Рет қаралды 12,325
【Filipino】
[Ang Video na ito ay na-copyright ng World Mission Society Church of God. Ang di-awtorisadong pagkopya at pamamahagi ay ipinagbabawal.]
Pinapatotoo ng Biblia na ang relasyon sa
pagitan ng mga makalupang bagay at ng mga
makalangit na bagay ay tulad ng isang kopya at
katotohanan nito. Ibig sabihin, malalaman natin ang tungkol sa sistema
ng makalangit na pamilya sa pamamagitan ng sistema
ng makalupang pamilya.
Diyos Ina, ang katotohanan ng Biblia
Sinasabi ng Biblia na gaya ng may mga ama tayo sa laman,
mayroon tayong Ama ng ating mga espiritu. Dagdag pa rito,
ipinapaalam din nito sa atin ang pagkakaroon ng Diyos Ina na
nagbibigay-buhay sa mga makalangit na anak.
Galatians 4:26
Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya,
na siyang ating ina.
Paskuwa, ang paraan para maging bahagi ng makalangit na pamilya
Inilagay ng Diyos Ama at Diyos Ina ang Kanilang laman
at dugo sa Paskuwa ng bagong tipan at hinayaang
maging mga anak Nila ang mga sumusunod dito.
Mamanahin ng mga anak ng Diyos ang lahat ng luwalhati
sa langit bilang mga tagapagmana ng Diyos. Kaya ang biyaya
ng pagiging isang anak ng Diyos ay napakahalaga.
〖Church of God Introduction〗
▶ introwmscog.org