DABELA, CINDY L. 11 STEM-NEWTON Ang aking naging repleksyon mula sa video na napanood ay kung tayo ay lubos na mananalangin at magmamahal sa Diyos, ang mga milagro ay hindi imposible. Ibibigay ng Diyos ang nararapat sa atin, bibiyayaan niya tayo ng puspos, at walang sawa niya rin tayong mamahalin. Gaya ng nangyari sa buong buhay ni San Isidro, ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan kasama ang kanyang pamilya ay kasakasama niya rin ang Diyos bilang tagapagprotekta at gabay.
@jetrovalenzuela79363 жыл бұрын
Valenzuela, Jetro 11- STEM NEWTON Ang pinaka-natutunan ko po rito kahit ano po ang estado natin sa buhay, mahirap man o mayaman kailangan parin natin manampalataya sa Panginoon. Alam ko po na kapag nakatuon lang tayo sa Lord gagabayan at ihahatid niya tayo sa matuwid na daan kung sa ganon ikaw ay maging matagumpay sa buhay. Maging mapagkumbaba lang po palagi at ibigay ang buhay sa Panginoon, tanggalin ang mga bagay na nakakapag-palayo sa Panginoon. Mas maganda rin na mapagbigay sa ating kapwa, magbigay ng taos puso. At wag ng ipagyabang sa mga tao ang mga binibigay mo kundi itago mo na lang sa sarili mo at ang Diyos na bahala magbalik ng blessings na yon sayo.
@josephlaidaban40632 жыл бұрын
Thank you for sharing this stories
@jomermurillo79893 жыл бұрын
Murillo, Jomer D. 11-EINSTEIN Ang aking mga napagnilayan noong napanood ko ang video tungkol sa buhay ni san isidro labrador. marami akong napagtanto sa aking sarili o sa aking buhay noong napanood ko ito. dahil si san isidro mula noong bata pa lamang siya marami ng dumaang pagsubok sa kanya dahil sa kahirapan ng buhay nila noon. siya ay nagtrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya. Ngunit kahit na ganito ang estado ng buhay nila ay nanatili parin silang positibo at may tiwala sa diyos. Ngunit sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang reklamador o tamad isa ito sa aking napagtanto. Si san isidro ay lumaking isang mabuting tao, Isang madasalin at magpagmahal na tao. dahil sa kanyang paniniwala o pagtitiwala sa diyos hindi siya pinapabayaan nito bukod pa rito ay lagi siyang pinagpapala nito dahil sa kabusilakan ng kanya puso. Maraming mga milagro ang nangyari sa kanyang buhay katulad na lamang sa kanyang trabaho dahil sagana ang kanilang bukirin. at ang pagmimilagro dahil sa mapagmamahal siya sa mga hayop dumami ang pagkain ng ibon at ipinamahagi niya rin ito sa mga pulubi. Isa pa rito ay ang pagpapala sa kanyang anak noong nahulog ito sa balon at walang malubhang naramdaman ito , at ang nagtoyot sa bukirin ngunit noong nag pala si siya ay mayroon lumabas na tubig. at ang panghuli ag ang pagbuhay ni san isidro sa anak ni juan deveras Ngayon ang mga natutunan ko o aking napagnilayan sa video o kwento mula sa buhay ni san isidro labrador ay maging positibo tayo sa ating pananaw kahit na mahirap ang ating nararanasan huwag tayong sumuko at lumaban o harapin ang problemang ating nararanasan pangalawa ay maging madasalin tayo at magtiwala sa diyos dahil siya ang gagabay sa atin mga problema o tutulong sa ating upang mawala ito.
@ironiccrucyfix3 жыл бұрын
very humbled and ashame with my faith and works as i stumble on this video which my heart really appreciates. May i sleep tonight and woke up least a good for nothing person and become at least a step closer to san isidro's million stairs faithful kind of human being. pbwya.
@daddylolodaddy55233 жыл бұрын
Napakagandang Kuwento .
