2015 Mitsubishi Adventure GLX

  Рет қаралды 140,887

Ramon Bautista

Ramon Bautista

Күн бұрын

Testingin natin ang Mitsubishi Adventure at alamin kung bakit pang forever ang sasakyang ito. Tutok lang dahil napaka informative sa kaalaman kung bibili kayo ng Adventure maraming salamat kina Paps Josh ‪@papsjosh1146‬ and Boy Video PH‪@boyvideoph1349‬
#JDMNUMBAWAN

Пікірлер
@MagbubuwekTV
@MagbubuwekTV 2 жыл бұрын
Swabeng content as always, iilan na lang kayong may kwentang content creator papi.
@RamonBautistaFilms
@RamonBautistaFilms 2 жыл бұрын
Maraming salamat po❤
@ianbuen
@ianbuen 2 жыл бұрын
throwback cars lets gooo, sana yung mga karibal din ni adventure like crosswind at ang nagparamdam sa background yung revo 6:54 haha
@kebinaru27
@kebinaru27 2 жыл бұрын
Mitsubishi Adventure din po sasakyan namin since 2013, and sana may ganitong video na nuon pa laang. Naranasan ko po yung mga lessons nyo dito by experience 😆. Galing nyo po Idol and ang inyong guest 🤟.
@paulolned7014
@paulolned7014 Жыл бұрын
We still have our gen 1 1999 mitsu adventure manual transmission. Still alive and kicking. From my father. ngayon, ako na gumagamit. 😊
@NinoyZarceno
@NinoyZarceno Жыл бұрын
isa sa mga gusto kong mgkaroon na sasakyan talaga to ang Adventure...all around vehicle
@JehhocraigSoria
@JehhocraigSoria 2 жыл бұрын
My grandparents bought a second hand 2002 mitsubishi adventure gls limited edition since 2017. Until now still good running condition. 😁😁
@rsan4368
@rsan4368 2 жыл бұрын
@Pj Commando Tv normal yan boss pag walang gasgas sasakyan mo ibig sabihin di mo madalas ginagamit. Motor ko nga na naka park lang sa garahe nagagasgasan pa, pano pa yung ginagamit. Tulad ng ibang bagay, parte ng lifespan ng sasakyan yung mga gasgas. Pa hilamusan mo na lang kapag marami na talaga sila kasi di mauubos yan maniwala ka 😅. Okay lang din madepress kasi mahal mo yang gamit mo pero sana isipin mo maski nga mga anak ng tao nadadapa, nasusugatan, napepeklatan kasi parte ng buhay yan.
@CalifMat1989
@CalifMat1989 10 ай бұрын
Yun adventure namin gen 1 na pinang hahatid sakin sa school 2001 hanggang ngayon 2024 buhay pa din. Madame variant ang adventure yun Grand Sport, Super Sport, Sport, GLS, GLX. Madame kame sasakyan na maganda mga BMW 7 series, Nissan Patrol. Pero ang masasabi ko ang adventure ang pinaka reliable at di madrama saka may special na place sa puso namin dahil dun kame naka buo ng mga magandang alalaala ng pamilya namin. Kaya hanggang ngayon na samin pa din at sumasabay sa panahon. ❤
@teutonic6234
@teutonic6234 2 жыл бұрын
Share ko lng yung experience ko sa 2002 super sport ko na adventure d ko lng sure if matibay lang yung luma pero never ko na experience yung mga nasabi nilang issue under the hood like yung alternator, dun sa idle ng aircon, saka dun sa belt din ng alternator. 20 years na adventure ko pero stock parin yung sa idle up ng aircon and alternator, ang napalitan ko pa lng under the hood is yung aircon compressor. Yung iba basic maintenance na like belt, filter and rubber gasket saka reservoir na lumutong na dahil sa kalumaan 210k na rin milage ng adventure ko. Tingin ko dapat mong isipin lagi dyan yung thermostat sisirain nya yung radiator mo. Mas ok yung mapalitan pero sakin umabot ng 18 years nabutas rad ko pero na repair alagang coolant din. pa adjust ng fuel injection pump pag hard start na. So far so good pa yng adventure ko kahit na medyo nag leleak lng ng konti yung rack and pinion. Basta i maintain lng sa change oil yung makina at saka normal lng sa kalumaan masisira yung mga rubber gasket kc lulutong din sa tagal lalu na batak talaga yung samin d pa kasama dyan sa milage na lagi naka on parin kahit na hinihintay ako ng kasama na nagbabantay ng gamit sasakyan maghapon walang patayan ng makina dahil sa negosyo namin, sobrang tipid kc. Wala din kaming parking dito kaya nakabilad cya maghapon. Sa makina sobrang tibay and check nyo top speed 210k milage na eto po yt link kzbin.info/www/bejne/bmXTqYBmidNoqac kzbin.info/www/bejne/mZ6WZo2sosydaZI
@kanor8412
@kanor8412 2 жыл бұрын
16:16 squealing sound sa window trim. Sprayan lang daw ng silicone spray ayon kay pareng Scotty Kilmer
@Cobruhcob
@Cobruhcob 2 жыл бұрын
Feeling ko mekaniko na ako pagkatapos ng video daming info na nakuha. Very nice. Kinalas ko sasakyan ko di ko na maibalik😂
@clevenbalongkit9911
@clevenbalongkit9911 2 жыл бұрын
Owner here of a 2009 Mitsu adventure, yung sinasabi ni Papi Ramon na may ilong. Napakapogi para sa akin. Napakatibay at maaasahan na sasakyan
@DreamDestinations123
@DreamDestinations123 2 жыл бұрын
Sana lahat ng review may ganitong explanation for 2nd hand buyers. Kudos!
@macherooni
@macherooni 2 жыл бұрын
Proudly driving my deceased Father's 2004 Adventure Grand Sport, it was the highest spec back then. Ako ang nag maintain since he passed away, my small sentimental dedication for him. Kilometers on the odometer is still increasing, yet still going strong. Went through more rough muddy roads than those shiny modified SUVs that only roam in the city and the highways. Very simple and utilitarian. No touchscreen infotainment nonsense, just pure road driving while listening to the stereo simplicity as it should be. There'll be no longer simple rugged AUVs like the Adventure, Crosswind, Revo and Tamaraw FX. Kaya take extra good care of these nostalgic work horse vehicles.
@kewl800i
@kewl800i 2 жыл бұрын
Yun oh! Naitanong ko ito noon kay papi kasi nagendorse si papi ng Adventure noon, ngyon may video na! Let"s go!! 💯👍👍👍🍻
@carlodeguzman4440
@carlodeguzman4440 2 жыл бұрын
Mahina sa ahon ang adventures gapang nakaka hiya sa kasabay tapos wala pang turbo at matagtag napalakasa pa sa diesel. Unlike Toyota INNOVA malakas makina and then may turbo and comfort ride kayang kaya makipag overtake at maning mani ang ahon fuel efficiency pa... Mag invest na sa quality brand
@kewl800i
@kewl800i 2 жыл бұрын
@@carlodeguzman4440 okay brad 👍 Hindi naman ako naka Adventure or Innova. Subaru auto ko 👍
@carlodeguzman4440
@carlodeguzman4440 2 жыл бұрын
@@kewl800i good!!! dati akong adventure user pero 3 years lang binenta ko na di ako satisfied sa performance!! Pero yung Innova ko hanggang ngayon ay still kicking malakas pa rin and hindi nagbabago performance!!! 💪💪 Tapos MASTER GARAGE pa ang humihimas ay cya lalong tumibay...
@kewl800i
@kewl800i 2 жыл бұрын
@@carlodeguzman4440 walanjo ikaw pala yung naka Adventure dati e hahahaha. Enjoyin mo lang paps yung video, to each his own yan., basta masaya ang mga tao sa JDM/auto nila, wala yan problema 👍🍻
@vincesu2738
@vincesu2738 2 жыл бұрын
Wala mag skip ng ads para more content kay papi
@rsan4368
@rsan4368 2 жыл бұрын
Sana maging part ng cast sila boy video saka si paps lalo na yung buyer's guide kasi laking tulong sa mga nagbabalak kumuha ng sasakyan.
@jpmac1324
@jpmac1324 2 жыл бұрын
Namiss ko tuloy yung Adventure namin. Gamit ko mula college hanggang magka-pamilya ako ng sarili.
@ArchitectEd2021
@ArchitectEd2021 2 жыл бұрын
Ang daming memories sa sasakyan na yan paps! Panalo din yung model sa commercial hihihi!
@ArchitectEd2021
@ArchitectEd2021 2 жыл бұрын
4d56 alamat!
@winceandretoledo9855
@winceandretoledo9855 2 жыл бұрын
Ito yung tipo ng vlog, na kahit walang video tatapusin ko hangang dulo
@noelvalentus7145
@noelvalentus7145 2 жыл бұрын
2012 GLS Sport SE owner here.. adventure for keeps talaga
@paulmichaelsanda511
@paulmichaelsanda511 5 ай бұрын
Wow nka helpful po na content. Thank you po.😊😊
@takumiarigato6168
@takumiarigato6168 2 жыл бұрын
Sarap manuod lalot adventure din gamit ko..salamat paps ramon
@TwentyAs
@TwentyAs 2 жыл бұрын
Eto iniintay ko! Frist brand car ng tatay ko, di ko pinapabenta sakanya because never kami tinirik and never kami binigyan ng major problem for 12years! Solid boss ramon 🤝🏾
@hypnos4545
@hypnos4545 2 жыл бұрын
Nice! Mabuti po at hindi kayo isa sa mga napaginitan ng ASbU
@RowynDaily
@RowynDaily 2 жыл бұрын
Isa sa pangarap kong sasakyan ever since. Sana magkaroon pa ako nyan in the future. 🙏
@bcnavato
@bcnavato 2 жыл бұрын
Crosswind naman next papi Ramon 🔥
@geenogabb
@geenogabb Жыл бұрын
Uyy nice content, very informative and sobrang pleasant ng LB vibe with matching Letty's Buko Pie. Commercial model ka pala nito lods. haha. Sobrang reliable nito. Ito yung sasakyan ng uncle/auntie ko from way back mid 2000s until now. Yung kanila yung facelifted na may split pa yung front grille at rounded headlights na GLS Sport. Nawitness na nito lahat ng life events ng family at sobrang tibay. Akala ko under-powered sya at 75HP pero kayang kaya kahit fully-loaded. Solid yan Adventure.
@kelligrapher
@kelligrapher 2 жыл бұрын
Lupet nung buyer's guide!! Galing nila. Namiss ko tuloy yung gamit naming 2010 GLX SE. Kailanman di pumalya yon. Di mabilis pero andun yung torque. Very comparable to older Pajeros
@thegr8ivan225
@thegr8ivan225 2 жыл бұрын
Ito yung mga panahong inaabangan ko commerical nato sa TV😁
@seoyoon-6969
@seoyoon-6969 2 жыл бұрын
2003 gls sport matic gas samin 19 years na. 4g63 2.0 sohc lakas padin hanggang ngayon. 8 na tao puro nasa 70+kgs lahat may bagahe pa kaya padin sa nlex/slex 120+ ang takbo. kayang kaya padin mag baguio pati tagaytay pa peoples park. solid! basta tamang maintenance lang :)
@juliusbagoyo5424
@juliusbagoyo5424 2 жыл бұрын
Unang branded na oto ng magulang ko yung Adventure 2001(1.2) na gasoline type. Dati kasi ay owner type jeep yung gamit namin, tapos tuwang tuwa kami dahil may aircon na yung sasakyan namin. Naabutan pa ng lolo ko bago sya pumanaw nung 2001 din. 10 years of service bago pinalitan at sa buong yun bilang lang sa daliri ng isang kamay kung ilan beses sya pumalya, uwian pa mula Ilocos at Maynila. Namimiss ko rin sya minsan at minsan ay nakikita pa namin sa kalsada sa Maynila(distinguishable dahil sa mga sticker). Bluish ang pangalan nya dahil navy blue/dark blue ang kulay.
