Рет қаралды 101,212
Patunay ng MATAAS na IQ sa LABAN ni QUADRO ALAS!
Follow me on FB:
/ sportsmanda2.0
*FAIR USE*
Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research.
Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.
Non-profit, educational or personal use tips the balance in favor of fair use.
Gaano ba kabilis ang footwork at kamao ng Angas ng Pinas na si Johnriel Quadro Alas Casimero?
At bakit tila ba, nalito ang Aprikanong kampeon sa kakaibang istilong ipinakita ng maton nating kababayan?
Hihimayin natin ang taktikang ginamit ng Angas ng Pinas para makuha ang kampeonato sa ikatlong dibisyon.
Magandang araw mga fight fans at welcome back sa sports manda!
Mahigit 3 taon matapos dumayo sa Bitanya para depensahan ang IBF Flyweight belt at tibagin ang bagitong challenger na si Charlie Edward, muling lumipad sa lugar ng mga bitoy ang Angas ng Pinas.
Ngunit sa pagkakataon ito, si Casimero naman ang magtatangkang mang-agaw ng korona sa bokisngerong sinasabing may hawak ng fastest knockout in a world title fight na si Zolani ‘Last Born’ Tete!
Mukhang masyadong umelib ang mga boxing analyst sa record ng south African fighter mula sa dalawang magkasunod na WBO Bantamweight title defenses.
Nasilaw sila sa height at reach advantage nitong si Zolani Tete kaya tinayang lyamado sa laban.
Pero ang pisikal na kalamangan ng kampeon ay nabura sa isang kisap mata!
Eto ang simpleng pag Analisa sa talino ni Casimero sa laban.
Round 1
Ginamit agad ni Tete ang kanyang jabs para hindi makalapit si Casimero.
Gayun pa man, maganda ang distansiya ng Angas ng pinas para hindi umabot ang jabs ng kalaban at nasa eksaktong agwat din kung aatake.
Sumubok ng atake si Casimero para alamin kung saan yumuyuko para umilag si Tete.
Masipag bumato ng mga jabs itong si Tete. May mangilann ngilan lang na tumama pero sablaya at salag ang karamihan.
Closing seconds, muling kinumpirma ni Quadro Alas ang datos na kanyang nakuha.
Bumato ng isang malakas ng looping right si Casimero at kahit na suntok daw sa hangin ang nangyari sabi ng mga commentators - hindi nila alam na isa ito sa stratehiya ni Casimero para hulihin sa bitag si Tete.
Tandaan natin ang taktikang ito mga idol na kahit sablay ang suntok e ang pangyayaring ito pala ang gugunaw sa mundo ni Tete.
Round 2
Same game plan ang ginagamit ni Tete at medyo nagiging agresibo na pabor sa palno ni Casimero.
Samantalang medyo magalaw na ang ating kababayan trying to set up a trap para Masilo ang kampeon.
Hinahayaan muna ni Quadro Alas na maging komportable ang istilo ni Zolani Tete at magkaroon ng rhythm para tumakbo sa isip ng kampeon na walang panama sa kanya ang pinoy challenger.
Check ulit sa head movement ni Tete - sa tuwing aamba ng suntok si Casimero - yumuyuko pakaliwa si Tete na nkababa ang kanang kamay.
Round 3 -
Nakuha na ang mg datos sa mga butas ng galawan ni Tete.
Oras na para i-execute ang plano.
Agad na kumilos si Casimero, double jab sabay right straight.
Final check sa movement ng target - porma ng suntok si Casimero - ilag at yuko pakaliwa mui si Tete.
Eto na ang trap - inuunahan at binabarahan na ni Casimero ang lead foot ni Tete para ma cut ang movement ng kampeon.
Gamit ang bilis ng footwork, napasok ni Casimero ang depensa ni Tete.
Sabay bato ng double left jab at ang bagyong kanan ay naka-abang sa pagyuko ni Tete.
Bagsak! Nakabangon pero hilo kayat kumilya pakanan ang kampeon. Hindi alam kung ano ang tumama sa kanya!
Tuloy pa ang laban - gusto ng tapusin ni Casimero pero umakap at napaluhod si Tete.
Pinupog ni Quadro Alas habang nakasandal sa lubid ang aprikano - isang suntok ang dumaplis sa likod ng ulo ni Tete kayat sumubsob na parang bumagsak na kabayo. 2nd knockdown scored by Casimero.
Isang madiin na kanan at isang mala-shotgun na kaliwa at pinatama ni Tata - umawat na sa awa ang referee na si Steve Gray!
3rd division world title ang na secure ng Angas ng Pinas!
Isang solid na performance ang ipinakita ni Casimero.
Patunay sa pagiging mautak mabilis at malakas ng Angas ng pinas!
Ang suntok na nagdetermina sa resulta ng laban ay walang iba kundi ang sablay na looping right ni Casimero sa unang round.
Sumablay man sa una, ito ay para malaman lang kung saan itinatago ni tete ang kanyang ulo!
#sportsmanda #quadroalas #angasngpinas