Рет қаралды 1,155
"AYAN NA NAMAN SILA”
by Catherina Joy Careras.
Nakaturo nanaman ang kanilang mga daliri sa naging biktima
Sumisigaw ang kinalang mga mata na waring nag sasabing
"Ikaw ang nag simula"
Sinisisi ang yong suot na damit
Na sa kanilang paningin ito ay maliit
Kanilang sinasabi na ikaw daw ang nang akit
kaya ikaw ay kanilang hinapit
Dinala sa kung saan na madilim
At dun ginawa ang kanilang lihim
Di pa nakuntento pati buhay mo kinuha din
Ayan nanaman sila
Pilit nilang sinasabi na Kung hindi maliit ang iyong suot damit ay hindi sila maakit
Na kung di mo pinakita ang makinis mong balat ay hindi sila mag iisip na ikaw ay halayin
Ayan nanaman sila
Sinisisi sa biktima ang pangyayaring di maganda na sumira sa kanyang buhay
Sinisisi sa biktima ang pangyayaring hindi naman niya ginustong mangyari sa kanya
Kasalanan pa rin ba niya?
Kung sa isip na nang may gumawa ay ang halayin siya?
Wala na sa biktima ang diperensya kundi sa may sala
Wag ninyong ipilit na ang damit ang problema
Dahil kapag libog ang nag simula tapos na ang istorya
Ayan nanaman sila
Ibinabaling parin sa biktima ang problema
Hindi tinitignan ang tunay na istorya
Isisi nyo pa din ba?
Kung Maging ang mga sanggol na walang kamuang muang ay kasama rin sa naging biktima nila
Idagdag mo pa ang mga matatanda na di na kayang ipaglaban pa ang kanilang mga sarili ay
dinamay pa
Ano pa ba? Ano pa ba ang kaya nyong isisi sa biktima
Na ngayon ay wala na para ipaglaban pa ang nawala sa kanya.
“KAYLANGAN KO NG TULONG”
by Rizalyn Templonuevo.
Ayan nanaman sila
Nakatali ang kanyang kamay at paa
Pilit na kumakawala sa pagkakagapos
Wala syang magawa kundi sumigaw at umiyak
Ang pansamantala nyong kaligayahan
(Ay magbibigay ng gabi gabing bangungot tungkol sa kanyang nakaraan)
Gusto na nya itong makalimutan
Ngunit paano?
Kailangan nya ng tulong.
Kailangan nya ng pagunawa.
Ngunit ang kanyang natanggap ay tawa.
Paninisi.
Sya ay biktima ng pang pang-aakusa.
Na sumisigaw ng Hustisya
Ngayon, tama bang isisi sa bikitima ang nagyari sa kanila?
Itigil na ang pagkulong sa kanilang mga kalayaan
Tama na ang ginagawang pangaabuso sa karapatan .
Sama sama nating wakasan ang ganitong uri ng lipunan
Ating itigil na ang nakagawian dahil,
Kami tao rin,
na may dignidad at dapat respetuhin.
Victim Blaming
Genre: Role Playing, Musical, Dancing & Poetry
Role:
Lachica, Ronald A. - Director/Script Writer/Actor
Balbuena, Allyza Mae S. - Editor/Singing
Velasco, Charie - Narrator/ Actor
Manalang, Francen Rhein - Actor
Bermido, Maria Paula - Dance
Gomez, Jhea - Dance
Resonable, Clarice Ann - Actor
Templonuevo, Rizalyn - Spoken Poetry
Laurente, Angelica Zoe - Actor
Careras, Catherina Joy - Spoken Poetry
Bongolo, Clarize Ann - Singing
** NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED **