Tricia Robredo on her dad, Jesse

  Рет қаралды 299,346

Rappler

Rappler

Күн бұрын

Пікірлер: 214
@elsajanemirandilla7924
@elsajanemirandilla7924 12 жыл бұрын
When I was in grade 7, I used to see her in the corridors. She's really not like any other Isabelina, she is very silent, not like the others who always catch teachers attention. I can say she's really an introvert. But she is very smart, a very bright student. Just like Jillian who brought pride to our school. They are very lucky to have Sec. Jesse as their father. I know that he will be proud of them. The Robredos are very kind. Our condolences to the Robredo family from the USI family
@ruouttaurmind1004
@ruouttaurmind1004 3 жыл бұрын
Translation: Hi ako po ang pangalawang anak ni Secretary Robredo baka hindi niyo lang po alam kasi mas matangkad ako sa ate ko kaya baka isipin niyo ako ang unang anak, pangalawa lang po ako. So sa pamilya po namin ako ang pinaka madrama sabi nila, kahapon habang hinihintay namin yung mga tao para bisitahin si papa sa Malacañang, nakagawa na po sana ako ng sasabihin ko ngayon pero binasa ko ulit yung ginawa ko pero umiyak lang ako ng umiyak, oo nga sobrang madrama pala talaga ako kaya binago ko po siya kanina lang umaga tapos kanina bago kami pumunta dito tinext ko din si papa sabi ko sakanya “Pa kung feeling mo iiyak na’ko please kilitiin mo’ko kasi ayoko ipakita na umiiyak sainyo” si ate din po kanina kinausap si papa sabi niya “Pa apakan mo si Tricia pag umiiyak na kasi di namin pwede ipakita na mahina ang loob namin dahil nga sa nangyari ngayon.” Sa amin pong magkakapatid ako po ang pinaka mahiyain sobra po. Siguro nahahalata din naman ng iba sainyo. Sabi nga din ng iba ako ang may pinaka mahina ang loob. Kung nakita niyo po si ate, ilang araw palang ang nakakaraan nagsalita para sa pamilya namin, sinagot lahat ng tanong ng reporter. Kahit sobrang hirap, sobrang hirap. Sobrang hirap sumagot sa mga tanong tungkol kay papa, syempre. Pero nagawa niya po iyon kahit sobrang hirap. Nakita niyo po kung gano kagaling ni ate. Si Gillian naman po may kwento ako sainyo, sana matuwa naman po kayo kahit medyo sad and atmosphere ngayon so sana matuwa po kayo. Si Gillian po, kung alam niyo, ang pinaka bunso kong kapatid, gustong gusto niya mag artista. Ilang oras bago namin malaman na wala na nga si Papa, ano ang tinanong niya kay Mama? “Ma, ilang taon si Kris nung namatay si Ninoy?“ baka daw kasi pwede din siya maging Kris Aquino pag laki niya. Ako po, nung mga nakaraang araw, kung nakikita niyo yung mga litraro sa newspaper o sa tv, di ko po nakikita kasi ayaw ko po munang manuod ng news, pero sigurado po ako ang nandun kung hindi po ako umiiyak, nagpupunas po ako ng ilong. Kaya ngayon, pagkatapos kong hindi magsalita tungkol sa nangyari, pinaalam ko kay Mama na gusto ko nang magsalita para kay Papa. Siguro po ngayon tinatawanan ako ni Sec. Jess. Kahit di pa siya nagpaparamdam sakin, sana magparamdam na siya. Pero parang naririnig ko siya sinasabi “Ayos ka Bok, isang week palang, nagbago ka na.” Dati po kasi, hindi ako masyadong nakikipagusap sa mga tao. Siguro yung mga friends din po ni Mama and Papa alam nga din na yun nga po na mahiyain ako. Hindi naman ako si Gillian na gusto maging Kris Aquino, so lagi lang po akong hindi nagsasalita. Nagsasalita lang po ako pag kailangan lang po talaga. Pero lahat po iyon nagbago nitong mga nakaraang linggo. Niloloko ko nga si Papa bago ako matulog, sabi ko sakanya mas madami pa akong nakausap nitong mga nakaraang araw kesa sa mga nakausap ko sa mga nakaraang taon. Hindi siguro normal ang ganitong paguugali, mga ka-edad ko gusto laging may kasama. Ako, kung pwedeng solo lang, solo kong gagawin ang mga bagay. Parang kill joy. Minsan nga baka nakakainis na. Pero alam niyo hindi sakin pinaramdam ni Papa na mali iyon, na para bang may problema sakin. Nung pinagusapan naming dalawa ito, tumawa lang siya, tumango at sinabi na “Ano naman anak, labs na labs ka naman ni Papa.” Madami na tayong narinig tungkol kay Papa, lalo na ngayong nakaraang linggo. Magaling siya na Mayor, magaling siya na Secretary, mabuti siyang kaibigan o ka-brad, mabuti siyang anak o kapatid, mabuti siyang tatay. Pero naitanong niyo na ba kung bakit siya magaling? Kung bakit siya mabuti? Kung ako po ang tatanungin ninyo jan, ito po ang sagot ko. Naging mabuti o matibay si papa kasi marunong siyang magmahal, magmahal sa trabaho, magmahal sa tao. Pano po ba magmahal si Papa? Sabi po kang lola ko sa isang interview, madami pong nagkakagusto kay Mama nung dalaga pa siya. Pero sa dami ng lalaking nanligaw sakanya si Papa ang pinili niya hindi ko po alam ang totoong rason kasi hindi naman po ako sinasagot pero kung kayo po ang magtanong baka sagutin po kayo kaya try niyo po. Pero sa mga nakita ko po sakanila, si Papa po sobrang hilig i-surprise si Mama. Halimbawa, sasabihin niya po na uuwi siya ng Sabado, sasakay daw ng eroplano sa hapon pero ang totoo, sasabay siya samin ni Ate sakay ng bus, friday ng gabi. Isang beses po nung umuwi kami, gusto niya sanang i-surprise si Mama pero siya lang din bumuko sa sarili niya, nagtanong lang si Mama sakanya, “Pa, nasan kana?” Sabi niya, “Ah, nahatid ko na sina Tricia.” Sobrang layo sa tanong ni Mama kaya napasabi nalang siya, “Ma pauwi na pala ako hehe.” So medyo fail si Papa kung iisipin niyo. Tapos si Papa po bago mag birthday si Mama, wedding anniversary o mother’s day, pumapasok yan sa kwarto naming magkakapatid pag akala niyang tulog si Mama tapos tatanungin kami kung ano pwede niyang ma-regalo kasi gusto niya talagang ma-surprise si Mama.
@ruouttaurmind1004
@ruouttaurmind1004 3 жыл бұрын
Mahal na mahal niya si Mama, na kahit nga birthday niya inaalay niya pa kay Mama. Naalala ko po nung isang beses nag birthday siya sa City Hall, tas pinapakanta siya, tapos kumanta naman siya kasi hindi naman siya nahihiya diba, tapos sabi niya po idededicate niya yung song na kakantahin niya kay Mama, anong kinanta niya? Please, Release me. Bakit? Pero alam niyo din naman na maganda intention ni Papa, gusto niya lang talaga mapasaya si Mama. Sa amin namang magkakapatid, grabe pasensya niyan. Ako po pre-med po ako ngayon medyo mahirap ang course, sabayan pa ng pag lipat ko sa Manila na sobrang mahal na mahal ko ang Naga, iba po ang Manila sa Naga so kadalasan po nagtataray ako pag inis na inis ako minsan nga po sinusuntok ko malaking tyan ni Papa pag galit na galit na ako pero okay lang naman sakanya, pero pag sobrang inis na inis na po ako pumapasok yan sa kwarto, hindi na siya magsasalita kasi stressed na talaga ako. Magiiwan ng pagkain, tatawag kay Mama at sasabihin na “Ma sabayan mo ako pagdasal natin test ni Tricia.” Minsan nga po hahanapan niya pa ako ng tutor wala naman na po yun sa job description niya pero ginagawa niya pa din. Sa araw po ng test ko magtetext po siya sakin ng , “Go, La Salle Trish!” Kahit taga Ateneo naman po ako. Pagkatapos po ng test ko tatawag po yan, kung hindi naman namin mapagusapan, paguusapan namin pag nagkita na kami. Si Gillian po lagi niyang hinihilot bago matulog. Lagi din po silang naka holding hands. Pag tumabi na po si Gillian sakanila ni Mama magsasabi na yan ng “Anak, Our Father na tayo.” Noong mayor pa po siya pinapa-encode niya minsan ang ginagawa niyang practice test para kay Gillian para ready na pag mag tutor na siya. Madami pa pong ganitong moments with Papa pero siguro kung kailangan ko siyang i-summarize sa isang sentence: sinisigurado niya po na tapos na ang assignments namin bago niya gawin ang trabaho niya. Baka nakaka-offend sa iba kasi baka iniisip niyo mas inuuna niya kami. Sorry po pero yun talaga. Yan, mas una po kami, kami po ang priority ni Papa. Kahit divided ang time niya alam namin na meron padin siyang oras para samin. Si ate naman po kung alam niyo na, graduate na po yan ng Ateneo, apat na taon na ang nakakaraan pero grabe padin yan manuod ng basketball games. Si Papa po tinatawagan na kung sinu-sino para hingan si Ate ng tickets ng UAAP basketball game. Pag umuuwi po ako tapos naiiwan sila sa Manila, dinadala po niya sa labas si ate para ilibot sa mga kainan malapit samin. Labs na labs talaga kami ni Papa. Pero kahit sobra sobra na, meron padin siyang space para mahalin ang bawat isa sainyo. Sinisigurado ko po yun. Naalala ko nung bata pa ako, galing ako sa eskwelahan noon, nandon po siya sa gitna ng isang lalaki at isang babae pinapanuod ko yun pala may kinakasal siya. Pero hindi yun yung nakakatawa, nung kinakasal siya may sakit siya nung oras na yun. Isipin niyo naka pajama siya at nakapaa, pero hindi lang yun, naka-swero pa siya pero kinasal niya padin yung mga kailangan ikasal kasi trabaho niya yun. Pag nagagalit na siya, sa sinabi nga kanina ni Ninong Gab-nakikininong ako, kay ninong Gabby, kakagatin niya nalang daliri niya kesa magsabi siya ng masama. Galit na nga siya sinasaktan niya pa sarili niya. Nung may sumabog po malapit sa convoy niya, siguro sa Mindanao ‘yun, tumawa lang siya tapos tumuloy padin sa mga meetings niya. Ang sabi niya pa samin nung kinkwento niya na ang mga nangyari, para daw siyang nasa teleserye, nakakainis diba kasi kami kinaoabahan na halos maiyak na sa mga nangyari tapos sasabihin niya pa na siya daw si FPJ. Hindi niya po malalampasan o magagawa ang mga bagay na ito kung hindi siya malakas. Hindi siya magiging malakas kung hindi niya mahal ang ginagwa niya. Ngayong gabi po, nagpapasalamat po kaming pamilya sa pagpapakita at pagpaparamdam niyo sa amin at kay Papa na mahal na mahal niyo po siya. Sobrang hirap po mawalan ng Tatay, nakakalungkot po isipin na itutuloy lang namin ang buhay namin ng wala siya. Pero alam ko ngayon na hindi lang kami ang nawalan, na hindi namin kailangan mag-solo para malampasan to. Salamat po sa pagsama sa amin mag dasal at pag-asa na nakuha lang si Papa ng mga fishermen. Sabi nga po ng ilan kong mga kaibigan na pumunta sa bahay nung nawawala si Papa, “Tricia ‘wag ka mag-alala, nakuha lang yun ng mga tribo, may mga dahon-dahon sa ulo para lang ma-heal yung mga sugat niya.” Salamat po sa pag-palit ng mga profile picture niyo sa Facebook, pag share ng mga litraro o tribute para kay Papa pati sa pag-away sa mga hindi natin maintindihan na mga tao sa Twitter. Maraming salamat po. Kung hindi niyo po yun ginawa, siguro ako na po ang nakipag away doon. Pero tinuruan naman po ako ni Papa na wag makipag away so baka di ko din naman po yun gawin sinasabi ko lang ngayon.