@angelamaeb.merabite99453 жыл бұрын
Merabite, Angela Mae B. 11-Humss IDIYANALE Ang natutunan ko po sa video na Ito na kahit anong manyari Basta maniwala ka sa diyos at magnampalataya ka ... Wag ka maiingit sa iba .. just always pray and have a faith on God 🙏
@apolakay15285 ай бұрын
San Isidro Labrador pray for us Will celebrated for saint isidro Labrador Tuwing may 15
@armixvlog15923 жыл бұрын
Sending full support new friend merry Christmas
@jaysongregorio206011 ай бұрын
Amen🙏🙏🙏
@kirstengomez5453 жыл бұрын
Gomez,kirsten faith j. Humss-tala Repleksyon kopo ito sa video na aing pinanood, talaga naman pong sa san isidro ay isang napaka buting tao noong sinaunang panahon, at nakiita ang kanyang takot sa dyos dahil sa pananakig nya hindi lamang po iyon sya din oo ay isang mapag mahal na taon at nakikita kopo sakanyang katauhan na hindi po hadlang ang katayuan sa buhay upangbkaibigan ng kung sino man 💙
@cathlyndelosreyes84413 жыл бұрын
Ang aking repleksyon sa napanood na ito ay masasabi kong napakamabuting tao ni san isidro labrador o san isidro ang magsasaka, sa kabila ng kahirapan nya sa buhay ay hindi sya nakakalimot sa panginoong sa itaas tila ba nakaka ispirado naman ni san isidro, hindi lang basta siya masipag sa buhay kung di na rin isang Maka- Diyos, at isang banal. siya ang nagpapatunay na samahan mo ng pagiging madasalin o maging malapit sa Diyos habang ikaw ay nagsisipag sa buhay, kaya naman ay madaming nakakakilala sakanya dahil sa magandang kalooban na meron sya. -- HUMSS BATHALA
@nelialong522710 ай бұрын
sumalangit nawa ang kaluluwa ni san Isidro Labrador.pray for us.
@bryanquinto54473 жыл бұрын
Wow
@mangahasfracelinemaer.62683 жыл бұрын
Mangahas, Fraceline Mae R. 11-HUMSS Idiyanale Ang aking natutunan sa napanood kong ito ay dapat kahit akong estado mo sa buhay dapat marunong kang manampalataya at magtiwala sa Diyos. Napakabuti ng kalooban ni Isidro. Mapagmahal siya sa mga hayop at mga mahihirap. Sa pagiging bukas-palad niya, maawain, maka-Diyos at pagiging mapagmahal siya ay pinagpapala ng Diyos.
@jeromereyarnaiz98943 жыл бұрын
Arnaiz,Jerome Rey 11 STEM-NEWTON Bilang Repleksyon mula sa buhay ni San Isidro,natutunan ko na hindi kailanman magiging hadlang ang estado sa buhay upang kilalanin at tanggapin ang panginoon sa iyong puso bilang iyong Diyos at sariling Tagapagligtas.Katulad ni San isidro,nararapat lamang na maging sentro ng buhay natin ang poong maykapal at unahin siya sa lahat nang bagay nang sa gayon ay maging marapat tayo sa kanyang kabutihan at kaharian.Ano man ang mangyari sa ating buhay,dapat tayong kumapit at magtiwala sa ama at tiyak na iyon ay sumasalamin sa kanyang kalooban na magpapabuti ating buhay.
@sameliza87353 жыл бұрын
Macaranas, Samantha 11 STEM EINSTEIN Ang nakuha kong aral mula sa bidyong ito ay kahit nasa itaas o baba ka man ng iyong buhay patulog pa rin tayong manalangin at magtiwala sa Diyos. Hayaan natin Siya ang kumilos sa bawat aspeto ng ating buhay.
