Ang Mga Kuwento ni Ryza: Nasa tamang nutrisyon ang kalusugan ng palay (Tagalog version)

  Рет қаралды 214,216

International Rice Research Institute

International Rice Research Institute

15 жыл бұрын

English version of this video: • Tales of Ryza the Rice...
Laking gulat ni Mang Lando nang biglang lumitaw mula sa kanyang palayan ang isang nagsasalitang palay at magsimula itong magkuwento ukol sa pangangailangan ng palay. Binigyan ni Ryza, ang nagsasalitang palay, si Mang Lando ng mahahalagang impormasyon ukol sa tamang pangangasiwa ng mga sustansyang kailangan ng palay. Sa pamamagitan ng pag-aakma ng wastong dami at panahon ng paglalagay ng abono, natutunan ni Mang Lando kung paano mapapataas ang kanyang ani. Hinikayat din ni Ryza si Mang Lando na subukang gamitin ang Nutrient Manager for Rice. Isa itong programa sa computer na makakapag-bigay sa mga magsasaka ng mga tuntunin ukol sa tiyakang pangangasiwa ng abono sa kanilang palayan.
Sa video na ito, matututunan nyo na nasa tamang nutrisyon ang kalusugan ng palay.
For more on site-specific nutrient management see: irri.org/index.php?option=com_...
Lando: Naku! Mukhang maputla ang mga palay ko. Kakailanganin ko atang magdagdag uli ng abono. Kung makakapagsalita lang sana ang mga palay na ito, siguradong sila mismo ang magsasabi kung ano ang kailangan nila.
Ryza: Mang Lando, Mang Lando, maghunos-dili kayo! Bago nyo isabog yang abonong hawak nyo, napag-isip isip nyo na ba kung ano ang makakapagbigay sa inyo ng malulusog na mga palay?
Mang Lando: Ano? Ah e hindi...
Ryza: Mang Lando, sa tamang nutrisyon, magiging malusog ang palay nyo. Mang Lando, kaming mga palay ay may buhay din tulad nyo. Bukod sa tubig at araw, kailangan namin ng pagkain o sustansya upang maging malusog at mayabong. Ang pangunahing sustansya na kailangan namin ay nitroheno, posporo, potasyum, zinc, at sulfur.
Mang Lando: Pero saan nyo nakukuha ang mga sustansyang ito?
Ryza: Ang mga sustansyang ito ay nanggagaling sa lupa, sa mga pinag-anihan, at gayundin sa patubig. Subalit, hindi sapat ang mga ito upang maibigay sa amin ang lahat ng aming kailangang sustansya. Kaya kami binibigyan ng abono o pataba.
Mang Lando: O, di ba yun nga ang aking ginagawa bago mo ako ginambala?
Ryza: Opo, totoo po yun, pero ang karagdagang sustansya na manggagaling sa abono ay nararapat na nakabatay sa pangangailangan ng halaman. Dapat po nyong maintindihan na ang kalusugan ng inyong tanim na palay ay nakasalalay sa tamang dami at akmang panahon kung kailan kailangan ang mga ito.
Alam nyo na po ba na meron na po ngayong pamamaraan upang malaman ng mga magsasaka kung gaano karaming abono ang kailangan at kung kailan nya dapat ito ibibigay sa kanyang panamin? Ang pamamaraang ito na batay sa pananaliksik ay naglalayong magbigay ng mataas na ani sa pamamagitan ng tamang paggamit ng abono.
Mang Lando: Aba, natutunan ko na ang palay ay dapat bigyan ng tamang dami ng sustansya sa tamang oras......Naku, nahihibang na ata ako. Kausap ko ba talaga yung palay na yun?
Produced by
The International Rice Research Institute (IRRI; irri.org )
through the Irrigated Rice Research Consortium (IRRC; www.irri.org/index.php?option=... )
with support from the Swiss Agency for Development and Cooperation (SDC; www.sdc.admin.ch )
With the assistance and participation of:
Chona Lofranco as the voice of Ryza
Larry Fabro as Mang Lando
Johnny Goloyugo as the voice of Mang Lando
IRRI staff members:
Scriptwriters:
Jun Correa
Trina Mendoza
Rafael Palis
Videographers:
Jerby Aguihon
Joe Ibabao
Cartoonists:
Paul Hilario
Harris Tumawis
Script Editors:
Bill Hardy
Tess Rola
Field man:
Bert Escandor
Collaborators:
TJ Cadiz
Video Editor and Animator
Edmund Centeno
JP Maligalig

Пікірлер: 33
@Golden_GrainsTV
@Golden_GrainsTV Жыл бұрын
Maganda po ang Video Presentation..Sana po Inirekomenda niyo din na magkaroon ng Soil Analysis..Para po malaman kung gaano karaming Abono at kung ano po yung Kakulangan sa Lupa na Abono..
@bryanmaratcha181
@bryanmaratcha181 2 жыл бұрын
San po ba mag umpisang bilangin sa paglalagay ng N at K sa panahon ng paglilihi?qng transplanting sa sowing ba o sa paglipat tanim nah?salamat po..naguguluhan lng aq
@edgarballesta5265
@edgarballesta5265 Жыл бұрын
Mam you're right. Pero may paraan ba na hindi magkasakit o hindi maka spray sa palay. My "Tectology" dapat mag Effortless organic farming tayo at mag top dressing lang ng 1 sack 16-20 para walang pesticides spraying para maka harvest tayo ng 6-10T/ha/hrvest. Hindi mag abono ng Urea sa tag ulan.😃🥰👍👍
@frederickpaez2764
@frederickpaez2764 Жыл бұрын
Salamat po
@kimberlypakingan5407
@kimberlypakingan5407 4 жыл бұрын
ang sarap😋😋😋😋
@jonathanenciso7733
@jonathanenciso7733 11 ай бұрын
Paano po kung 120 days ang ilalagi ng palay mo sa bukid tapos naglipat ka ng 30 days ang punla 24 to 30 pa rin po ba ang araw ng pagsusuwi pagkatapos maglipat tanim?
@ryanpadilla2650
@ryanpadilla2650 11 жыл бұрын
good casting, good audio, nice theme, nice video... very helpful! Educational Videos Rocks!
@strawhatabbbyasil2469
@strawhatabbbyasil2469 2 жыл бұрын
Pwedi po ba hindi na mag granular pag nakapag spray na ng foliar? Salamat po sa sagot
@p.tperez2136
@p.tperez2136 2 жыл бұрын
3ektary ganu po kadami dpat po sinasabog n abono.salamat po
@josavelsimbajon3709
@josavelsimbajon3709 3 жыл бұрын
Wow
@ejcangas6538
@ejcangas6538 2 жыл бұрын
Ilan po ba yung minimal na kelangan NG palay na netroheno bago maglihi
@kristimaesalmo7865
@kristimaesalmo7865 2 жыл бұрын
Ano po ba ang dapat n abono ang my tamang nutrisyon s Palau pta s 15 days n edad y
@aubreyshaine9280
@aubreyshaine9280 3 ай бұрын
Ilang days na po ito?
@procesarobediso2429
@procesarobediso2429 2 жыл бұрын
🥰🥰🥰
@colormastersablayan5084
@colormastersablayan5084 2 жыл бұрын
Ilan sako po ng 14-14-14 sa 1 hectare ang kailangan?
@andresbonifacio5283
@andresbonifacio5283 2 жыл бұрын
3
@jhowiesalvado1205
@jhowiesalvado1205 6 жыл бұрын
Paano naman po ang pag aapply sa foliar fertilizer Sa tamang oras?
@clengawaao9244
@clengawaao9244 4 жыл бұрын
j k9
@christlecantera6932
@christlecantera6932 3 жыл бұрын
Shout out po Kay camryn Ashley Alipis hehehe tas Kay Rihanna danniz Angelo Cassandra Brent Kylie hehehe lol
@danbotanas9310
@danbotanas9310 3 жыл бұрын
Did not spicify how many in one hictare...
@abionsky1
@abionsky1 3 жыл бұрын
ano ibig sabihin na pag inaasahang ani mababa? at inaasahang ani mataas? di ko po magets?
@charlesdevour
@charlesdevour 3 жыл бұрын
Pag main crop malakas ang ani pag 2nd crop maliit na
@jhiankilat1923
@jhiankilat1923 8 жыл бұрын
AnG GaLeNg😏😏 HaHaHa.... MaTuTo KaReN PaLa DiTsU😎😎
@adrianjaycontadan1048
@adrianjaycontadan1048 5 жыл бұрын
f
@mindfreak001009
@mindfreak001009 2 жыл бұрын
the words --> KUNG MABABA ANG INAASAHANG ANI.. confused me sooooo much!!! who's farmer or farmers want or expect low rice yield..
@RryHershOfficial
@RryHershOfficial Жыл бұрын
Same
@ednalaud4517
@ednalaud4517 10 ай бұрын
Hhàahaa
@jameskangeti2827
@jameskangeti2827 Жыл бұрын
Use english to interpret
@ednalaud4517
@ednalaud4517 10 ай бұрын
Aabonohan mo yn? Mhihinog na bunga...
1. Important Nutrients: Tales of Ryza -- The ABCs of proper nutrition for rice plants
12:08
International Rice Research Institute
Рет қаралды 89 М.
3. Pag-abono sa Panahon ng Pagsusuwi at Paglilihi: Ang mga Kwento ni Ryza
10:47
International Rice Research Institute
Рет қаралды 366 М.
WHO LAUGHS LAST LAUGHS BEST 😎 #comedy
00:18
HaHaWhat
Рет қаралды 23 МЛН
One moment can change your life ✨🔄
00:32
A4
Рет қаралды 30 МЛН
Best father #shorts by Secret Vlog
00:18
Secret Vlog
Рет қаралды 22 МЛН
ПРОВЕРИЛ АРБУЗЫ #shorts
00:34
Паша Осадчий
Рет қаралды 6 МЛН
Kapuso Mo, Jessica Soho: Walang aayaw sa Apayao!
19:12
GMA Public Affairs
Рет қаралды 10 МЛН
Araw ng magsasaka sa IRRI: Mga iba't ibang problema ng lupa (zinc deficiency & salinity in rice)
14:05
International Rice Research Institute
Рет қаралды 54 М.
Kapuso Mo, Jessica Soho: Sa paraiso ng Guimaras
9:01
GMA Public Affairs
Рет қаралды 2,8 МЛН
Rice Farming: Complete Guide from Seeds to Harvest
6:24
Agribusiness How It Works
Рет қаралды 830 М.
I-Witness: 'Pag-asa sa Pagbasa,' dokumentaryo ni Kara David (full episode)
30:11
Lemon Water and Calamansi Juice: by Doc Willie Ong
24:27
Doc Willie Ong
Рет қаралды 6 МЛН
2. Critical Growth Stages: Tales of Ryza -- The ABCs of proper nutrition for rice plants
9:19
International Rice Research Institute
Рет қаралды 71 М.
TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER
19:10
Ang Magsasakang Reporter
Рет қаралды 299 М.
WHO LAUGHS LAST LAUGHS BEST 😎 #comedy
00:18
HaHaWhat
Рет қаралды 23 МЛН