@ruouttaurmind1004
@ruouttaurmind1004 3 жыл бұрын
Salamat po sa pag hanap ng oras para makita si Papa, sa pag-pila para makausap siya sa huling pagkakataon. Nung sinasamahan ko po si Papa sa mga huling araw, madami po akong nakita na mga naka yellow na T-shirt. Yung iba nakasuot ng yellow ribbon. Yung mga t-shirt nga may malaking mukha ni Papa. Siguro kung buhay po siya tapos ginawa niyo po yan, aasarin naming magkakapatid si Papa, “Grabe ka, mukha mo nasa T-shirt na ng mga tao. Hindi ka pa ba convinced o hindi ka pa ha satisfied na yung mukha mo nanjan na sa harap nila.” Pero sige, ngayon na wala na siya, pagbibigyan na muna namin. Nakakataba po ng puso pag may nakikita ako na mga umiiyak, nagsasaludo at nagdadasal para kay Papa. Hindi po namin akalain na ganito kasami yung mga taong nagsusuporta at nagmamahal sa Papa namin. Siguro po ngayon kinikilig na si Pogi, nanunuod lang from heaven. Ang laki po siguro ng ngiti nun ngayon, baka nga kita na ang pustiso. Pinaka importante po sa lahat, salamat sa pag bigay sakanya ng lakas para gawin ang lahat ng nagawa niya. Salamat po sa pagpapasaya sakanya, salamat po sa pagpaalam sakanya na may babalik siya sa Naga kahit po nandun na siya sa Manila gustong gusto niya po umuwi. Sigurado po ako na isa sa mga rason ay dahil nandito po kayo. Madami pa po sana akong gustong sabihin tungkol kay Papa pero kung iisa-isahin ko po kasi yun, hindi po tayo matatapos. Wala pa po ako sa kalahati baka sinusundo na po ako ni Papa. Kaya sa school po meron po akong nalaman, may nabasa po akong isang article na sinulat ni Father Feriols, pag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang importante ang hindi nasasabi. Malaki na po ang pasasalamat na binigay natin kay Papa, oras na po na may gawin tayo para kay Papa ito po ay ang ipagpatuloy ang ginawa niya para satin para hindi naman po masayang ang mga pinaghirapan niya. Sana po ipagpatuloy natin lahat ang mga ginawa niya. Isa po sa mga favorite kong quotes na nabasa ko sa Facebook nitong mga nakaraang araw na sinabi pala ni Papa na hindi ko alam na sinasabi niya is, parang, “Ang tagal na natin madaming lider sa bayan natin, sinasabi na ito ang best people, ito ang sikat, ito yung may mga pangalan na talaga. Kukunin nalang nila yung spot- kukunin nalang nila yung posisyon pero bakit lumalaki padin ang gap ng mga may kapangyarihan at yung mga wala?” Sinasabi po dun ni Papa na oras na para humanap tayo ng lider sa mga sarili natin. Siguro po ngayong wala na si Papa kailangan nating malaman na bawat isa po satin may magagawa po talaga para sa bayan natin. Kahit po “maogmang lugar” (masayang lugar) po tayo, madami na pong progress, hindi pa po tapos ang laban. Kaya po bawat isa po satin may gawin po. Respeto na din natin kay Papa. Alam ko naman po na kaya natin yun. Sabi nga po ni Papa, kahit ordinaryong tao may magagawang malaking bagay hindi lang para sa lungsod natin kundi sa buong bansa. Papa, maybe you were ready to die, but we weren’t ready to lose you. Although I don’t understand why you had to leave so soon, I’m still very greatful to have been raised and to have been loved by you. Hindi ko po alam kung paano na pag bumalik ako sa Manila, kasi nasanay po ako na lagi siyang nandun pero yan, sanayan nalang po talaga. Wala lang po yung katawan niya, pero sabi nga po ni Mayor John, nakikita niya si Papa sa bawat isa satin ngayon. Sana po totoo yun, na may Jesse Robredo sa bawat isa sa atin. Promise pa, hindi kami mag-boboyfriend ni Ate at ni Gill kung hindi sila kasing pogi o kasing bait mo. Nakakatawa nga po nung wake ni Papa sa Archbishop’s palace nung madami pong lumalapit samin ni Ate tapos sinasabi na bago kami mag boyfriend dadaan daw muna sakanila, jusko kulang nalang ipakilala namin sa lahat, sa buong bayan ng Naga kung magkaka boyfriend man kami. So Papa ginawa mo pang mas mahirap yung buhay namin na kailangan pa namin ipakilala sa lahat ng tao. Sec, Mayor, Pogi, Boss, Bright Boy, Papa, hindi titigil sa Facebook, Twitter, o sa TV ang pangako naming ipagpatuloy ang mga nasimulan mo. Ako na po bahala kay Mama. Senator Leni. Joke. Kami naman pong magkakapatid, nangangakong kung hindi man po kami mag pulitika, gagawin po namin ang lahat para ipagpatuloy ang mga ginawa ni Papa. Kung ako maging doctor in 4 years, si ate maging successful, si Gillian maging Kris Aquino, promise po babalik kami dito, tatapusin namin at ipagpapatuloy namin ang nasimulan na laban ni Papa. Pa, hindi kami mapapagod ikwento sa mga anak namin at sa mga anak ng anak nila ang mala-teleserye mong buhay, para ka pong si FPJ, pero mas sobra ka pa. Hindi po kayang ikulong sa mga salita kung gano ako nagpapasalamat sa’yo. Hindi po kayang sabihin sa salita kung gano ako ka-swerte