This documentary deserves an award, and the problem needs to be addressed.
@VinzDeeEm Жыл бұрын
💯 Thanks to Sir Atom for addressing this issue..
@lilacski3s2442 ай бұрын
Agree
@carolineabaigar8472 Жыл бұрын
I'm a teacher too kaya masaydo akong natouch sa docu na to. Kudos to teachers who patiently teach these students! Sana mapanood to ng mga taong may kapangyarihan para matulungan ang mga learners na to lalo na yung may mga potential talaga.
@ronaldarrazola680911 ай бұрын
my teachers, my heroes!
@aracelimunoz87699 ай бұрын
I agree .
@dan_02758 ай бұрын
bakit yung may potential lang, sana lahat, mag aral lahat at tulungan lahat
@lilacski3s2442 ай бұрын
Bulag kase mga tao they always vote for incompetent leaders ayun
@independentjohn Жыл бұрын
Ang masasabi ko lng, base sa experience ko noong bata pa ako, mahalaga tlga ang pagkain bago pumasok s school, mahina ako sa klase kasi di kami nag aalmusal at wala tlgang masustansyang pagkain s mesa namin noon, kulang kami s vitamins. Kaya masasabi ko lng para maging matalino ang mga bata at maging fast learner, importante ang sapat na pagkain at vitamins, kasi kung kulang s pagkain hindi tlaga nila maaabsorb ang itinuturo ng mga guro.
@jocelynmonteclaro8507 Жыл бұрын
Tama
@reign464611 ай бұрын
May talagang matalino,ung mga Tito nga nmin laging kamote ang pagkain ,naging abogado pumapasok na walang slipper noong high school, pag college self supporting, boy sa may kayang pamilya
@seapearl73069 ай бұрын
tama po kayo.
@lolitaabainza81646 ай бұрын
Hindi nanonood nito ung karamihan sa mga govt officials na corrupt dahil wala silang paki alam🥲
@lolitaabainza81646 ай бұрын
Sana magbayanihan sila jan para ayusin ung balsa dahil wala rin silang maasahan sa gobyerno😢
@orion4865 Жыл бұрын
Galing talaga pagdating sa Docu ng GMA. Kudos sir Atom very informative and eye opener ang theme ng Documentary nio.
@kodemnky Жыл бұрын
Masaya ako na makita yung mga bata na ishare nila yung knowledge nila sa iba kahit sila mismo ay di sapat ang nalalaman. Should be that way from the start, no competition! Tulungan, hatakan pataas! Salamat Muli Atom sa isang magandang dokumentaryo mo.
@kcbasco Жыл бұрын
Pag yumaman po ako Lord, maliban sa pamilya ko, tutulungan ko rin ang mga batang ito 😢
@harishellian6965 ай бұрын
Sana umasenso din sila dahil sa pag-aaral nila
@yourweirdbanana Жыл бұрын
Sana mabigyan din sila ng scholarship gaya ng ginagawa ni Ms. Kara David. Ang daming talento, oras at panahon na nasasayang dahil sa kahirapan. These kids deserve a better future and the government must do something to level up the education system in our country. Wag sanang sayangin ng DepEd ang pagkakataon na mabigyan sila ng maayos na edukasyon. Saludo ako sa mga kabataan na ito pero hindi pwedeng manatili sa ganitong kalagayan ang education system ng bansa.
@alup1han_dagat Жыл бұрын
Sana naman sa mga nakaupo sa gobyerno subukan nyo naman tumayo.eto yung mga pag asa ng bayan na gutom na gutom sa kaalaman😢 yung mga salapi na ginagamit nyo sa kawalan ipamahagi nyo naman sa mga batang gusto matuto
@RenzCarloGarcia Жыл бұрын
up ❤
@rhonagilo8176 Жыл бұрын
sobrang dami ng documentary na ganito hanggang ngayon eto padin ang problema ng Pinas.Parang npakahirap solusyunan 😭
@ronelfelismino496710 ай бұрын
puro kurakot kase nka upo .. may budget nman jan binubulsa lang ng mga naka upo
@scorpz93257 ай бұрын
Kasi nagbulag bulagan lang mga mkaupo sa gobyerno
@rosalindabariuan46617 ай бұрын
Kurapsiyon ang dahilan,kasi maraming pera sa DepEd
@annecortez1757 Жыл бұрын
The hearts of these kids are so precious ❤ Sana one day magkaroon sila ng magandang education 💖 They all deserved it😊
@jersonlee887 Жыл бұрын
Nakakatuwa, hindi distracted ang mga bata sa anumang cellphone o computer sa kanilang lugar, yung nagiging laro nila yung magbasa at magsulat katulong ang bata sa kapwa bata, kudos kids. You have a bright future ahead
@PaulJohnCJose Жыл бұрын
"Umaasa tayo na makapagbabasa ang mga bata pero walang libro?" tagos 'yun. Grabe. Sana talaga nanonood ng mga dokumentaryo ang ating mga pinuno.
