Рет қаралды 27,486
"PASTOL NG KAWAN"
Fr. Ned P. Nazareno
I
Ang 'yong puso'y kay dalisay, 'yong pag-ibig sa dukha ay tunay
Sa naliligaw ika'y gabay, ibinabalik ganda ng buhay
Panig sa api at mahihina, pinalalakas at pinalalaya.
Ang pagod 'di alintana, ang 'yong lakas Kanyang Salita.
Koro 1:
Dugong bayani ay taglay mo, dangal ka ng Caviteño
Ikaw ay paring maka-Diyos, maka-buhay at makatao.
Mapagmalasakit ka sa kalikasan, may pag-ibig sa Inang Bayan.
Huwaran ka ng kabanalan. Pastol ka ng kawan.
II
Natatangi 'yong karunungan. Ang lahat ika'y hinahangaan.
Mababa ang 'yong kalooban sa gitna ng karangalan.
Kabutihan ng 'yong sarili kailan ma'y 'di ipinagmamalaki.
"Ang Panginoon Iyon!" 'yong wika. Ang Diyos ang S'yang pinupuri. (Repeat Koro 1 then Bridge)
Bridge:
Matimyas ang 'yong pag-ibig sa Birheng Maria
S'ya'y lakas mo't kagalakan. Reynang iyong sinisinta.
Koro 2:
Dugong bayani ay taglay mo. Dangal ka ng lahing Pilipino
Sa Diyos kami'y nagpupuri, nagpapasalamat para sa'yo.
Ika'y biyayang handog sa Sambayanang Pilipino
Sa puso ikaw ay iingatan, mananatili kailan man,
Ngayon at kailan pa man.
---------------
“PASTOL NG KAWAN”
Titik at Musika: Fr. Ned P. Nazareno
Tinig nina: Genesis Villaluz & Grace Santiago