na maging anak mo at hindi din po kayang ikulong sa salita ang pasasalamat ko sainyo. Kahit 54 years lang po si Papa, sigurado po ako lampas 100 years na yung mga experiences niya kami po nalulungkot na wala na si Papa pero suporta niyo po ang nakakapagpalakas samin. Tapos ang thought na si Papa, masaya na ngayon at hindi naman talaga siya mawawala at kilig na kilig na siya ngayon. Ito po ang nakakapag-accept samin na wala na talaga siya. Pero yan din nga po ang challenge sa ating lahat, na sana po hindi siya namatay para sa wala, sana may natutunan tayo dito sa nangyari sakanya. I love you forever, Pa. See you on the other side. Hindi ko po ito normal na ginagawa pero, tumayo po tayong lahat tapos mag-saludo po tayo kay Papa. Maraming pong salamat sainyong lahat.
@kotaruemi2754
@kotaruemi2754 2 жыл бұрын
Thank you
@elle4332
@elle4332 2 жыл бұрын
@@ruouttaurmind1004 thank you
@dalandan1992
@dalandan1992 2 жыл бұрын
Thank you 😭
@Siaowarmah
@Siaowarmah 2 жыл бұрын
Jesse Robredo's death is probably one of the biggest loss of the country. Some might say that his death gave us Leni, but I think it's his prevailing love that brought Leni to us. 9 years ago, Tricia and I were about the same age, I didn't understand how she could stand there and give a 20+ minute speech when her father had just died. But now I do. She did it to honor her father...so that her father could be seen and remembered the way she does. She had to be strong, not only for herself, but for her mom and for her siblings. Almost 10 years later, here we are with Leni running for presidency. And believe me, I've prayed for this to happen more than anything else. She didn't take no shortcuts to get where she is. She's been working for the government since she graduated from UP with a degree on economics. When she finally became a lawyer, she offered her profession to the poor, to the fisher folks, farmers, and many battered women. Whatever job you give her, she does it with commitment and always outperforms herself. And 4 years after Jesse's death, she became the Vice President of the PH. 6 years of scrutiny, not only from the opposing parties but from her citizens as well, but it doesn't hinder her from doing her job better. I haven't seen no vice president who has done half of what Leni Robredo has done as VP. Our country is in too much trouble. Maybe it's time we put someone who truly loves us to lead us. Let's vote for someone that is fueled by love and not by greed. Let's vote for someone who has no self interests for the job. Let's vote for someone who we know will fight for us. Maybe it's time na mahalin naman natin ang sariling atin, give our country the chance it needs. Sa May 9, I hope we paint the country pink. Magkakampi tayong lahat. Iisa lang naman ang kalaban nating lahat at yun ay ang korapsyun. Leni Robredo, ang nagiisang tiyak sa isang libong duda.
@jinni2365
@jinni2365 2 жыл бұрын
in order to protect your votes, please don't wear pink sa may 9😮‍💨
@Siaowarmah
@Siaowarmah 2 жыл бұрын
@@jinni2365 Yes, I meant by paint the country pink is to let leni win. :D
@jinni2365
@jinni2365 2 жыл бұрын
@@Siaowarmah ik po hehe i just replied po para aware den yung iba HAHAHAH
@krizzanellvictoriano2320
@krizzanellvictoriano2320 2 жыл бұрын
this is definitely truthful and beautiful
@meirchive
@meirchive 2 жыл бұрын
We can't really afford to lose her now, kailangan ng pilipinas ang isang leni robredo! #LeniKiko2022
@TheElwin11
@TheElwin11 12 жыл бұрын
“Jillian, my youngest sister, always wanted to be a star and a few hours after we learned that Papa passed away, she asked Mama, ‘Ma, how old was Kris when Ninoy died?’ she thought maybe she could also be like Kris Aquino when she grows up,” Tricia revealed, which elicited laughter from the crowd.
@silhouette7376
@silhouette7376 12 жыл бұрын
though tricia delivered the speech in the naga dialect (i understood majority) since my mom was from iriga, i was touched. listening to tricia of her father's deeds, i can't help but cry. i really felt sec. jesse's love for his family and his kababayans and colleagues. he was so sincere. i hope there would still more like him..kind, unselfish and humble. he always think and find ways to help and support...of how he valued time, integrity, dignity and people. that's what a real hero should be.
@alvinperez8432
@alvinperez8432 2 жыл бұрын
Sana may Jessie Robredo sa bawat isa sa 'tin. Too late for me to hear your eulogy for your father, Ms. Tricia, but I hope you will be reminded of the speech that you had. You and your siblings are fulfilling your promises. Na kahit hindi kayo pumasok sa politics, you were able to help others with you profession. I know Sec. Jesse will be proud of you all.
