Рет қаралды 202,324
Kung naniniwala ka sa Diyos, tiyak na nais mong makatamo ng karagdagang kaalaman tungkol sa Diyos. I-click upang sumali sa Bible study group na ito, kung saan makakatamo ka ng tulong.
Messenger: shurl.me/TLMes...
Tagalog Christian Music Video | "Tunay Bang Naging Buhay Mo Na ang Salita ng Diyos?"
Sinasabi ng taong pinapayagan nilang maging buhay nila ang Diyos,
nguni't 'di pa nila 'to nararanasan.
I
Sinasabi lang nilang Diyos ang kanilang buhay
na sila'y Kanyang ginagabayan araw-araw,
na salita Niya'y binabasa nila't nagdarasal bawat araw,
at sa gayon Siya'y kanilang naging buhay.
Kanilang kaalaman ay sobrang mababaw.
Maraming tao'ng walang pundasyon;
mga salita ng Diyos naitanim na sa kanilang loob,
nguni't 'di pa umuusbong, 'di pa namumunga.
'Pag karanasan mo'y dumating na sa punto,
'di ka makaalis, kahit pa ika'y paalisin.
Lagi mong madarama na 'di mo makakaya
kung sa iyong loob ay walang Diyos.
II
Ang kawalan ng Diyos ay kawalan ng 'yong buhay.
Hindi ka mabubuhay nang walang Diyos.
'Pag sa puntong ito'y naranasan mo na,
pananalig mo sa Diyos ay magtatagumpay.
Sa paraang ito, Diyos magiging buhay mo
at pundasyon ng 'yong pag-iral,
sa gayon ika'y hindi na muli pang
maaaring malayo mula sa Diyos.
Sa puntong ito'y 'yong matatamasang tunay ang pag-ibig ng Diyos,
ugnayan mo sa Diyos lumalagong mas malapit,
Diyos ay magiging buhay mo't pag-ibig.
Ito ang tunay na tayog ng tao; ito'y tunay na buhay.
III
Dapat maranasan mo'ng Diyos ang 'yong buhay,
na tila 'pag Siya'y kinuha sa'yong puso,
siya ring kawalan ng 'yong buhay;
Diyos ang 'yong buhay, 'di mo Siya maiiwan.
Sa paraang ito, tunay ngang dinaranas mo ang Diyos.
Sa oras na 'to, kapag muli mong ibigin ang Diyos,
magagawa mong ibigin ang Diyos nang tunay.
Ito'y magiging iisa, purong pag-ibig.
'Pag mga karanasa'y umabot na sa punto,
'pag nagdarasal, kumakai't umiinom ng salita ng Diyos,
puso mo'y 'di maiiwan ang Diyos,
hindi mo Siya magagawang limutin.
IV
Diyos ay tunay mong magiging buhay.
Malilimutan mo ang mundo, mga asawa't mga anak;
nguni't mahihirapan kang limutin ang Diyos.
Ito'ng 'yong tunay na buhay at pag-ibig sa Diyos.
'Pag ang pag-ibig ng tao'y umabot sa punto,
walang maihahambing sa kanilang pag-ibig sa Diyos.
Kaya naisusuko nila ang lahat ng bagay
at natatanggap lahat ng pakikitungo ng Diyos.
Kapag iyo nang nakamit
pag-ibig sa Diyos na humihigit sa lahat,
ika'y mabubuhay sa realidad
at mabubuhay sa pag-ibig ng Diyos sa iyo.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa KZbin channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.
Ebanghelyo ng Pagbaba ng Kaharian: bit.ly/2zlHT34
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: bit.ly/2WI52EH
Maaari ninyong i-download ang app ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Google Play: bit.ly/2Oj7Kxv
App Store : apple.co/2zlHVIe
CAG Hymns - Mga Bagong Awitin ng Kaharian App.
Google Play:bit.ly/3fzlyPU
App Store : apple.co/2YPLS2k
Email: contact.tl@kingdomsalvation.org
#MakapangyarihangDiyos