@nolitoferreras89838 ай бұрын
San Isidro Labrador Ipanalangin mo Kami Amen
@allysondiaz72533 жыл бұрын
Diaz, Allyson T. 11- HUMSS Idiyanale Sa aking napanood na bidyo ang natutunan ko ay dapat maging mabuti tayo sa iba. Dapat manalig sa Diyos at magtiwala lang sakanya. Si San Isidro ay napakabuting tao at sobrang mapagmahal sa kapwa at mga hayop. Pinagpapala siya dahil sa kanyang kabutihan at kabaitan. Dapat tayo rin ay ganoon. Hanggat may maibibigay tayo sa kapwa nating nangangailangan ibigay natin at sila ay tulungan. Magpakabuti tayo para maging mabuti din saatin ang Diyos.
@josephlaidaban40632 жыл бұрын
Amen
@kenshinvelez29943 жыл бұрын
Velez, Kenshin Gabriel B. 11 - STEM Einstein Ang aking repleksyon sa aking napanood ay patuloy tayong manalig sa diyos sa mga oras na tayo ay nabubuhay pa. Hindi magandang idahilan ang estado sa buhay maging mayaman o mahirap ka man. Dahil kahit baliktarin mo ang mundo diyos pa din ang gumamit ng kanyang kakayahan para tayo'y mabuhay. Tulad din ni San Isidro Labrador magig inspirasyon sana sya sa mga tao na laging minamaliit ang mga taong sa labas lang naninirahan at mga taong walang awa sa mga hayop o alaga nila. Magandang halimbawa ang ipinakita ni San Isidro Labrador na pag alaga sa hayop at halaman tas pag alala sa mga pulubi na sana may mga tao ding gumawa ngayon.
@josephmarlomuyrong6993 жыл бұрын
Muyrong, Joseph Marlo 11 STEM- NEWTON Ang aking nakuhang aral sa aral video na ito ay dapat manatiling matatag ay ating pananalig anuman ang mangyari o kaganapan sa ating buhay. Mapayaman man o hindi
@jirolaurenzagad68903 жыл бұрын
Agad, Jiro Laurenz 11-Einstein Ang natutunan ko sa buhay ni San Isidro Labrador ay kahit ano pa mang antas mo sa buhay ay hindi dapat natin itong gawing rason upang hindi tayo manampalataya sa Panginoon,bagkus ay mas patatagin pa natin ang tiwala sakaniya upang ang buhay natin ay umangat na dala dala ang pangalan ng Panginoon. Si San Isidro Labrador ay isang masipag na sa murang edad pa lamang ay nag babatak na ng buto, siya ay isang mabuting tao at hindi nakakalimutan ang kanyang tungkuling pasalamatan ang Panginoon. Ang ating kabutihan ay magkakaroon din ng kabutihan na ating matatanggap, ang ibato mo sa kapwa ay babalik sa'yo.
@cymerteodosio46052 жыл бұрын
San Isidro labrador
@karlmontero87103 жыл бұрын
Montero, Alvyn Karl I. 11-STEM EINSTEIN Ang hatid ng kuwentong ito na buhay ni San Isidro Labrador ay huwag ka makalimot, sumunod sa yapak at magtiwala ka lang sa Diyos at ikaw ay pagpapalain niya dahil marami sa atin nakakalimot ng magdasal na dapat bigyan nating oras kahit pa tayo ay may maraming gawain upang makapagpasalamat sa kaniya na naiparanas niya sa atin ang kaniyang likha at kaligayahan dito sa mundong ito
@gerger64463 жыл бұрын
Cabaylo, Roger 11-Stem-Einstein Ang natutunan ko ay maging matiyaga di lang sa pananampalataya sa diyos kung di pati na din sa pag gawa. Manatiling nakakapit sa diyos at maniwala sa milagrong dulot nito.
@elmiraabada60103 жыл бұрын
Abada, Elmira C. 11 HUMSS TALA Ang aking natutuhan sa bidyo na aking pinanood ay ang maging mabuti sa kapwa; hanggat may maibibigay ka sa iyong kapwa ay 'wag magdalawang isip na magbigay. At dapat ay manalig tayo sa Panginoon kahit ano man antas ng ating pamumuhay dahil hindi naman ito magiging hadlang sa ating pananampalataya sa kanya.