@edgardogalisanaojr5374
@edgardogalisanaojr5374 2 жыл бұрын
Wala pang nanood ulit ng video nato ngayun, after 9years jesse passed away, napunta lng aq dito para makita c VP na emotional, pero npkatatag talaga nya, Let leni lead Solid kakampinks! Ipanalo na natin c VP leni. Super woman. Masaya c sir jesse sa langit ngayun.
@haileesteinfeldphilippines9687
@haileesteinfeldphilippines9687 2 жыл бұрын
Same.. napaka-class niya.🎀💗
@victoriouzda2552
@victoriouzda2552 12 жыл бұрын
im starting to love this family and i don't know why..! na paluha ako ng sina bi nya na "papa may be your ready to die but were not ready to loss you "
@patriciasiew4390
@patriciasiew4390 3 жыл бұрын
@victoriouz da please we felt same 9 years ago. Let usremember to put decency back to us Filipinos in 2022.
@katemedina7123
@katemedina7123 2 жыл бұрын
🥲🥲
@juvyvillarin6976
@juvyvillarin6976 2 жыл бұрын
NAKAKAIYAK TLAGA...
@malsrz
@malsrz 2 жыл бұрын
Naintindihan ko sya kahit hindi ako taga Bicol. The speech is pure love of Sec Jesse for family and country. I salute Rodredos and all Filipinos who continue do good for the betterment of our fellow Filipino and our country. God Bless Philippines 🇵🇭
@mariancabanes5361
@mariancabanes5361 2 жыл бұрын
obsessed sa bicol accent ni Dra. Tricia!!! grabe word of wisdom niya and fam niya grabe.
@SCHATZ010512
@SCHATZ010512 12 жыл бұрын
By merely hearing Patricia`s eulogy & watching her mom & her sisters giggling with each other while listening to her, i would say that the late Secretary was not just an EXCELLENT PUBLIC SERVANT but a STERLING EPITOME AS WELL OF AN EXCELLENT TATAY... Lalo po ninyo kming napahanga MAHAL NA KALIHIM!!! Muli, SALAMAT PO SA HALIMBAWA!!! Paalam...
@cindzap001
@cindzap001 2 жыл бұрын
im crying... kove the Robredos so much 💗💗💗💗💗🥰🥰🥰🥰😢💐💐💐 #LeniForPresident2022 #LetLeniLead2022 #LabanLeni2022 #LeniKiko2022
@TheElwin11
@TheElwin11 12 жыл бұрын
Bikol to English translation… “Papa loved us so much but I know that he still has a space in his heart for all of you,” said Janine Patricia Robredo, the DILG chief’s middle daughter, speaking in public for the first time. “He really loved Mama. I remember one time, during his birthday celebration at the City Hall, they urged him to sing and he dedicated the song ‘Please Release Me’ to Mama just to make her laugh and smile,” Tricia shared.
@grijaldeginalyn4804
@grijaldeginalyn4804 2 жыл бұрын
She delivered it in Bicolano pero I understand it since our province is also Bicol, nasanay ako marinig si mama and my relatives talking in our dialect. Ilang taon na pero it is still sad watching this. 🥺
@TheTrailblazzer
@TheTrailblazzer 12 жыл бұрын
grabe.. ang tatag ng family na to. it show what kind of family foundation they have.
@florahernandez3618
@florahernandez3618 3 жыл бұрын
Ng mamatay ang father nmin hindi kami nagpakita ng pag iyak dahil kailangan nming magpakita ng tatag sa aming ina. Pero pagtalikod namin sa aming ina doon na bumubuhos ang luha namin. Let's not judge them kung ano nkikita natin dahil hindi natin nakikita ang laman ng puso nila. Hindi ba dapat hangaan pa natin dahil ang tatag nila kahit puro sila babae? Huwag tayong matakot sa husga ng tao matakot tayo sa husga ng ating Panginoong Diyos. God Bless Us All.
@weichiang89
@weichiang89 10 жыл бұрын
Kung sana naintindihan ko sana yung buong speech ni Tricia. Super crush ko na yan si Tricia (hanggang ngayon naman) since nakita ko syang nag court side reporter sa UAAP a few years ago (sana ma meet kita hahaha). Super late na pero my deepest and sincerest condolences to the family and I hope they've coped with the loss of their head kahit na years ago na nangyari ito.
@MP-hy3mz
@MP-hy3mz 3 жыл бұрын
Hi.. I've watched VP Leni's vlogs, especially, that episode where her 3 daughters were featured as her guests. They have been raised well by their parents, Secretary Jesse & VP Leni! They are loving, articulate, well-mannered, respectful & appreciative of what their parents taught them!
@camilleduhbomb
@camilleduhbomb 2 жыл бұрын
Super relate po kay doc tricia, introvert pero when the need arises, kaya mag step up. Also lost my mom a year ago, at nafifeel ko yung love nila for their papa is the same love i feel for my mom. 💖
@curatedconnection
@curatedconnection 2 жыл бұрын
Such a beautiful family. Sir Jesse must be smiling from heaven looking at his wife and children. Praying VP Leni will be our next President. We, as a nation deserve a leader like VP Leni and presidential children like Aika, Tricia, and Jillian who are also good examples for young people
@vickyjamora2920
@vickyjamora2920 3 жыл бұрын
Held my tears listening toTricia. I know how it is to lose a father you dearly loved❤️
@kristopherbondoc84
@kristopherbondoc84 12 жыл бұрын
She's my classmate in English when I was a sophomore (college). Siya yung class beadle namin (sort of like a class president). Dun pa lang, makikita mo na kung papaano sila pinalaki ng mga magulang nila. Hinubog sila upang mamuno. Kaya isang malaking kawalan si Sec. Jesse Robredo. You will be missed, sir.
@TheElwin11
@TheElwin11 12 жыл бұрын
“Although I don’t understand why you had to leave so soon, I’m still grateful to have been loved and raised by you,” she added.
@coleensual7906
@coleensual7906 2 жыл бұрын
This happened years ago but I got emotional when I heard Doc Tricia's eulogy for her dad. God bless you, Robredo family.
@vhieurbien754
@vhieurbien754 12 жыл бұрын
napaka swerte ng mga anak ni sec.robredo specially yong wife nya kc ramdam na ramdam nila ung pagmamahal ni sec.robredo. my condolences po... sa bawat word na cnasabi ng mga anak nya naiiyak tlaga ko kc dko nranasan yan even sa mga anak ko. ang swerte nyo po talaga.
@eyrvan4851
@eyrvan4851 2 жыл бұрын
I was in first year college when I heard of Sec Jesse's death. We were all devastated. He was a leader we have admired growing up. And now that [President] Leni is running this 2022, she's a giving us hope, she's inspired a generation of leaders. A Doctorate degree holder, a lawyer, and a community mobilizer.
@kylemarie2461
@kylemarie2461 2 жыл бұрын
Doc Tricia so sweet ang witty just like her Dad sir Jesse😍💗🌸
@meirchive
@meirchive 2 жыл бұрын
Tricia Robredo you are such a strong person, I know Sec. Jesse is so proud of you right now
@aquinodauz8971
@aquinodauz8971 3 жыл бұрын
wow very nice messages mabuhay kayo LENIE LENIE go..go go para sa bayan
@anhtonite1185
@anhtonite1185 2 жыл бұрын
Very heart felt and genuine 😭❤
@gieannagbayani5405
@gieannagbayani5405 12 жыл бұрын
Hindi ko man gaano maintindihan, it made me cry! :( We will miss you, Sec. Jesse!
@esponillarichard
@esponillarichard 12 жыл бұрын
from Local Government Academy (LGA Family) naging sucessful po ang Biyaheng Pinoy Tapat na Palakad Sa Bayang Maunlad sa pamumuno po ni Sec. Robredo kaya po hindi ka namin malilimutan Sir, (idol)
@narsfrompinas
@narsfrompinas 12 жыл бұрын
RIP Sec Robredo. Even though I can't understand what's the meaning of every word Ms. Patricia's saying it made me cry.
@leifquililan
@leifquililan 12 жыл бұрын
MY IDOL! jesse Robredo! very family oriented person...
@TheElwin11
@TheElwin11 12 жыл бұрын
As 1000 ofpeople expressed their love and admiration for their father, Tricia noted so much had been said bout how good her father was as a mayor, DILG Sec, friend, brother, son and father “Hav u ever wondered why he was so good? If u ask me, my answer is he was good because he knows how to love. He loved his job and he loved the people.” However, despite being calm & composed, Tricia still couldn’t hide the pain she was feeling. “Papa, maybe you wer ready to die but we are not ready to lose u.”
@dongfu1776
@dongfu1776 2 жыл бұрын
You thought jesse was a good man He isbOne of the coorupt offcial in the Philliphes .. A drug protector, a criminal man who disguise himself as a saint..
@jhynx2081
@jhynx2081 2 жыл бұрын
Doctor na siya at successful na si Aika. Si Jillian graduating na🥺🥺
@primotonido282
@primotonido282 3 жыл бұрын
Great family strong mother and daughters 😊👍
@johnvillanueva8386
@johnvillanueva8386 12 жыл бұрын
...stay strong robredo family...specially Patricia...we know god has always a great plan for everyone of us.....lets pray together for him......
@RowdYoshi
@RowdYoshi 12 жыл бұрын
Way to go, Tricia! Your Papa would be very proud of you...!
@lilithcaubalejo8071
@lilithcaubalejo8071 12 жыл бұрын
although hindi ko naintindihan lahat ng sinabi n tricia kc hindi ko kabisado language nya. it still made me cry. :( we willl miss you Sec. Jesse.
@prettyfrance16
@prettyfrance16 12 жыл бұрын
God's garden must be beutiful because he always takes the best. God has your father in his keeping..Good men are never gone..They stay forever in our hearts. Dios Mabalos po Sec Jess.
@rodfelipe5900
@rodfelipe5900 12 жыл бұрын
For sure may space ka Sec. Jesse sa presence ni Heavenly Father. salamat sa sebisyong TOTOO na you have shared sa amin.
@ivyron1664
@ivyron1664 2 жыл бұрын
wow, I would love to understand fully sana ng speech ni Tricia..😍 parang entertaining, kahit para un sa papa nila..
@barbwired10
@barbwired10 3 жыл бұрын
i wish this had subtitles, english and filipino.
@edrianbobbycalabio
@edrianbobbycalabio 2 жыл бұрын
I really love this family. You guys are strong!
@melitokimpo3743
@melitokimpo3743 2 жыл бұрын
The best mom ever Yes Leni Kiko nd party lead God bless Philippines
@melitokimpo3743
@melitokimpo3743 2 жыл бұрын
Best public servant ever RIP Amen
@leneth4291
@leneth4291 2 жыл бұрын
grabe Doc Tricia, pinaiyak mo ako.. 😭😭😭 We love you Robredo family.. Andito lng kami na susuporta sa lahat ng advocacy ni VP Leni.. Dito din kami para ipagtanggol kayo. 💗
@jacobespiritu1832
@jacobespiritu1832 12 жыл бұрын
my idol ; jesse robredo very family orientedperson
@bravehearttv5493
@bravehearttv5493 2 жыл бұрын
I love this family
@aleksscastro
@aleksscastro 12 жыл бұрын
There's a translation of her speech on Rappler's site. :)
@machotravis
@machotravis 12 жыл бұрын
Nakakahibi. Grabe. Saludo Sec Jesse!
