Рет қаралды 890
#News5OnTape I Gusto man niya o hindi, obligado si suspended Bamban, Tarlac Mayor #AliceGuo na dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado sa Miyerkules, July 10 hinggil sa ilegal na aktibidad ng #POGO at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya, ayon kay Senate Pres. Chiz Escudero.
Kasunod ito ng pagpapa-subpoena sa alkalde at sa kanyang mga kaanak matapos hindi dumalo sa huling pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Sakaling hindi sumipot si Mayor Guo, nakadepende na aniya sa desisyon ni Sen. Risa Hontiveros kung iisyuhan niya ng arrest order ang alkalde para pwersahang mapadalo. Dagdag pa niya, handa siyang pirmahan ito.
May sagot din si SP Escudero sa medical reason ni Mayor Guo at paghahain ng kampo niya ng petition for certiorari para kuwestiyunin ang pag-obligang dumalo sa Senate hearing.
“‘Yang karapatang ‘yan ay dapat i-invoke kapag may tinatanong na maaring magkapagpa-incriminate sa kanya at hindi pwedeng gamiting dahilan para ‘di mag-attend ng hearing,” saad pa niya. #News5 I via Maeanne Los Baños-Oroceo
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph