Рет қаралды 30,071
Naranasan mo na ba magantay sa Diyos? Tayong mga tao ay ayaw ng nagaantay lalo na pag may inaantay kang bagay na gustong gusto mo. Sa totoo lang ang pagaantay ay mahirap. Mas patagal ng patagal ang pagaantay ay mas lalong pagirap ng pahirap ang pagaantay. Alam mo ba na ang pagaantay ay may ginagawa sa ating character. Halos lahat kasi ng tao ayaw ng nagaantay gusto natin ng instant gratification at pinipilit nating tanggalin ang waiting time. Meron na tayong mga palabas ngayun na on demand. Hindi mo kailangang magantay ng oras ng programa ng tv kung hindi anytime ay pwede mo na piliin ang gusto mong palabas. Meron na rin tayong mabilis na internet, mas mabilis na charger, mas mabilis na sasakyan, tapos pag may kailangang bilin ay magagawa mo na sa pamamagitan ng cellphone wallet. Ang lahat ng ito ay nagugat sa ating pagtangging magantay.
Kaibigan alam mo ba na ang pinakamabuti o pinakabest na bagay sa buhay ng tao ay makukuha lamang sa pamamagitan ng pagaantay? Narealized ko na ang problema natin ay naghahangad tayo ng blessing ng Diyos pero hindi naman natin gustong magantay sa Kanya. Alalahanin natin na iba ang timing ng Diyos sa ating timing.
Kaya nga kapag hindi ka makapagantay ay nagiging dahilan ito ng maraming problema sa buhay. Halimbawa Kapag nabigo tayong idelay ang ating mga pagnanasa na bilin ang isang bagay ay magiging dahilan ito ng pagkabaon sa utang. Ang pagmamadali ang nagiging dahilan kung bakit maraming tao ang nabibigo sa pinansyal na kalagayan. Kahit hindi nya kayang bilhin ang isang bagay ay bibilin nya ito sa pamamagitan ng utang o credit card.
Tapos ito pa. Marami ding dumadapong karamdaman sa mga tao dahil hindi sila makapagantay sa kanilang sexual gratification. Kahit sino ay pwede basta now na kahit hindi mo ito asawa. Ang gusto ng tao kasi ay makuha ang lahat ng bagay ngayun na agad. Kaya nga hindi nakakapagtaka na maraming nasasaktan at napapahamak.
Kaibigan maaaring ikaw ngayun ay nasa kalagitnaan ng pagaantay. Maaaring nagaantay ka ng trabaho, o ibang opportunity, o nagaantay ka ng sagot ng Diyos tungkol sa bagong direction sa iyung buhay. Maaaring nagaantay ka na tanggalin ng Diyos ang sakit ng kalooban na nararamdaman mo, o maaring inaantay mo ang Diyos na i-restore ang iyung relationship at maaarring sinasabi mo bakit ganito ang tagal naman ng pagkilos ng Diyos. Hanggang kailan Lord bakit walang nangyayari.
Kaibigan tandaan mo na ang delay ay hindi nangangahulugan ng NO. Pwedeng ang sagot ng Diyos sayo ay Not yet. Hindi pa ngayun. Pero bakit ganon e kayang kaya naman ng Diyos na sagutin ang lahat ng panalangin? Kasi kaibigan kung ang lahat ng gusto mo ay ibibigay instantly ng Diyos ay magiging spoiled at selfish ka. Bakit? Kasi ang tingin mo sa Diyos ay vending machine na sunodsunuran sayo. Na Maghulog ka lang ng barya ay may lalabas na pagkain agadagad. Kaya nga kaibigan ito ang paguusapan natin ngayun. Ano ba ang kahalagahan ng pagaantay at paano tayo magaantay. Tapusin mo ang mensahe na ito upang magkaron ka ng kalakasan at pagasa sa gitna ng iyung pagaantay.
Support this ministry: wotgonline.com...
Ready to Answer: bit.ly/readyto...
Message Script: bit.ly/Waiting...
BACKGROUND MUSIC FROM KZbin AUDIO LIBRARY
O Come All Ye Faithful - DJ Williams