@crisostomogelijr7491
@crisostomogelijr7491 12 жыл бұрын
RIP Sec. Jesse Robledo.........everyone will miss you......
@julietcalamba1528
@julietcalamba1528 12 жыл бұрын
like father like daughter.... don't worry your father is in heaven nah.... he is proud of you and your family.... keep it up....
@erniedesuasido4572
@erniedesuasido4572 12 жыл бұрын
condolence sa pamilya robredo...isang malaking kawalan sa mga taong mahihirap ang katulad ni sec robredo...
@TheElwin11
@TheElwin11 12 жыл бұрын
If her father were alive, Tricia said that they would have teased him, “Grabe ka Papa, yung mukha mo nasa T-shirt na ng mga tao…Siguro kinikilig na si Pogi (You’re too much, Pa, your face is already on people’s t-shirts. Pogi must be thrilled). He is watching us from heaven.” Pogi was one of Robredo’s nicknames.
@annlimitednonsense9936
@annlimitednonsense9936 2 жыл бұрын
Sec. Jesse died august of 2012, my Papa died January of 2013. It's been almost ten years since, and I still feel the pain of losing a dad. It's that pain you will never get over with. It's the pain you just get to learn to live with. 💔
@tisacalzada4103
@tisacalzada4103 11 жыл бұрын
Di man ako marunong na magsalita ng bicol ng diretso...pero naintindihan ko ng malinaw ang mga sinabi s ng anak ni sec robredo. Isang patunay na hindi pa rin nawawala ang komprehansyon ko sa unang lengguahe na natutunan ko kahit ilang dekada na kami wala sa bicol at naninirahan na sa maynila. Isang saludo nga pala kay sec robredo. Salamat s tapat na pglilingkod s sambayanang pilipino.
@ariannevalencia6954
@ariannevalencia6954 9 жыл бұрын
+Tisa Calzada Tukduan taka??
@PionahViray
@PionahViray 2 жыл бұрын
I’m not crying, you are 🥲
@gilynlazo6423
@gilynlazo6423 3 жыл бұрын
God bless you!
@sandaraevangelistaa2394
@sandaraevangelistaa2394 2 жыл бұрын
i love it when ate aika constantly giving jillian kisses🥺💗
@CaseyRMatre
@CaseyRMatre 12 жыл бұрын
for whatever happened there's a purpose...condolence to the family of Jess Robredo
@ayanoriruizawa8473
@ayanoriruizawa8473 12 жыл бұрын
naging matibay c papa,kxe marunong xa magmahal,,sa trabaho,sa pamilya,sa kasamahan,sa mga tao
@callmemaybe8400
@callmemaybe8400 2 жыл бұрын
21:07 ☹️☹️💗
@michaelhaucian3045
@michaelhaucian3045 12 жыл бұрын
sarap pakinggan ..at sarap paulit ulitin panoorin lalo na para kay jesse robredo..nakikiramay po kami..lahat dito sa bayan ng cavite..
@lolabhing
@lolabhing 12 жыл бұрын
the last part was heart breaking :((
@yvonnerochelleofielda-noch6860
@yvonnerochelleofielda-noch6860 2 жыл бұрын
Nakakaiyak! Kahit hindi ko naintindihan. Salamat din sa nagtranslate sa comment section. Nakakatawa yung kay Jillian. Haha..
@anilyn03
@anilyn03 12 жыл бұрын
kakatouch naman:( condolence po sa family ROBREDO...
@abiecruise
@abiecruise 2 жыл бұрын
Robredo girls talaga ay brave
@TheElwin11
@TheElwin11 12 жыл бұрын
Tricia also made a promise before her dad’s flag-draped casket that she, her Ate Aika and Jillian will make sure that they will choose a guy as handsome and as good as their father was. She vowed along with her sisters to take care of their mother and the legacy their dad left behind. “Sec, Mayor, Pogi, Boss, Bright Boy, Papa, our promise to continue what you started will not just end on Facebook, Twitter or TV. Ako na po ang bahala kay (I’ll take care of) Mama - Senator Len. Joke!
@madslndng5188
@madslndng5188 2 жыл бұрын
For Leni💕💔
@nadsmarhaycordis4383
@nadsmarhaycordis4383 11 жыл бұрын
Salamat, Rappler. Kudos Tricia, purong Bicol. Paturo, di nako sanay. Hehe
@chadalegado1166
@chadalegado1166 12 жыл бұрын
ang puso
@naznim1930
@naznim1930 2 жыл бұрын
😇💛💓
@nhoemz0521
@nhoemz0521 12 жыл бұрын
sa binayaang pamilya ni Sec. Jesse, be strong as ur father showed us,, God be with u.. a lot thanks to ur dad,;)
@levyorceo5557
@levyorceo5557 3 жыл бұрын
solid ka pamilya.bako ako good provider na tatay pero mas ugos mga aki ko sako..salute pogi salute mam leni🙏🙏🙏
@TheDorknessMonster
@TheDorknessMonster 12 жыл бұрын
Ayos ka talaga Sec. Jesse!! :')
@bucksmics757
@bucksmics757 12 жыл бұрын
wala po ba translation? can't understand eh... :)
@katemedina7123
@katemedina7123 2 жыл бұрын
😢😢💗
@peaskyreyes2460
@peaskyreyes2460 3 жыл бұрын
Sayang sana po may subtitle, kahit di ko maintindihan naluluha ako
@jazzy7755
@jazzy7755 2 жыл бұрын
❤❤❤
@mariavilmatulalian8221
@mariavilmatulalian8221 2 жыл бұрын
Hello Tricia Robredo it's your Daughter Vice President Leni Robredo how Iam glad to meet you a good Daughter.God Blessed you.
