЛН