Рет қаралды 669
Ito ay awitin para magpaalala sa mga lalakeng may balak pumasok sa buhay ng isang babaeng nananahimik.
Kung hindi mo kayang PANINDIGAN, h'wag mo ng SIMULAN.
Title: PAALALA
-Lhianne & Zayra
(Strikerz Familia)
Castillano Rapper
Lyrics:
1st verse
Alam mo ba kung gano kahirap magtiwala
Yung kahit mahal mo rin di maiwasang maghinala
na baka maulit lang nakaraan na kay pait
naku h'wag naman kota na'ko sa sakit
Kaya mo bang manatili kahit ako'y kaiwan-iwan
sumpungin man ng topak ay handa pa ring samahan
matibay ba ang pundasyon ng 'yong paninindigan?
Hindi ba 'yan mabubuwag sa simpleng away lang
H'wag mo sanang sasayangin pagsagot ko ng OO
kapag ginusto mo'ko dapat yung dirediretso
kung meron kang hindi gusto sa ugali ko
hayaan mong baguhin ko di yung biglang iiwan mo
Kaya bago gambalain puso kong nag-iisa
dapat ay siguraduhin muna ang nadarama
ayoko lang na merong pagsisihan sa bandang huli
nakakapagod magmahal kung palagi lang sawi
Chorus:
Kung sakali bang ika'y pagbigyan
makakaasa ba akong hindi mo na bibitawan?
at buburahin lahat ng pangamba sa'king isipan
pero kung di mo rin kayang panindigan,
h'wag mo ng simulan
2nd verse:
bago mo ako tuluyang maipasailalim,
sa kapangyarihan ng iyong pag-ibig ay dinggin
mo sana ang aking awitin na nagpapaalala, sana ay
talimahin yaring bibigkasing karima
Sana h'wag kalilimutan ang pangakong bibitawan
Di 'yong bibitawan mo ako't biglang tatalikuran
pag may pinag aawayan lutasin ang sigalot
Di 'yong biglang mababagot lalayas at magbabalot
kung may kulang man saakin sa iba wag mo hanapin
Gano man kairitable, wag mo sanang mumurahin
ikonsidera madarama nitong aking damdamin
wag mo ring tatangkain na ako lang ay gamitin
pakatatandaan ako'y mahinang nilalang
kaya palaging nila-LANG lang ng mga mapanlinlang
iparanas mo naman
sakin ang maging kawalan
asahang katapatan ko'y, hindi matatapatan
Chorus:
Kung sakali bang ika'y pagbigyan
makakaasa ba akong hindi mo na bibitawan?
at buburahin lahat ng pangamba sa'king isipan
pero kung di mo rin kayang panindigan,
h'wag mo ng simulan
Gagawin ko rin naman ang aking makakaya
Mamahalin din kita ng sobra h'wag kang mag alala
Hindi ko sasayangin oras mong ilalaan
basta't paalala ko lang
h'wag mo lang sasaktan
3rd verse
iniwan dahil sa ugali na di maintindihan
yan ang dahilan nila wag mo na sana pang tularan
may pa sabi sabi pang di sila tulad ng iba
eh ang pinag iba lang naman ay ang paraan nila
ng pananakit, naghahasik ng puot at galit
sa'king pusong ang hangad ay mahalin ng pabalik
at nasasabik na rin na maranasan ko ulit
ang mahalin at piliin kahit ako'y kapalit palit
Chorus:
Kung sakali bang ika'y pagbigyan
makakaasa ba akong hindi mo na bibitawan?
at buburahin lahat ng pangamba sa'king isipan
pero kung di mo rin kayang panindigan,
h'wag mo ng simulan