Ang ganda ng explanation napa comment ako bigla HAHA kudos!! gj
@rogernbackyard6677 Жыл бұрын
Thanks engr,,,,very informative vedio po lalo nadagdagan kaalaman ko,,,,gawa po kayo advisable na gagamitin para sa 3rd residential house and shout out po sir,,,,isa po akong construction foreman din bukod sa pag aalaga ng baboy...thanks po sir
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Cge po sa mga future discussions. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.
@niloyu1052 жыл бұрын
+30sec Ads completed keep watching and support from Al Khafji Saudi Arabia 🙏
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Much appreciated po. Maraming salamat po.
@johnmanuelm.escueta698711 ай бұрын
Thank you so much for sharing your knowledge sir
@PinoyConstruction111 ай бұрын
Salamat din po sa suporta at tiwala sa channel.
@carlomenesiscolongon61812 жыл бұрын
quality content, waiting for more videos like this, sa beam at slab naman po hehe
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat po sa pagtitiwala at suporta. Abangan po ninyo yung kasunod na content ay possibly 3 to 4 part topic about beam structural standards in residential dwellings. Currently working on part 1 - dimension and sizing.
@niloyu1052 жыл бұрын
Keep watching and support especially 15sec Ads from Al Khafji Saudi Arabia 🙏
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat po sa malaking suporta, tulong at pagtitiwala. Nawa ay magkaroon po kayo ng mas maraming pang pagpapala. Ingatan at samahan nawa po kayong lahat ng ating mga kababayan diyan po sa middle east na tumatangkilik sa lahat po ng filipino construction vloggers. Mabuhay po kayo.
@godwinjohndelacruz25652 жыл бұрын
Salamat sa infos master
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat din po sa suporta at pagtitiwala.
@joyceeguevarra9485 Жыл бұрын
God bless po ...
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Maraming salamat po sa tiwala at suporta.
@arvindale394620 күн бұрын
hello po question lang.. ano po magiging bearing kung yung poste namin ang nakadesign is 8 na 16mm vertical bars pero ang nagawa is 4 na 16mm and 4 na 12mm bars? 2 storey residential po.. sabi po kasi sa vid nyo is 6 na 16mm lang ang minimum na kailangan.. pwede po bang 4 na 16mm and 4 na 12mm? Salamat po
@niorcodenes30212 жыл бұрын
Thanks sir, nsagot na po ung Tanong q.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Sana po ay makatulong po sa inyo ang kaunting info sa mga videos ng channel. Maraming salamat din po sa suporta at tiwala.
@niorcodenes30212 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 . Aq Ang dpt magpaslmt sau. Una kac my doubt aq sa foreman sa mga senend nya na pics. Kya nagtanong tnong aq qng ano b tlga Ang standard. Dhil say sau sir nasagot ung Tanong. Ngayon po ay WLA n aqng Duda. Paano Kya Kta sir mpslmtan?
@kuyakambo23277 ай бұрын
Sir Wala kayong lecture regarding lap splice length sa beam?
@PinoyConstruction17 ай бұрын
Hello po sa inyo. Paki check po ninyo yung Part ng Structural Standards sa Biga ng Bahay Part 3. Ang splicing po sa beam ay similar sa column. Maiiba lang po ang location.
@stevendy24436 ай бұрын
Sir paanu po kung ang lapping ng lahat vertical bars at nasa part na ng biga? Anu pwede gawin para maging safe sya?
@PinoyConstruction16 ай бұрын
Hello po sa inyo. Hindi po pinapractice ang paglalap-splicing ng column verticals sa beam-column joint. Ito po ay common na naka-specify sa general construction notes ng structural plans. Maiiwasan ito kung accounted ang staggered location ng splicing sa rebar cutting schedule na ginagawa at sinusupervise ng engineer. Hindi ko po masasabi kung ano ang pwedeng remedyo kung sakaling ang spliced vertical bars ay pumatak sa beams dahil hindi ko po nakikita ang overall condition ng structure. It is recommended na i-consult po ninyo ito sa engineer particularly sa structural engineer. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.
@ralphkatsidis8338 Жыл бұрын
Hello engr. ano ang standard na haba nang splice o idudogtong na rebars pag sa poste? 1 meter ba?
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Mayroon po itong sinusunod na formula base sa structural code. Sa construction practice ay 40 times the size or diameter of the rebar or 40db. Iba-iba po ang magiging haba nito batay sa laki ng bakal. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.
@riodenzb.olimberio4568 Жыл бұрын
Pwede po ba sa lahat ng column ng 1st floor sa 2 storey residential building mag 100% splicing? Or pwede more than 50%?
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Ang practice po ay hindi lahat ng column sa first floor ay may rebar splicing. As much as possible 50% ng total number of columns lang ang pwedeng magsplice at ginagawa po ito in staggered pattern and chosen at column na less critical ang load. In terms of rebar splicing, i-limit po ninyo sa 50% din ang dami ng bakal na my dugtongan per column. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.
@markgregorycafugauan0223 Жыл бұрын
Tanong ko lang po, ilang meters po ang pagitan or layo ng bawat poste?
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Sa residential dweillings, common po ay less 4.00m.
@gnidnoeled7862 жыл бұрын
Kung sa middle H/2 po ng column pinapayagan ang splice location, saan naman po ang construction joint?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po. Ang construction joint ng column observed in practice ay usually located sa top surface ng slab or floor level (at the start of the column) at sa underside ng beam (within the H/4 of unbraced column height).
@gnidnoeled7862 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 Salamat po sa inyong tugon. Ano po kaya ang technical reason kung bakit po pinapayagan sa underside ng beam o within H/4 ang construction joint kung babasihan natin ang moment at shear values?
@gnidnoeled7862 жыл бұрын
. . . Kung bakit di po pinapayagan sa gitna ng clear height ng column ay dahil po ba sa buckling?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po ulit sa inyo. Sa pagkaalam ko po wala pong code requirements sa NSCP kung saan sa column dapat na maglagay ng construction joints. Paki correct ako kung mali po. Ang alam ko ay sa American Concrete Institute (ACI) na adopted ng ating Structural Code. Mayroon binabanggit na certain provisions about construction joints in general especially sa beams, girders, and slabs. Pero wala din po ako natatandaan na mayroon binanggit tungkol sa column. Paki correct din po ako kung mayroon. Old version po kasi ang copy ko ng ACI 318M which is of 2011. I am not sure kung mayroon ng code requirements na ngayon. But anyways, hindi natin pwede sabihin ang salitang “pinapayagan” o “hindi pinapayagan” dahil wala po tayong maisa-cite na code provision. But instead ito ay batay sa general accepted practice ng engineering at construction. Kaya ang salitang ginamit ko sa sagot ko doon sa unang tanong po ninyo ay “observed in practice”. Sasagutin ko ang tanong ninyo in two different approaches. Una po ay batay sa construction methodologies. Ang construction joint sa column at floor slab surface level ay hindi maa-avoid dahil sa limitations ng construction methods and techniques at our disposal. At a certain point of our concreting work, kailangan natin mag-pause dahil hindi naman natin pwedeng gawing ang tuloy-tuloy ang buhos. But with the help of modern technology, possible na ito ngayon sa pamamagitan ng slip forming system. Sa mga high-rise concrete structures, applicable ito pero impractical na gamitin sa low-rise gaya ng residential dwellings. Kaya for constructability and convenient purposes, mas advantageous na piliin ang location na ito. Ang construction joint naman within H/4 sa underside ng beam ay chosen in order to cast concrete monolithically sa beam-column connection na significantly related sa pagkakaroon ng increased rigidity ng structural framing systems. On the technical side, ang location ng construction joints ay pinipili kung saan lowest ang shear stress. Kung beam ang pag-uusapan, ito ay located within the middle L/3 ng beam span. Dahil ang shear ay mababa as you to midspan. According po ito sa ACI. Mayroon naging study na ginawa in the past na natuklasan na ang construction joint ay nag-iintroduce ng weak point at nagpapaba sa shear strength ng isang structural member pero hindi ang flexural strength. At sa beam, primary stresses ang flexural at shear. Pero kung column ang pag-uusapan, ang shear ay hindi ang siyang nag-gogovern. Ang column ay isang structural member na ideally under pure compression or bending, and in reality ay subject sa combined loading of compression and flexure. Sa column interaction diagram ay makikita at ma-oobserved mo ito. Kung pipili ng location ng joint sa column, it is an advantage to choose kung saan maximum ang compressive stress. Ito kasi ay nagpeprevent ng “lateral slip” or shear sa column, although gaya ng nabanggit na ay hindi ang siyang nag-gogovern. Ang maximum compressive stress sa column in a certain floor ay located at the floor slab surface level. Pero kung tutuusin, anywhere sa column can be chosen to place a construction joint dahil hindi critical ang shear dito. It is just a matter of ease of construction and convenience. Paumanhin po sa mahabang sagot. Sana po ay nakatulong sa inyo ang kaalamang ito. Maraming salamat po sa support at tiwala sa ating channel.
@gnidnoeled7862 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 Marami pong salamat sa paliwanag niyo. May pagsang-ayon po ako sa sinabi niyo na kung tutuusin ay pwedeng kahit saan ang CJ sa column dahil di critical ang shear dito. Sa aking karanasan sa field, may ginawa kaming CJ sa level ng slab, ilalim ng beam. May nagsasabi rin naman na pwede daw sa middle ng column dahil kadalasan daw ay zero ang moment dito at di naman nga critical ang shear sa column kaya pwede rin, kaya lang po paano naman kung ikonsidera ang buckling dito. Sa palagay ko ang praktikal na CJ ay yung unang dalawang nabanggit. Inuulit ko po ang aking pasasalamat sa inyo. 🙏🙏
@prodesign89282 жыл бұрын
Pwede Po b sir na welded Ang splice Basta weldable Po Ang rebar?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. To give you a straight answer to the question, opo allowed ang welded splicing as long as weldable ang rebar. Pinapayagan po ito ng structural code on certain requirements na dapat masunod. But still, I would not advise or recommend welded splicing especially sa rebar ng residential structures dahil una sa lahat, ito ay hindi economical, magrerequire ng skilled labor para ito ay gawin, at possibility of metallurgical issues kahit weldable na ang bakal. Sana po nakapagbigay po sa ito sa inyo ng kahit kaunting kaalaman. Maraming salamat po sa suporta sa channel at pagtitiwala.
@rudybarrios1489 Жыл бұрын
More videos
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Makatulong po nawa sa inyo ang kaunting kaalamang ito.
@louki5953 Жыл бұрын
Sir I'm sorry I didn't get the 40 bar diameter.
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
40 times bar diameter po ang pratical na ginagamit na length for tension lap splice kaysa sa gumamit ng formula from NSCP. Conservative na po yan. Halimbawa, ang size ng rebar na i-splice ay 12mm na usually ginagamit na flexural bars sa beam ng residential houses. Ang lap length ng splicing will be: Lap length = 40db = 40(12) = 480mm. Sana po ay makatulong sa inyo. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.
@louki5953 Жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 ayun. Maraming salamat po.
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Wala pong anuman. Tanong lang po ulit. Loobin po sa abot ng makakaya ay makapagbigay po sa inyo ng sagot. Laging nakahanda po para magbahagi ng kahit kaunting kaalaman sa civil engineering at construction para sa lahat ng Pinoy. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa ating channel.
@louki59532 ай бұрын
@@PinoyConstruction1 hello sir! after a year Im back into this video again. every time I have doubts in construction dito talaga ako pumupunta to check if what I was doing in actual is right. hehehe thank you talaga. by the way sir, dito po banda 7:20 ang h/2 po ba is in the center of ld/600mm? bali from h/2 is offset ka ng ld/2 or 300mm up and down then start splicing. thanks sir!