Рет қаралды 8,595
Ito ay matatagpuan sa Sitio Wawa, Brgy San Rafael, Montalban Rizal.
May tatlong batis na dumadaloy at nagtatagpo sa iisang lugar, kaya ito tinawag na TAGPUAN.
Malinis din ang tubig at walang kuryente sa lugar kaya walang videoke na gagambala sa katahimikan ng lugar. Walang kuryente dito pero meron naman generator na puwedeng gamitin, pero ang guest na ang gagastos ng gasolina na ilalagay sa generator para magkaroon ng kuryente. Meron din silang CR na may unlimited tubig.
RATES (Exclusive booking)
4,000 overnight from 4pm to 7am
3,500 day tour from 8am to 4pm
Maximum of 25 persons
Additional 50 per head kapag sumobra sa 25 ang guests.
Ito ay exclusive kaya walang papapasukin sa mga petsa na may nakabook.
KAPAG WALANG EXCLUSIVE BOOKING
200 overnight
50 day tour
350 cottage
Kapag walang exclusive booking, nililimitahan lamang sa dalawang grupo ang puwedeng pumasok dito para na rin maiwasan ang anumang gulo.
Puwede magdala ng pagkain at puwede din magpaluto, pero kailangang bayaran at gas na gagamitin sa pagluluto.
Magdala na lang ng tent at libre ang tent pitching.
Meron din extrang kubo sa halagang 500.
NOTE:
Kung nais naman magpabook, sinasuggest ng may-ari na personal na magpunta sa Tagpuan upang makipagusap tungkol sa napiling petsa ng inyong pagpunta. Dahil nga sa wala silang kuryente at signal, hindi nila nabubuksan ang FB page nila kaya hindi nila kayo masasagot. Hanapin lamang si kuya Joseph at ate Aileen (owner).
FACEBOOK PAGE:
/ tagpuang-batis-montalb...
Action Camera: Gopro Hero 9
Video Editor: Filmora X
Music c/o KZbin Audio Library