@jieomapas8 ай бұрын
Hay totoo po yan. Gusting gusto namin magpabasa kaso walang libro😭😭
@cirilloerederajr.18646 ай бұрын
Wag nang asahan corrupt ang gobyerno ntin noon p man... kakalungkot lang😔
@pac787Ай бұрын
nakikita nman nila yan kaso mas inuuna nila yung mga bulsa nila..
@maurisdelossantos3476Ай бұрын
Ayun si sarah duterte binulsa ung 600M confidential fund ng deped
@PapaLagTV Жыл бұрын
Kahanga-hanga ang katatagan ng mga estudyante, guro at mamayan ng mga lugar na inyong napuntahan. Sa kabila ng mga balakid at kagipitan sa buhay ang bawat isa ang nagsisilbi nilang tulay para magtagumpay. Ayos talaga na may local dialect o mother tongue ang bawat rehiyon sa pagtuturo upang masmaunawaan ang mga aralin. Ang ibang mga karatig bansa natin sa Asya ay gumagamit ng sarili nilang wika pero sila ay matatagumpay din. Ultimo saligang batas natin nakasulat sa salitang Ingles. Dito sa atin kapag magaling ka sa salitang banyaga mataas ang tingin at kapag hindi ka nakakaintindi ay mababa lalo na sa paghahanap ng trabaho. Salamat sa kagaya nitong dokumentaryo, nailalahad ang mga bagay na hindi natin nakikita at ng mga kinauukulan. Hangad ko ang kaligtasan ng lahat. 🙏
@mri-meditaterelaximmerse7727 Жыл бұрын
Sana may audit sa mga kasalukuyang guro ngayon. Madami akong naririnig na bumababa ang kalidad ng pagtuturo dahil sa palakasan pagdating sa pagpapasok ng mga guro para magturo. Lalo na sa probinsya.
@jeferlynbulawit-hk6xr Жыл бұрын
totoo ang palakasan system sa pinas.. kung hindi man palakasan .. perahan ang labanan.. nakakalungkot lang
@puritaparis2906 Жыл бұрын
Dapat may ranking din sila
@jhongyle7868 Жыл бұрын
Grabe talaga gumawa ng docu si sir atom. Buti nalang talaga nalipat ka sa GMA
@wengszz10 ай бұрын
Omsim
@VinzDeeEm Жыл бұрын
" Pero hindi lang determinasyon at sakripisyo ang kailangan para umangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa..." " May mga pagkakataon siguro na 'yung ating mga pondo, hindi natin inilalaan sa mga critical areas.." " Kahit sinasabing libre ang basic education sa bansa, malinaw na hindi ito sapat upang matoto ang mga bata. " " Sa bawat pagpalit ng administarasyon, may bagong direksyon. Kaya apektado ng politika ang edukasyon...." - Isang dokyu pero natalakay ang mararami at mahahalagang isyu.. Kudos to Sir Atom and to the whole team of TAAS. Hindi na lingid sa kaalaman natin ang ganitong sitwasyon ng maraming kabataang pilipino. Likas na talaga sa atin ang pagkakaroon ng determinasyon at pagiging matulungin.. Naipahayag na ng dokyu ang suliranin..Tugon naman sana ng sektor at ng pamahalaan.🙏✨
@nenengmulacruz8727 Жыл бұрын
Sana ung mayayaman na vlogger dto mag donate sga tao nto ung makapag patayonlng sila Ng school or kht tulay manlng ...
@commuting101611 ай бұрын
Asa ka pa tayo....puro yabang lang naman ang alam nila..
@harishellian6965 ай бұрын
Oo nga hindi yung mga Pulubi ng hindi marunong mag banat ng buto, kahit anong tulong ang ibigay mo hindi naman sila natutututo
@MelodyOlivar-fp1xh6 ай бұрын
Kinikilig ako kay isabel at jemboy, magkalaban sa math.😊
@princessmanzano2097 Жыл бұрын
Ang tanging mayroon sila ay pangarap at dedikasyon makatapos..I just hope na yung tanging kayamanan na mayroon sila still motivates them to continue going school.
@theysay4407 Жыл бұрын
Tapos tatawanan ng iba pag nagkwento ang iba sa pinagdaanan nilang hirap bago maka Punta sa skwela😢 tssk
@rudelizamatuguinas6885 Жыл бұрын
Very nice episode sanay maging daan ito para mabigyang pansin ang mga mag aaral sa mga isolated na lugar
@mariegraceabogade24815 ай бұрын
Kuddos Atom team and GMA,Need talaga masolusyunan Ang kahirapan at Yun budget talaga sa Edukasyon. Teacher Ako pero naging OFW dahil na din sa liit Ng sahod.Kung mag Karun Ng pag kakataon at maayos na financial status ko gusto ko mag turo sa mga Lugar na need Ng guro.Para maturuan Ang mga kabataan na hirap sa pag aaral. Nakakatouch itong docu ni Atom.❤
@stephaniep.geronimo938616 күн бұрын
Grabe! Ang dami kong natutunan😊
@wonniesperfume16 күн бұрын
sarap
@amigairene Жыл бұрын
mas maganda nga ugali ng mga bata sa lumaki sa ganyan na buhay!kontento na sila!matuto din sila balang araw!
@ean-n5b11 ай бұрын
Agree po ako dyan
@quiteweirdbutnotreally6 ай бұрын
This docu should call out DEPED. Gamitin ang budget sa tama. Abutin ang mga lugar sa probinsya. Nakakaawa ang sistema ng edukasyon sa ngayon compared sa panahon ko, pababa tayo nang pababa 😢
@bernabefloydnieva799011 ай бұрын
Hindi nakakasawang manood ng documentaries ng GMA napaka informative at eye opener
@abegailmaelustre8076 Жыл бұрын
Tagal ko inantay ang docu ni Atom ulit
@ninalynmanao11 ай бұрын
"Umaasa tayo na makapagbabasa ang mga bata pero wlang libro?"...grabeee no tapos sa ibang mga schools yung mga libro pinagsasawlng bahala lang..pinababayaan sa sahig na pakalat-kalat at pinagtatapon lang without knowing na sobrang daming gantong sitwasyon ng mga kabataang may passion tlga sa pag-aaral..sana mapanood nila to para kahit papano mamulat yung mga mata nila na may mga gantong sitwasyon pla
@PinoyAbroader Жыл бұрын
Grabe may mga ganyan din pala tayong sitwasyon, akala ko sa ibang bansa lang napapanood ko sa the most dangerous road. Ganda ng cover na ito ni Atom. Salute sa mga batang masisipag mag aral
@wengszz10 ай бұрын
Marami pong ganyan dito sa atin sir. Sa mga liblib po na mga lugar.
@SadieIchiyama3 ай бұрын
as an educ student, naging revelation itong docu sakin na pahalagahan ang edukasyon ng mga kabataan dito sa pilipinas lalong lalo na sa mga malalayong lugar, nakakalungkot lang rin kasi mas pinipili ng mga teachers na magturo sa ibang bansa when in fact mas marami palang kabataan dito sa pinas ang mas nangangailangan ng tulong. i hope i can be able to help someday. sana maaksyunan ng gobyerno ito na mas taasan ang sahod ng mga teachers lalong lalo na sa malalayong area.
@glendaraguin9086 Жыл бұрын
Thank you Sir Atom for this docu. Kailangan makita ito ng gobyerno at mabigyan ng priyoridad. Galing mo tlg sir Atom. Salute po❤❤❤
@Queen_Nefertari Жыл бұрын
nakikita nmn yan ng Gobyerno kaso sa sobrang madaming mahirap sa Pilipinas they just all playing blind!
@williamtamang Жыл бұрын
Nakikita na nila yan, may kapitan, may mayor at congressman sa lugar na yan, pero hindi nila pinapansin.
@juanmiguelmagan6187 Жыл бұрын
Yes may atom araullo special na uli lagi ko to inaabangan ☺️
@James.Mosende11 ай бұрын
Hindi naman ibig sabihin na hindi ka magaling sa school eh failure na ang life mo. Ok lang kahit hindi ikaw ang pinakamagaling sa school basta sikapin mong maipasa yung mga grades mo at mag aral ka ng Mabuti. Marami akong mga classmates noong elementary, high school and sa college na hindi magaling sa school, mga tahimik lang sa sulok, mga hindi pinapansin kasi mga tahimik lang, meron din namang mga parang loko loko sa school. Pero after namin mag graduate ng college. After years, nakakagulat, kung sino pa yung mga mga tahimik lang sa sulok na hindi pinapansin,. Ngayon sila pa yung successful at magaganda ang Buhay, mga successful business man, mga successful engineer, mga mayayaman. Pero yung mga classmate ko na talagang top 1 at sikat sa school, sila naman yung walang maayos na trabaho. Sabi ng clasmate ko na tahimik lang sa sulok na successful sa career nya, lakas ng loob, diskarte at focus matuto ng right mindset at high value skill ang kanyang gamit para mag tagumpay. I fully respect sa mga teachers dahil kung wala sila, walang mag tuturo sa mga bata para mas lalong matuto.
@dragonnites Жыл бұрын
Big salute sa mga batang teacher❤ and to you sir atom, God bless❤❤❤
@alvinparulanbagaporo4072 Жыл бұрын
swrcc ⁵xxx to TV there
@teamkabebe64262 ай бұрын
ang gaking ng mga bata sila sila rin nag tutulungan sa skuwela 🎉galing goodjob bata
@lloydtabieros736 Жыл бұрын
As the economy rises, may the standard of education also does. There are so many talents encaged in poverty. This is one of the many wake-up calls for our leaders to take adequate actions in addressing these constraints. Given the fact that the educational sector gets the highest appropriation, still, this kind of stories are still ever-going and gets less attention. Saddening, it is. Still, hope is just around the corner.
@lovingguibao7 Жыл бұрын
Sir Atom you are one of a kind!! Thank you for this documentary it's an eye opener for all
@paulteodoro15 Жыл бұрын
Napaka daming gingawang tulay at daan sa syudad pero yung mga ganitong lugar ni hindi mapag tuunan ng pansin.. sana magamit sa tama at dapat ang kaban ng bayan.
@Endo-rh4ny Жыл бұрын
Bka balang araw si Isabel at jemboy mging forever smart si Isabel pang pageant sa height nya
@EvolsVlog Жыл бұрын
Malamang maging sila pa sa huli hahaha
@ryucerie7 ай бұрын
HAHAHHAHAGSHWHSG😭😭😭
@redcardinal714 Жыл бұрын
Papa Atom why are you so gwapo nemen❤😊🤩🤩🤩🤩
@richieismaelnavidad8796 Жыл бұрын
Wag nmn sana umabot na mapagiwanan tayong mga pilipino pagdating sa edukasyon... 😢😢😢
@kengkarog3112 Жыл бұрын
Dika ba aware. Kulelat po ang pilipinas pag dating sa education.
@PoliPersective Жыл бұрын
Kulelat na po tayo, at walang ginagawa nag secretary para tugunan ito, inuuna pa Yung confidential funds para makankulimbat.
@ermajoaquin3708 Жыл бұрын
Galing ni sir atom .pansin ko lng po maraming batang estudyante magaganda at ma gwapo mga bata tama po b...ako poy lola n rin 56 yrs old. .sir atom thanks po mahusay po palagi ang dokumentaryo nyo lahat po ng episode deserved nyo po ang award
@Fokfoksitemple Жыл бұрын
Kung ako ay May pagkakataon na tumira sa isang paraiso na sobrang kapos kapalaran kahit ako'y isang bata din na kakarampot palang ang pinag aaralan hindi ko ito ipagkakait sa kanila na ibahagi bawat sulat salita at basa ay mahalaga ❤ salute you ate thankyou for teaching them 🤗 may God bless you .
@monalizacacnio2690 Жыл бұрын
I remember ganyan din yung isa kong Anak before …he can read but he doesn’t understand what he read…pero dapat lng tlagang tutukan. Ang ating mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan.
@kathj.21082 ай бұрын
Grabe yung “nakadalawang kahig na kami pero hindi pa rin makatuka”
@IzalOliveros3 ай бұрын
Kudos talaga kay sir Atom! ng lakas ng Loob
@AnimeTagalogRecaps111 ай бұрын
Sana mabalik Yung panahong below 90's..walang gadgets..
@andylumabas191 Жыл бұрын
the best prn tlga ang mga Docu ng Gma. iba prn tlga. Nice sir Atom. Godbless and more docu to come 💖
@ryucerie7 ай бұрын
go gurl isabel ✨
@JieandRosevlog5 ай бұрын
Bagay sa kanya maging teacher soon i hope maka pag tapos ka🙏🤲
@teamkabebe64262 ай бұрын
grabe nkakatakot sa sobrang taas mkapag aral lang sila kahit delikado ginagawa sana magawaan naman ng gobyerno ng paraan yan para mkapag aral maigi ang mga bata
@inspiredMedia-tv Жыл бұрын
Sakit marinig ang salitang dalawang kahig na di parin maka tuka😢
@Gaara_479 ай бұрын
Para mga kabataan na makaka panood nito, mag aral kayo mabuti hanggang may nagpapa aral sainyo, hanggang sa makapag tapos kayo, dahil pag dating ng araw yan ang magiging daan para maka ahon kayo sa kahirapan.😊 God bless you all❤
@rexguerzon3787 Жыл бұрын
Dapat ito ung tinatrabaho ng kongreso di lang peoples initiative at korapsyon
@seinbondoc6314 Жыл бұрын
Ang ganda ng color grading! Pati storytelling!
@andygarcis380-l1v Жыл бұрын
Sa public school ako nag-aral, pero noong panahon namin, grade 3 pa lang kami ng mga kaklase ko, memorya na ang multiplication table, mabilis ng magbasa ng tagalog at english at nakakaintindi na rin ng simple sentence. Sa ngayon, ang mga kabataan na tinutulungan ko sa kanilang pag-aaral, nakitaan ko na napakahina ng kanilang kaalaman kung ikukumpara ko sa panahon namin. Ang mga high school ngayon ay pang elementary lang sa panahon namin. Elementary pa lang noon ang estudyante ay marunong ng magsolve ng algebra. Ngayon, nakagraduate na ng high school, hirap pang magsolve ng multiplication. Kaya hindi kataka-takang nahuhuli tayo ngayon pagdating sa edukasyon
@mayethcogtas49810 ай бұрын
Kawawa naman ang mga Bata NATO.. salute talaga Sayo Atom Araullo...Sana Makita to Ng pamahalaan😢😢
@BertongBarako-l3u3 ай бұрын
This documentary is an eye opener for all of us that education is important and should be accessed by everyone.
@elverz3559 Жыл бұрын
Ganda tlga ng paa ni Atom A..ang linis linis hehe sana lagi sya may ganyang documentary
@nemeciathorp7222 Жыл бұрын
Sana mabigyan ng tulong ang mga batang ito ng gobyerno.
@kcbasco Жыл бұрын
38:37 “Apektado ng politika ang edukasyon” 💯
@Mutyagirl5 ай бұрын
Atom A sana may magawa kayong program sa mga kabataan s lugar n yan,ng di sla mapagiwanat ng umunland ang buhay ng mga kabataan ,ng hnd sla makapagasawa ng maaga. Slmat po
@ayoccalabig4995 Жыл бұрын
Magaling na batang tong si isabel may mararating sa buhay to basta pagpatuloy molang pag aaralan mo
@junicosinnung9252 Жыл бұрын
Ito siguro yung isa sa mga nakikitang dahilan ni VP Sara Duterte, kaya labis ang knyang pagmamalasakit sa mga guro at mag aaral. Maganda po at meron ganitong mga documentaries nakkta ng lahat ng tao ang tunay na sitwasyon sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Salute po kay sir Atom Araulo, GMA, at VP Duterte :)
@filipinolifestories7775 ай бұрын
salamat sa Dios at sa dokumentaryo ni Mr.Atom Araulo ito dapat ang pagtuunan ng ating Gobyerno gusto kong gawin ang mga ganitong content pero dahil sa lack of fund “ pag may tiyaga may nilaga aabot din kami sa ganitong comtent para sa FILIPINO tayo ay magtulungan suportahan para sa ating mga anak pamilya
@jewelsadventure Жыл бұрын
Ganito dito saamin saludo sa mga teacher at Estudyante marami pa pong ganyan dito saamin sa mauban quezon sana po mai feature nyu din dito sa i witness yung isang school namin dito sa may boundary nang tayabas at mauban quezon (busal elementary school
@schwartz-laco8 ай бұрын
Dapat siguro nire-require sa mga elementary students ng DepEd ang mga ganitong dokumentaryo, para ma-appreciate nila how privileged they area especially those na may libreng libro, maayos na pasilidad, at libreng gamit (like sa public schools sa Metro Manila).
@friahmarielaamper371711 ай бұрын
Sa Ibang bansa ang way of teaching ay sa language nila. Samantalang satin, hirap na ng lecture in english pa. 😢
@alexandraherbias88304 ай бұрын
Education system ang me problema. Di na gaanong strict pagdating sa classroom. Tuloy mga estudyante, di natata challenged. Di tulad noon na pabilisan ng sagot at pagbabasa.
@manangmjtv1115 Жыл бұрын
Nakatutuwa naman pong malaman na kahit gaano kahirap ang pamumuhay sa lugar nila ay may mga bata pang pursigido matuto at complete attendance pa 💛
@DanDaveFaeldonia Жыл бұрын
Mabuhay ka Jedilyn. Saludo ako sayo. ❤
@JamieLazar-qk3hd5 ай бұрын
pakadelikado para s mga Bata n suungin Ang peligro makapasok at matuto lang sna nmn nakikita Ng mga ahenxa Ng pamahalaan Ang mga samut saring problema Ng pilipinas❤❤❤❤❤❤
@JojoBasista-k5z Жыл бұрын
Isa sa mga dapat tulungan Ng gobyerno Yung mga ganyang Lugar at mga bata
@Queen_Nefertari Жыл бұрын
Sobrang ganda noon isang estudyante na magaling sa English Isabel Duqueza.
@lesliejoytajale215911 ай бұрын
Watching these documentaries when I'm about to take the LET 2024 leaves a pain. I have been a fan of I-witness Docus. Nakaka inspire na pagbutihan pa para makatulong sa kapwa pero this cycle won't end unless totoong solusyon ang malapag.
@BellaCaley5 ай бұрын
Laban lng mga anak, magiging successfu din kayo balang araw. God bless you.
@dantee_2018 күн бұрын
Nakapunta na kmi sa kanila noon.😊
@gerck14011 ай бұрын
Nakakalungkot na ganito ang dinaranas ng ibang kabataan dahil sa kakulangan ng Gobyerno na suportahan ang edukasyon. Heartbreaking na I always visit Benguet and Mauban, Quezon yet eto ang dinaranas ng mga kabataan. Those provinces are gem and my sweet escape pag gusto ko tumakas sa realidad. 😢
@jepoyludi8407 Жыл бұрын
Galing tlga ng mga dokyu ni Sir Atom👍🙏.ano na Dep-ed gising2x na
@arleneelkecarbonell29011 ай бұрын
Sana ibalik ang english at filipino as medium of instruction in grades 1-3 sa mga subjects na math, science, araling panlipunan, eduk. sa pagpapakatao, MAPEH. Gamitin lng ang mother tongue sa subject na Mother tongue. During our time we learn & develop english vocabs as early as grade 1 through math problems.
@jen16929 ай бұрын
Kaya nga eh ewan q ba kng bkt wla na mga un
@kellzcordilleran3128 Жыл бұрын
Eto dapat ang pinppondohan din sa mga liblib na lugar😢
@pogiko6934 Жыл бұрын
Pulitika ang kalaban ng edukasyon,,very well said maam
@secondtraveltv11 ай бұрын
Edukasyun muna , para sa kinabukasan ng mga bata at sana makita ng ating mga Nanunungkulan ang mga lugar sa ating bansa na mas kinakailangan ng pundo at pansin para sa kanilang comunidad na magkaruon nang bawat paaralan , . Salamat sa documentary na eto nakaka inspire , tagos sa Puso 😌
@delossantosdanny7039 Жыл бұрын
Saludo sa iyo sir atom sa pag analisa sa sitwasyon o kalagayan ng ating sistema sa edukasyon. Malaki ang budget pero Isa itong ahensiya na may mataaas na korapsyon. Sana nagagamit ito ng Tama para mapataas ang antas ng edukasyon natin.
@AninaSabry5 ай бұрын
sana may livelihood project sa kanila sabayan din ng sa edukasyon lalo na kasi nasa isla sila mahirap lumuwas
@danybertdelrosario13325 ай бұрын
VP Sara D. much watch this documentary... dito sana kayu mag focus .. nd yung 10million na libro...😢
@leoyoo34786 ай бұрын
Naalala ko noong elementary ako, ganyan din ginagawa ko, nagte-teacher-teacheran kami. Nakakamiss lang lalo't SHS na ako ngayon.
@iMeMyself60 Жыл бұрын
Taasan din ang standard ng mga teachers. Karamihan kasi ng kilala ko average or below average kaya sabi teacher na lang kinuha nila. Based on my personal experience ito) Merong akong nakasabay kumuha ng exam pang 3rd time nya na. Tumabi sya sa akin at di ko alam na nagungupya sya ng mga sagot. Nakapasa at binigyan ako ng banig as a gift. 😮 Grammatically wrong ang “cope up”, na sabi ni teacher. Cope or cope with ang dapat.
@Aury_lia7 ай бұрын
Watching this documentary made me realize the most powerful word I could imagine. FAITH - faith in humanity, faith in Filipino children, and faith in our country. As a student myself, I watched countless documentaries kung saan kahit na mahirap, parang wala ng patutunguhan, at hindi na maaninag ang kinabukasan. Ang pananalig at pagtitiwala na may pag-asa pa ang madalas na nagpapabago ng takbo ng ating buhay. I hope many Filipino children like these kids will not be a waste of potential, I give all my faith to my generation for the betterment of our country.
@rsguiao Жыл бұрын
Thank you Sir Atom for featuring this reality situation in other part of the Philippines. My only question to those who are in the government , from the President down to the Barangay Captain. GANUN BA KAHIRAP ANG PILIPINAS PARA DI MAKAGAWA NG MAAYOS NA DAANAN ANG MGA TAO DITO?
@BeBraveLinn11 ай бұрын
Wow. Nakakahanga din yung dedication ng mga bata para lang mag-aral.
@musakeros30 Жыл бұрын
Ngayon merong NLC isa na namang programa. Ok na ok ang merong programa pero wala pang laman. Di alam ng mga guro kung papano ito gawin. Catch up friday daw pero sa nakikita ko na merong masolusyunan pero meron din namang mabubuong problema kasi meron iniiwan dahil sa cath up frida. Anyway, maraming salamat sa bumobuo sa documentaryo na ito. Kay sir Atong, two thumbs up po. God bless sa inyo at sa buong production staff.
@markanthonylana787511 ай бұрын
Iba tlga ang edukasyon. Napakalaki ng impact sa isang tao at ibang bansa.nakakalungkot na nadadaig pa tayo ng mas mahihirap na bansa pero kung tutuusin angat tlga ang pinoy kahit saang larangan
@vilmaquilet375 Жыл бұрын
Sana mapanood to ng mga kabataan na nam bubully ng mga ka klase na mejo nahuhuli sa curriculum..tulungan at wag i bully..kabataan nowadays karamihan bully
@lhie6manuel9 ай бұрын
Dapat may award ang ganitong documentary .
@PineappleApplePie Жыл бұрын
Thank you Atom and Company. GMA as well..Hope DepEd will take action on this matter.
@ashcamayra960 Жыл бұрын
god bless the children of the Philippines ❤ edited: iyak lang ako ng iyak habang nanonood nitong documentary hanggang matapos. nakakatouch, tagos sa puso, and an eye opener indeed. Hoping that someday, I can help our youth with their education. Specially those na nasa remote areas. Kudos kay Atom at sa team nila, sa GMA. Sana sa future, wala ng bata ang maghirap sa ngalan ng edukasyon.
@barbsgaming88769 ай бұрын
2nd year na ako na nag aaral ng isang edukasyon, pero minsan sumasagi sa isip ko hindi ko naman gusto ang programang inaaral ko dahil iba ang pangarap ko, pero habang pinapanood ko ang mga ganitong palabas, baka my dahilan bakit ako nansito ngayun upang aralin ang edukasyon dahil may mga batang nag aantay sa akin para turuan sila.
@gydsdelossantos7499 Жыл бұрын
Lugar na kinalakihan q kung aq nangarap at nkamit ang pangarap
@AninaSabry5 ай бұрын
sana matulungan sila sa isla mabigyan ng pondo at sapat na edukasyon ang mga bata