Рет қаралды 2,519
"Wala namang bearing yan." "Mga latak naman ang mga naglalaro diyan." "Iba naman ang kumpetisyon, tsamba". Iyan ang puna ng iba. Mga liga nga sa mga barangay, minsan grabehan kung pag-usapan. Ito pa kayang torneyong internasyunal na mabibigat din naman ang mga kalaban? Anong masasabi ninyo rito sa nagawa ng Gilas Pilipinas sa Asian Games? #GintoNgGilas #PUSO #AsianGames
Ang kabilang koponan, problemado. Hindi makapuntos, at hindi pumapasok ang mga tira sa labas noong unang mga sandali ng laban. Kaya pati mga taga-suporta bakas ang pag-aalala. Isama mo na rin ang mga ampalaya o bitter na fans na taga-Tsina na syempre kakampi sa kalaban ng koponang tumalo sa kanila.
Lintik lang talaga ang walang ganti. Ang mga Pinoy, mahilig talaga sa mga istoryang, nagpapabugbog muna ang bida sa umpisa pero sa huli ang ending ay aayon sa kanya. At sa kwentong ito ngayon, tayo ang bida. Natalo man tayo ng Jordan sa unang paghaharap sa torneyo, ang huling halakhak ay nasa Pilipinas. Sa wakas, nakaganti ang Gilas.
Bagaman may mga posibleng aalma, sa larong ito, batid mong nakahigit ang isang Justin Brownlee sa isang Jordan. Oo, hindi ito ang FIBA World Cup, ngunit hindi maikakailang ang naabot ngayon ng Pilipinas na isa si Justin Brownlee sa mga imports ay malaking bagay rin kumpara sa narating ng koponan noong ang resbak ay si Jordan Clarkson at ang coach ay si Chot Reyes.
Ano ang ibig sabihin ng kampeonatong ito? Marami. Na kahit papaano ay kaya pa ring sumabay ng Pilipinas kahit pa sa kontinente ng Asya ay lalong umaangat ang kompetisyon. Ang Asian Games, kahit papaano ay sukatan pa rin ng galing kahit pa rehiyonal lamang. Bukod sa gintong medalya, baon-baon din nila pabalik ng bansa ang kumpiyansa at saya.
Ikaw kaibigan, anong masasabi mo sa pagkapanalong ito? I-komento mo lang sa baba, at babasahin natin iyan.
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!