@rmlb_340_ph
@rmlb_340_ph 2 жыл бұрын
Pinakita ko etong vid sa babae kong classmate na may 2010 adventure. Ayun iniisa isa na nya every details neto sa adventure nila😅
@EguchiGzone
@EguchiGzone Жыл бұрын
Wow, sa sobrang busy di ko napansin na feature pala mitsu adventure. Gen 1, 2000 model glx sakin 1st owned 23yrs na sa family namin and still going...well pahinga ngayon kasi papalitan pa water pump at radiator. Thanks sa vlog papi Mon jdmnambawan! Ps naalala ko din commercial mo ng advie and kakapanood ko lang uli nung wasak ep nyo hahaha how time flies haha
@bongcalugas3544
@bongcalugas3544 2 жыл бұрын
From my Mitsubishi GSR when i was still a pakboi to my 1st Mitsubishi Adventure Supersport (2002) to now rockin' my 2016 Mitsubishi Adventure Supersport tamang lolo na talaga,,,🤣🤣🤣
@ajca69420
@ajca69420 2 жыл бұрын
Company car sa dati kong pinagtatrabahuan yang Adventure. Nalubog na nung Ondoy, hanggang ngayon afaik buhay pa. Di lang talaga mabilis, swerte na 120kph sa freeways. La lang. Hehe!
@rickvargas1002
@rickvargas1002 2 жыл бұрын
Proud owner of a 2011 Mitsubishi Adventure GLX here. Very durable. 💪
@ivanvillarruz8412
@ivanvillarruz8412 2 жыл бұрын
@@lapongjohn5634 Ganun talaga pag bagong driver. Ang importante gasgas lang nangyari sayo. Eventually yung tantsahan sa parking, sa layo o lapit ng mga sasakyan at ibang pwedeng mabangga, nadedevelop din yan sa pagtagal ng panahon na nag mamaneho ka.
@FernandoGuevara88
@FernandoGuevara88 2 жыл бұрын
Grabe ang nostalgic ng comercial, Sya nga pala nakita kita papi sa Greenhills kumakain ng Genki beef noodles sa fastfood. Katabi kita umorder nun, na starstruck ako eh. 2011 yun paps.
@jojopaez3164
@jojopaez3164 2 жыл бұрын
Nice lodi talaga 2018 mitsu. Never never talaga kame tinirik...
@junjunnatalak8135
@junjunnatalak8135 2 жыл бұрын
Basta ako JDM NAMBAH WAN...........Very informative...hindi nasayang oras ko......tnx Idol....
@FrancisLitanofficialJAPINOY
@FrancisLitanofficialJAPINOY Жыл бұрын
TWDM NAMBAH WAN
@wowiearcayan5487
@wowiearcayan5487 2 жыл бұрын
Nag eenjoy talaga ako pag may bagong upload si idol
@robbieserrano5721
@robbieserrano5721 2 жыл бұрын
Matibay at subok na ang adventure
@frias2287
@frias2287 2 жыл бұрын
Nice one
@jctsixteenayn
@jctsixteenayn 2 жыл бұрын
Masagana sa pyesa Matibay at madali i troubleshoot. Di maselan at walang Check engine na makikita sa gauge
@michaelticsay7
@michaelticsay7 Жыл бұрын
mismo yang adventure walang kamatayan napaka sarap idrive.
@Blueprince
@Blueprince 2 жыл бұрын
Thankyou boy bidyo at paps josh
@echonneilandrieb.4272
@echonneilandrieb.4272 2 жыл бұрын
Nostalgic ang commercial lods
@icdims
@icdims 2 жыл бұрын
Sawakas nagka review din si papi neto, tagal.kona hinihintay
@supremeleaderkimjong-un1935
@supremeleaderkimjong-un1935 2 жыл бұрын
very informative lalo na at natitipuhan ko bumili ng 2nd hand adventure. dami ko nattunan about sa car na eto. ayus
@auto_nick
@auto_nick 2 жыл бұрын
The forever lasting 4d56, sana all
@patrickhenrydecena5542
@patrickhenrydecena5542 2 жыл бұрын
Nice vid idol ramon, content din sa innova sir 👌👌👌
@alexbiraquit4645
@alexbiraquit4645 2 жыл бұрын
Same color ung gls sport namin ss inendorse nyo po na gls sska subok na po ng panahon yan dalhin sa mga matatarik na ahon kahit punuan parang madali lang sa 4d56 kaya masasabi ko po na die hard vehicle ang adventure saka tipid den pagdating sa fuel consumption. Saka solid po yan pang business like grab or Uv express. Saka yan den po una kong dinrive saka jan po ako tinuruan ng tiyuhin ko.
@carpartspro
@carpartspro 2 жыл бұрын
Nasa UPLB ka pala papi Ramon may house of Evo diyan napasyalan mo sana ;) may adventure din ako dati sa sobrang tibay binenta ko na lang hahaha
@ArtCNing
@ArtCNing 2 жыл бұрын
Salamat sa buyer's guide malaking tulong.
@SLIDESHIFT
@SLIDESHIFT 2 жыл бұрын
Lupet ni Boyvideo1349 at papsjosh1146. Good job mga brad.
@ruzzelpunzalan5107
@ruzzelpunzalan5107 2 жыл бұрын
Kudos!!!! &Special Thanks to the owner of this goodlooking Adventure,Mr. Aris and Mrs. Mercy Samia. Napakaalaga nyo po sa sasakyan.☝️👏👍 #JDMnambewan
@jessiedelantar4710
@jessiedelantar4710 2 жыл бұрын
4d56 sagad s tibay,kung nagawa p din ang mitsubishi ng adventure cgurado mabili p din. Taga LB po ako.
@bakokoy
@bakokoy Жыл бұрын
haist salamat at nakita ko to na video...planning to get an adventure hopefully next week heheheheheh!!!
@michaelticsay7
@michaelticsay7 Жыл бұрын
gusto ko ang sibat at torque ng adventure kahit yung mga luma. pang kargahan ng tao.
@jimhensonquijano6045
@jimhensonquijano6045 Жыл бұрын
sa flooring bossing my kalawang sakit na ng adventure yun pero dyan ako natuto nag drive
@jehmanji777
@jehmanji777 2 жыл бұрын
..proud advie user and lancer itlog! 2005 diesel mt . shout out sa team map!
@ranellecantos
@ranellecantos 2 жыл бұрын
Naalala ko pa commercial na to grabe hahaha ngayon ko lang ulit napanood hahaha
@dayulPH
@dayulPH 2 жыл бұрын
Grabe talaga nung minention niya na hinuhuli ng mga ASBU ung adventure dahil daw sa smoke belching, na bwiset tuloy ako. Kasi nung nasa manila lng ako a few weeks ago hinuli ako dahil sa smoke belching daw? Pero hindi naman mausok yung adventure ko. Tapos sobrang walang kwenta ung smoke belching test nila na ni-rev nila car ko around 3000rpm+ edi siyempre may carbon na lalabas pero kapirangot lng ung lumabas dahil well maintained car ko talaga, pero natural rin naman na ganyna mangyayari kung ni-rev ung 4d56 ng ganun na may lalabas talaga na usok pero minimal lng at diesel rin kasi ung makina. Bwiset na bwiset talaga ako kasi sobrang informal and buong process ng paghuhuli, ung setup, lahat! Inaabangan nila nga private cars sa choke point ng roxas blvd para lang madali ang pag abang nila sa mga diesel na kotse. Hindi tama ang process ng pag check ng smoke belching, basta may makita silang usok na kapirangot lng, smoke belching agad! Hindi rin nila alam kung ano ang proper definition ng smoke belching! Yung mga jeep at truck na dumadaan sa tabi ko hindi hinuhuli, pero lahat ng private vehicles hinuhuli nila? Grabe talaga ang pinas.
@snappyloop7489
@snappyloop7489 2 жыл бұрын
ung tatay ko rin nahuli advie den. Hehe same experience kayo
@RC-hv5xn
@RC-hv5xn 2 жыл бұрын
Samantala yung mga jeep bosing idle palang lakas usok na e pasado sakanila. Di sila patas sa pang huhuli pareprehas lng nmn naghhanap buhay.
@justinlacas7866
@justinlacas7866 4 ай бұрын
Pag ganun bro kunin mo lagi mga pangalan ng humuhuli sayo. Kahit MMDA or ASBU or whatever agency man sila, para at least maging aware sila na papalag ka or kaya mong i-contest later on yung huli.
@bennybouken
@bennybouken 2 ай бұрын
1998 L200 sinubukan nila parahin sa Pasay hahaha tinakbuhan ko lang
@dayulPH
@dayulPH 2 ай бұрын
@@bennybouken Lagi nalang ganun grabe. Di naman sila nanghahabol ata eh. Puro sila mukhang pera
@mendiolaamiel8908
@mendiolaamiel8908 2 жыл бұрын
Sa wakas n review din si adventure Eto ang family Car namin
@earlfeaster
@earlfeaster 2 жыл бұрын
Hala. Ngayon ko lang nakita, tagal ko nang inaantay na itong sasakyan naman na ito ang I-content mo paps.
@midnightfun1277
@midnightfun1277 Жыл бұрын
Good news sa mga adventure lover. Lalabas na bagong version nito. Sana lang yung isuzu naman sumunod.
@mattdizor8406
@mattdizor8406 2 жыл бұрын
Kaya pala daming may adventure dahil kay papi ramon
@pelosloujerichoc.3432
@pelosloujerichoc.3432 2 жыл бұрын
Endorser ng mitsubishi adventure noon, adventure owner na ngayon.
@christianurielt.pascual4646
@christianurielt.pascual4646 2 жыл бұрын
Proud owner here of 20yrs old Mistubishi Adventure “Super Sport Model”💪🏻💪🏻
@yourCalmspaceph
@yourCalmspaceph Жыл бұрын
walang kupas talaga paps ramon
@dexterabrigo6399
@dexterabrigo6399 2 жыл бұрын
Ang malupet na Lety's Buko pie! sarrap nyan paps!
@JonArevalo
@JonArevalo 2 жыл бұрын
ang linis ng adventure. stock from casa.
@emvilegaspi3811
@emvilegaspi3811 Жыл бұрын
I like the 03-05 generation of adventure kasi May trim na GRAND SPORT. That is the top of the line salakyan. Has picnic tables and a TV.
@jeraldvincentzumel5300
@jeraldvincentzumel5300 2 жыл бұрын
Adventure owner since 2013. 235k mileage na ung amin. Ibang klase tatag ng sasakyan na to.
@tokwatbaboyman24
@tokwatbaboyman24 2 жыл бұрын
eto ung hinihintay ko kasi alam ko model ka ng adventure
@emmanmartinez106
@emmanmartinez106 2 жыл бұрын
Very very informative! Lalo na dun sa common issues ng Adventure.
@ednel143
@ednel143 2 жыл бұрын
Super ganda ng Adventure! Sana all !!
@amadortabermejo976
@amadortabermejo976 2 жыл бұрын
very well said lalo na sa alternator problems ng 4d56.
@romuloarong2726
@romuloarong2726 Жыл бұрын
Proud down of 1998 Mitsubishi adventure
@ZachmeisterTV
@ZachmeisterTV 2 жыл бұрын
ansarap makinig ng usapan nila. Quality papi Ramon. Ansarap rin siguro kainuman ng mga yan, daming matututunan sa kwento 🍻
@aaronchrisinco4371
@aaronchrisinco4371 2 жыл бұрын
GANDA CONTENT! Request, Crosswind naman paps HAHAHA
@kobayashiharuno
@kobayashiharuno 2 жыл бұрын
naka Vios ako pero eto pa rin ang dream car ko along with the Crosswind. gusto ko lng ng 2015 na GLX model na naka foglamps. unkillable tong mga Adventure sa daan to the point na nung nag iinquire ako ng Strada GLS, sabi ng ahente sakin marami pa rin nag iinquire ng Adventure.
@jerickestoesta1700
@jerickestoesta1700 Жыл бұрын
1 week na lang, mag ddrive na ako ng adventure. As newbie sa pag drive, sana di ako mahirapan dito haha.
@realjobertyumul
@realjobertyumul 2 жыл бұрын
Back to the old format papi Ramon. dami ko natutunan dahil gantong format hehehe
@Dorksterist
@Dorksterist 2 жыл бұрын
Idol may commercial ka pala ng adventure. Amazing!
@PinoyAfricanbusdriver
@PinoyAfricanbusdriver 2 жыл бұрын
yan ang tama, aalis ka ng LB with a box of letys buko pie, simply the best! shout out naman kuya ramon! hahaha
@giovanniloresto2878
@giovanniloresto2878 2 жыл бұрын
Thanks sa mga info👍👍🎄🎄⛄⛄🎀🎄🎄
@titolour
@titolour 2 жыл бұрын
Were able to own one for a few months, solid pang family. At legit pangharabas unlike yung pumalit na Xpander, parang mejo maselan na. 😅 Opinyon ko lang naman.
@hypnos4545
@hypnos4545 2 жыл бұрын
Body on frame po ang adventure (truck based), and xpander ay unibody (car/cuv based). Kaya mas matibay ang adventure at the expense of comfort. Mas masarap naman idrive ang ertiga. Gas vs Diesel naman, mas matibay ang parts ng diesel engine, since mas mainit ang combustion process
@keithnepomuceno
@keithnepomuceno 2 жыл бұрын
Very informative! Makakatulong!
@renzogabrielhernandez9643
@renzogabrielhernandez9643 2 жыл бұрын
Paps review ka naman ng Toyota Inova hahahahah nice video idol 🤘🤘
@FrancisLitanofficialJAPINOY
@FrancisLitanofficialJAPINOY Жыл бұрын
4:51 same as Mitsubishi Kuda (horse) in Indonesia, pero wala po silang ganyan sa Taiwanese and Chinese (Soueast) Freeca.
@Nico10.4.89
@Nico10.4.89 2 жыл бұрын
17:39 ayun, hindi ko alam bat ambilis malobat ng batt ng adv namin. Okay naman karga, pero di ko alam kung napacheck na yan. Buti nasabi mo yan paps josh. Pero okay naman na ngayon, ipacheck ko nga next time yan
@littledrummer3814
@littledrummer3814 2 жыл бұрын
I miss our first brand new car, the 2007 Mitsubish Adventure Super Sport!!! Perfect na lahat maliban sa non-turbo na makina during that time.
@chewychua77
@chewychua77 2 жыл бұрын
classic throwback!
@lestercruz118
@lestercruz118 2 жыл бұрын
Swabe hehe next naman Papi yung kamkha niyan yung isuzu crosswind
@nielellonagasino9359
@nielellonagasino9359 2 жыл бұрын
Isuzu Crosswind naman papi Ramon 😁
@Baki_and_Friends
@Baki_and_Friends 2 жыл бұрын
Sir mitsubishi L200 po sna next ..GODBLESS po sir Ramon, jdm nambawan
@jannixtvAdventures
@jannixtvAdventures 2 жыл бұрын
isang ma alamat na content nanaman papi ramon.. ayoss!!!!
@patsia0208
@patsia0208 2 жыл бұрын
Dan Michael days ang vibes ng commercial ah! Haha
@sharingonly7867
@sharingonly7867 2 жыл бұрын
Ayos to! Gandang collab...
@bosley629
@bosley629 2 жыл бұрын
All that AUV need is proper maintenance & an auxiliary AC fan.... that vehicle will run 👍
@pxxlxngxlx4768
@pxxlxngxlx4768 2 жыл бұрын
solids as usual boss ramon! adventure user here
1989 Toyota Corolla "SB”
17:01
Ramon Bautista
Рет қаралды 601 М.
1997 Toyota Granvia
19:10
Ramon Bautista
Рет қаралды 95 М.
Blind Boy Saved by Kind Girl ❤️
00:49
Alan Chikin Chow
Рет қаралды 49 МЛН
The perfect snowball 😳❄️ (via @vidough/TT)
00:31
SportsNation
Рет қаралды 77 МЛН
NERF TIMBITS BLASTER
00:39
MacDannyGun
Рет қаралды 14 МЛН
Bungee Jumping With Rope In Beautiful Place:Asmr Bungee Jumping
00:14
Bungee Jumping Park Official
Рет қаралды 17 МЛН
Mitsubishi Adventure GLX 2017 - Okay Pa Kayang Bilhin?
20:33
Car Talks PH
Рет қаралды 214 М.
First Project sa aming Mitsubishi Adventure.
20:52
EZ Works Garage “Doc Chris”
Рет қаралды 77 М.
2002 Mitsubishi Adventure GLX
8:16
Raynold Buscano
Рет қаралды 8 М.
1992 Mitsubishi Lancer GTi
20:59
Ramon Bautista
Рет қаралды 212 М.
MINIVAN VS BAGUIO | Kaya Ba Ng SUZUKI Every Wagon? | MayorTV
27:11
12 Hour Eating ONLY "Dagupan Street Food" in PANGASINAN!
19:03
TeamCanlasTV - Manyaman Keni!
Рет қаралды 21 М.
1998 Mitsubishi Galant VR
39:36
Ramon Bautista
Рет қаралды 273 М.
Nineteen Kopong-Kopong
25:49
Ramon Bautista
Рет қаралды 321 М.
Blind Boy Saved by Kind Girl ❤️
00:49
Alan Chikin Chow
Рет қаралды 49 МЛН