Рет қаралды 226,281
Bakit puso ko'y biglang kumaba
Noong una pang nakita siya?
Hindi mapakali, hindi makahinga
Siya na ba? Siya na nga, kaya
Malayo man siya sa 'kin ngayon
Darating din ang tamang panahon
Mundo para sa aming dalawa
Siya na nga, sana siya na nga
Bakit ba ganito
Ang lukso ng puso?
Ano na nga kaya ito?
Kabang nakakalito
Puso ay pakinggan
Siya ang nilalaman
Siya na nga kaya?
Sana siya na nga
Saang dagat man ako mapunta
Kung bakit ikaw ang nakikita
Kapit sa damdamin, gustong isigaw
Na ang hanap ng puso ko'y ikaw
Bakit ba ganito
Ang lukso ng puso?
Ano na nga kaya ito?
Kabang nakakalito
Puso ay pakinggan
Siya ang nilalaman
Siya na nga kaya?
Sana siya na nga