TAGILID NA TIMBANGAN | UNO PRODUCTION | SELECTIVE JUSTICE | SHORT FILM | FRHEGH STUDIO

  Рет қаралды 463

Frhegh Studio

Frhegh Studio

3 жыл бұрын

Ang salaysay na pelikulang "Tagilid na timbangan" patungkol sa tunay na buhay na kumakaharap sa bulok na hustiya ng lipunan. Pinagbibidahan nina Dans, Buenaventura, Gajeto, Absalon, at Dimaguila ng BSCS-1AB-STEM na nagkukuwento sa mga pangyayari na tumutugon sa katayuan ng buhay sa lipunan at hindi patas na hustisya sa mga mamamayan.
Ang maikling pelikulang “Tagilid na timbangan” ay binubuo ng dalawang istorya na marahil napapanahon sa kasalukuyang nangyayari sa totoong buhay.
Sumasayaw ang ihip ng hangin sa balat, malayo pa man amoy na ang nilalagang baboy sa daan. Huh? Ano kaya nga meron? May kaarawan kaya? Marahil ito na ang matagal nang pinaghahandaan ni “Chief Drako.” Ito ang unang kabanata, kabanata na umiikot ang kwento sa pag-ikot din ng pananagutan sa batas. Si “Chief Drako” ay may mataas na katungkulan sa gobyerno at kapulisan, subalit gaano man katayog ang kanyang katungkulan ito’y hindi nya maayos na nagampanan. Siya ay lumabag sa isang alituntuning siya mismo dapat ang nagpapatupad para lamang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Datapwat siya’y napawalang sala’t lumusot sa batas ng walang kahirap kahirap sa pamamagitan ng isang salitang “Mañanita.” Isang salita, isang salita na marahil ay hindi magiging solusyon para sa mga nasa baba, gaya na lamang ni “Mang Godong.” Si “Mang Godong” ay isang tagabenta ng isda sa Caloocan, siya ay edad na, may asawa, at ampon na anak na si “Toto.” Siya ay nagplanong bumili ng isda noong kasagsagan ng "Lockdown" at siya ay nahuli sapagkat wala siyang "Travel pass" na dala. Walang balita ang kanyang asawa at kanyang kawawang anak kung anong nangyari sa kanya sa isang buong linggo. Sa kanyang kakapiranggot na kita’y wala syang kakayahang magbayad ng piyansa, sa kakapiranggot na kita’y pangkain na lamang sana ng kanyang pamilya. Ngunit ano man ang hinagpis at hirap na dinanas ni “Mang Godong” at kanyang pamilya sa buong linggong iyon, kamay ng awa’y pari’y sumaklolo.
Ang ikalawang kabanata ay umiikot sa isang babaeng nagngangalang “Gissle”. Maganda, may mala-porsenalang kutis, at balinkinitang katawan. Hindi lingid sa kaalaman ng dalagita na mayroong nagnanasa sa kaniya na may ngalan na “Ken”. Isang binatang lalaki na may mataas na pribelehiyo sa buhay dahil sa kaniyang pamilya. Sila’y nasa isang kaarawan ng kanilang kaibigan ng magsimulang magbago ang ikot ng buhay ni Gissle sa kamay ni Ken at ng mga tropa nito. Nang si Ken ay inaya si Gissle sa isang Hotel ito’y ginalaw ng kanilang tropahan na walang kalaban-laban. Pinababa, pinasa walang bahala, at niyurakan ang pagkatao ni Gissle sa hukuman at maski na rin sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Disyembre taong dalawampu’t isa, si Gissle ay nagsusulat sa kaniyang talaarawan ng mga nangyari nang siya’y ginahasa ngunit nang kinaumagahan ito’y natagpuang walang buhay at tila’y nawawala ang kaniyang talaarawan.
Atin nang pagmasdan ang paligid. Tanungin na natin ang ating mga sarili, ang timbangan nga ba ng batas ay gumigilid? Simulan na nating magsalita. Ang katahimikan ay siyang nagpapalakas sa nagpapahirap. Kailangan natin manghimasok. Lalo na kapag ang karapatang pantao ay nanganganib. Walang masama sa pagrereklamo. Nagrereklamo tayo sa pantay-pantay na karapatan sapagkat ito ang dapat. Hindi masama humingi ng hustisya, ang masama ay makawala ang may sala dahil may pribelehiyo sila. Nasaan na ang dignidad at malasakit sa mga mahihirap na hindi naman ginustong maging mahirap? Balang araw ang dapat managot ay dapat managot. Huwag hihintong lumaban. Pigilan ang likong daan sapagkat ang hustisya ay hindi lamang para sa kanila. Darating din, Oo, maghintay ka lang. Ang Pilipinas na iyong tanging hinihiling.
Directed by: Jeorge Irey Dans
Written by: Jeorge Irey Dans, Elmer Absalon, Nicole Anne Buenaventura
Cast:
Absalon as Drako, Chief Dumbo, Toto, at Ken
Buenaventura as Calora, V, at Giselle
Dans as Krispin, Bishop David, Moy
Dimaguila as Rocky, Mang Godong, Drew
Gajeto as Duwelta, Tring, Nanay, Rita
Editor: John Denzil Dimaguila
Musical Director: Mika Ena Gajeto
** NO COPYRIGHT INFRINGEMENT **

Пікірлер: 1
@rasheedriga5209
@rasheedriga5209 3 жыл бұрын
grabe ang galing T^T lalo na yung nicole
‘Wanted Perfect Murder’ FULL MOVIE | Eric Quizon, Redford White
1:32:16
ABS-CBN Star Cinema
Рет қаралды 242 М.
Son ❤️ #shorts by Leisi Show
00:41
Leisi Show
Рет қаралды 4,4 МЛН
WORLD'S SHORTEST WOMAN
00:58
Stokes Twins
Рет қаралды 122 МЛН
Useful gadget for styling hair 🤩💖 #gadgets #hairstyle
00:20
FLIP FLOP Hacks
Рет қаралды 10 МЛН
КАК ДУМАЕТЕ КТО ВЫЙГРАЕТ😂
00:29
МЯТНАЯ ФАНТА
Рет қаралды 10 МЛН
Lecheflan girl’s once  in a life time experience here in Disneyland.
1:15:43
Lecheflan girl vlogs
Рет қаралды 37 М.
Noli Me Tangere Short Film - Ikakasal na si Maria Clara
11:49
KAYA KO PA | SHORT FILM |
13:24
Frhegh Studio
Рет қаралды 843
THE NEIGHBOR ANIMATION
8:55
Rapheline
Рет қаралды 130
Son ❤️ #shorts by Leisi Show
00:41
Leisi Show
Рет қаралды 4,4 МЛН