@shienaomirae
@shienaomirae 2 жыл бұрын
“Papa, may be your ready to die but we're not ready to loss you” :((
@amiejoph
@amiejoph 12 жыл бұрын
bravo to tricia sa pagpakusog kan buot nya na magtaram para ki papa niya !
@athenstar10
@athenstar10 12 жыл бұрын
subtitle pls. thanks.
@RevCeejayAgbayani
@RevCeejayAgbayani 12 жыл бұрын
this is nice..
@btrflyritz
@btrflyritz 2 жыл бұрын
💖💕💖
@francinejenelle7887
@francinejenelle7887 2 жыл бұрын
🥺❤️
@vilmacobito09
@vilmacobito09 2 жыл бұрын
💞💞
@halabiralapu-lapu9935
@halabiralapu-lapu9935 12 жыл бұрын
ooops sori disregard that first post ... that was for @Vicme Epres...Jess Robredo was the bravest man I ever knew ... I was in Carolina him when the NPA attacked substation 6, he along with the Naga PNP SWAT team were the first to respond, twas the first time I ever saw him with a gun in his hand... he saved the lives of those cops who,up-until that point, were surrounded...and he did it without firing a single shot...apparently the NPA post radioed-in he was coming to rescue and so retreated
@mamacoco9632
@mamacoco9632 2 жыл бұрын
🌸🌸🌸
@jairusaguila1262
@jairusaguila1262 2 жыл бұрын
🙏🙏🙏
@justinedeleon391
@justinedeleon391 2 жыл бұрын
2022?
@oliviapanganiban2192
@oliviapanganiban2192 2 жыл бұрын
San may tagalog/English translation
@biancajade9082
@biancajade9082 2 жыл бұрын
We need tagalog/english translation po
@almonedabu8587
@almonedabu8587 12 жыл бұрын
we are now empowered...putting flesh and muscle to the vision of good governance... the lame, walk, the dumb, Speak up!, alone, Join! the blind, See, take notice, the weak, take a strong stand, the hopeless, hopeful; to the bully, be meek, to the hateful, Love,...
@aleckskyink8807
@aleckskyink8807 2 жыл бұрын
Kapwa ko papa's girl at introvert. Stay strong, Doc Trisha.
@SE-oh7io
@SE-oh7io 2 жыл бұрын
19:33🥺
@painstock
@painstock 2 жыл бұрын
instant iyak sa time stamp na to 😭
@callmemaybe8400
@callmemaybe8400 2 жыл бұрын
4:30 💗💗💗💗
@aciyana23
@aciyana23 12 жыл бұрын
Dios mabalos sec jesse, mamudo kami sa paghali mo lalo na sa maabot na penafrancia, dai mi na ika maiiling na nag vo-voya. Maray kan ama kinda aika, tricia sakod jillian asin maray na agom ki tita leni, mami miss mi ika dai mi na ika maiiling pag nag palarong pambansa. Mamundoon pero aram mi na maray na an saimong kamugtakan. RIP you will be greatly missed.
@leonciagarcia3370
@leonciagarcia3370 2 жыл бұрын
Tricia ang bilis ng panahon, joke mo Senator si Mama mo . Predidente pala🌷💕🌸🙏
CNN Philippines | Profiles | Leni Robredo
23:57
Leni Robredo
Рет қаралды 84 М.
Magandang Buhay: How's Leni Robredo as a mom?
5:41
ABS-CBN Entertainment
Рет қаралды 218 М.
人是不能做到吗?#火影忍者 #家人  #佐助
00:20
火影忍者一家
Рет қаралды 20 МЛН
Сестра обхитрила!
00:17
Victoria Portfolio
Рет қаралды 958 М.
Правильный подход к детям
00:18
Beatrise
Рет қаралды 11 МЛН
Try this prank with your friends 😂 @karina-kola
00:18
Andrey Grechka
Рет қаралды 9 МЛН
The simple lifestyle of Jesse Robredo
3:33
Rappler
Рет қаралды 38 М.
Paraiso by Jill Robredo
5:03
Leni Robredo
Рет қаралды 466 М.
Leni Robredo: Continuing Jesse Robredo's legacy of leadership
37:55
Talk to Troops (Speech) 3/16/2023
6:06
RTVMalacanang
Рет қаралды 23 М.
Magandang Buhay: Jesse Robredo's letter to her daughters
2:50
ABS-CBN Entertainment
Рет қаралды 138 М.
VP Leni Robredo, inamin ang pagkukulang. (PART 1/2) | Ogie Diaz
23:03
VP LENI: First Ever House Tour! | Karen Davila Ep21
21:08
Karen Davila
Рет қаралды 2,6 МЛН
Robredo, daughters pray at Amang Hinulid Shrine in Calabanga
2:00
VLOG 13: On being Mrs. Robredo | VP Leni Robredo
5:17
Leni Robredo
Рет қаралды 307 М.
Media Interview - Camarines Sur 11/15/2020
9:47
RTVMalacanang
Рет қаралды 6 М.
人是不能做到吗?#火影忍者 #家人  #佐助
00:20
火影忍者一家
Рет қаралды 20 МЛН