@nellynarciso53723 жыл бұрын
Huwaran,ka sa kabanalan San Isidro
@juanaroselusico34723 жыл бұрын
LUSICO, JUANA ROSE E. 11-HUMSS IDIYANALE Ang aking repleksyon sa napanood kung bidyo ay kahit mayaman at mahirap ka man dapat mag-tiwala at manampalataya tayo sa panginoon dahil ang iba ay nagdadasal lang ka pag may kailangan sila at ang iba naman ay nakakalimutan ng mag-dasal. Kahit papaano mag bigay tayo ng oras sa panginoon na mag-dasal, magpasalamat sa kanya at kung ano man ang hinihiling mo sa kanya antayin natin na ibigay ng panginoon dahil hindi naman lahat ng bagay minamadali. Maging mapagbigay sa ating kapwa magbigay ng taos puso na walang hinihiling na kapalit.
@mariaremedioscayetano13262 жыл бұрын
Thanks! May I share this, maganda ang pagkakagawa.
@ojindevega9552 жыл бұрын
Maraming salamat po. Viva, San Isidro :)
@maximodelacruz9632 жыл бұрын
San isidro ipanalangin mo po kami.
@bernardbriones65223 жыл бұрын
❤️❤️❤️❤️❤️❤️🙏
@ricardoescalona96132 жыл бұрын
San Isidro Labrador Ipanalangin mopo kmi..
@febangelgarcia54392 жыл бұрын
😇❤❤❤🙏🏼
@manonfire21483 жыл бұрын
maraming barrio dito sa amin si San Isidro ang patron
@maricarignacio15823 жыл бұрын
❤️❤️❤️❤️❤️🙏😘
@irashanecorona24813 жыл бұрын
Corona, Ira Shane V 11-Newton Ang aking repleksyon sa video na ito ay kung may pananampalataya ka sa Diyos at buong puso mo siyang tinatanggap sa buhay mo, susuklian niya ito sa pamamagitan ng paggabay at pagligtas sayo at sa mga mahahalagang tao sa buhay mo. Tunay ngang walang sinuman ang makakahigit sa pagmamahal at gabay na ibinibigay ng Diyos.
@tangzogenesisjoyr.81263 жыл бұрын
𝐓𝐚𝐧𝐠𝐳𝐨, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐬𝐢𝐬 𝐉𝐨𝐲 11-𝐇𝐔𝐌𝐒𝐒 𝐈𝐃𝐈𝐘𝐀𝐍𝐀𝐋𝐄 Ang aking repleksyon patungkol sa aking bidyo na napanood mahirap ka man o mayaman huwag kang tutulong ng dahil sa gusto mo lang sumikat, tumulong ka dahil ayun ang tama at gusto ng Panginoon.Sa bawat biyayang natatamo natin sa buhay huwag natin kakalimutang magpasalamat sa Diyos dahil ang pagiging malapit sakanya ay di hamak na mas mainam kaysa gumawa ng mga bagay na walang pagdulong sa poong may kapal. Huwag natin siyang kausapin kapag tayo ay may problema lamang, maglaan tayo ng oras para kausapin siya sa lahat ng bagay, sa pasasalamat, sa pakikipag usap sakanya tungkol sa nangyari sa araw araw mong pamumuhay at sa walang sawang pagtugon niya gamit ang isang biyaya. Muli, ay huwag natin kakalimutan ang Panginoon!
@kristinehernandez48523 жыл бұрын
PWEDE PO BA NAMING IUPLOAD ITO SA FACEBOOK?
@ojindevega9553 жыл бұрын
Ok po. Credits na lang po. Thanks
@edriansantollano88003 жыл бұрын
Permission to Grab your Video
@ojindevega9553 жыл бұрын
Sure po. Pakilagay na lang po YT account sa credits. Thank you.
@apolakay15285 ай бұрын
San Isidro Labrador pray for us Will celebrated for saint isidro Labrador Tuwing may 15