I am engineering grad. And napakahina ko sa RCD, of all the subjects. Videos like these gives me hope na makahabol sa mga batchmates kong napagiwanan ako ng knowledge sa RCD, for that I thankyou very much. Please continue to do videos like this. Thankyou
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat po sa pagtitiwala.
@3ngraning2425 Жыл бұрын
very informative,thank you for always, nalilito pa naman ako sa ibang topic ng NSCP but you explained well, so its a big help.
@angelotan87862 жыл бұрын
Salamat po engineer :) Sana po load transfer ng various position ng columns sa sunod thanks
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat po sa pagtitiwala.
@niloyu1052 жыл бұрын
Keep watching and support especially Ads from Al Khafji Saudi Arabia 🙏
@aljelynevardone34132 жыл бұрын
Very informative sir. God Bless po
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat po sa pagtitiwala.
@niloyu1052 жыл бұрын
Keep watching and support especially 40sec. Ads from Al Khafji Saudi Arabia 🙏🙏🙏
@dinomarquez-nb4rd4 ай бұрын
ok lang po ba na 250x250cm ang Column sir? sqaure type hndi sya rectangular for Bungalow single storey po? thanks
@Cathleen0252 ай бұрын
Hi. Can i ask what is the regulation for beams in a single story residential structure? I was told it was 16mm for beams because of earthquakes. My house was built with 12 mm only. Thank You.
@nicekachoi2 жыл бұрын
250mm po minimum sa poste for SMF structures, mostly SMF tayo dito sa pinas since zone 4 tayo in earthquake except tawi2/palawan areas
@otse33292 жыл бұрын
Ano po yong SMF structure?
@nicekachoi2 жыл бұрын
@@otse3329 Special Moment-Resisting Frames
@otse33292 жыл бұрын
@@nicekachoi so pano po yong iba naglalagay ng stiffener column yong flat lng sa walling? Di pwd yun?
@nicekachoi2 жыл бұрын
@@otse3329 not sure ako sa stiffener column. Check niyo na lang po sa nscp. Andun po mga limitation in designing.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
@@otse3329 Hello po sa inyo. Ang stiffener column po ay iba in a certain way sa structural column. Sa pagkaalam ko po, ang function ng stiffener column is to provide an added stiffness and stability to control buckling o pagbingkong ng chb wall. Naglalagay nito kung maxadong malayo ang agwat o clear distance ng structural columns more than 3 m. Unlike structural column, ang design approach ng stiffener column is not to assign or carry compressive load transferred from beams. Kaya maaaring mas maliit pa sa 200mm ang smallest dimension ng cross-section dahil karaniwan ang vertical bars ay arranged in a single-line only and supported by a cross tie (c-shaped bar) na pinaka-anilyo. Masusunod pa rin ang structural provisions gaya ng concrete covering na requirement sa ating code.
@engineercyborg Жыл бұрын
thanks!
@voyager19802 жыл бұрын
Nice......
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Salamat bro.
@rjmushroom53392 жыл бұрын
Salamat sir sa pagbabahagi
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Maraming salamat din po sa pagtitiwala.
@yamahamt1534 Жыл бұрын
Ang dami kung natutunan sir salamat sir...Sir matanong ko lng po ano po dapat size ng poste ng bakod or oerimeter fence ng bahay ,kung square or rectangular column...Salamat sa pagsagot sir😊😊😊
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Depende po ito sa taas, at kung anong klaseng materials ang gagamitin kung lahat ba ay chb, wire mesh or combination. Pero ang recommendation ko ay huwag na bababa pa sa 200mm x 300mm.
@yamahamt1534 Жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 Bale CHB sir,kung square column gamitin ko sir cross sectional dimension 250mm x 250mm pasok po ba sya sa standard ...Salamat sa pagsagot sir 🙂
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po ulit. Opo ok po yung 250mm x 250mm na square column size. Mas malaki po ang area nito ng kaunti sa 200mm x 300mm na naunang nabanggit.
@yamahamt1534 Жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 salamat sa walang sawang pagsagot sa mga katanungan ko sir..👍
@yamahamt1534 Жыл бұрын
Sir may isa pa po akong tanong regrding sa bungalow house kung ang sukat nya po ay 9m length x 7 meters ang front.Tapos may 12 na poste mas matibay ba lahat ng poste may roof beam pati sa gitna na mga poste my mga beam...,cross beam ba tawag nun sir?
@dinomarquez-nb4rd4 ай бұрын
Hello po, tanong ko lang po, ang design po ng poste po ay 250x250cm pero ung distance ng 2 column is nasa 4.75m at ung 2nd is 4.25 cm , delikado na po ba? kasi lumagpas na po sa 4M ? salamat po, sana masagot. Single storey Bungalow house lang po, nasa 6.5x9meters ung floorplan
@poseidon3741 Жыл бұрын
Good day po, Engr. pahingi ng quick advice. magpagawa ako ng bahay sa sukat na 24x34 ft. (one storey) ang plano ko is tubular roof framing shed type (minimalist house, box type) ang roof is corrugated sheet (oldskul) tas ang wall framing is a combination of tubular, metal stud, furring. tapos ang mga wall is plywood or Ficem board (doubled wall) kailangan ko ba ng foundations, concrete columns, concrete beams, tie beams or wall footing? sana masagot mo po. Maraming salamat in advance. GodBU.
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Maganda ang style ng minimalist houses. Modern. Pareho po tayo ng taste sa architectural design. Pero gusto ko po na mabigyan kayo ng ilang bagay to help you in the planning process. Ang ganitong mga style ng bahay ay suitable sa mga areas na hindi mabagyo at maulan. Ang shed roof ay tungkabin ng malakas na hangin sa panahon ng bagyo lalo na kung malaki ang overhang ng roof eaves. Ang relatively flat roof naman ay karaniwang nagkakaroon ng problema sa ulan lalo na kung ang tubig ay inihahampas ng hangin sa bubong kung hindi long span ang corrugated sheet. Maaari ding tambayan ng tubig ulan kung hindi maayos ang pagkakagawa lalo na kung may lundo sanhi ng pag-apak ng mga gumawa ng bubong. Ang option sa wall at framing system ay ganun din. Maaaring tumagal ito ng kaunti pero dahil sa mabagyo sa atin, hihina ang overall intergrity ng ganitong structure pagkatapos ng ilan bagyo. Sa civil engineering, ang materials ay maaaring magfail dahil sa repeated loading. Ang tawag dito ay failure due to fatigue. Ang bahay ay considered na isang investment na maaaring ito na ang una at huling bahay na maipapatayo ng isang tao in a lifetime. Kaya dapat masigurado na ito ay tatagal. Kakailanganin pa rin ang reinforced concrete foundation para sa column at wall. Kung ang option ay gumamit ng square/rectangular tubular steel bilang poste, kailangan pa rin ang foundation. Ganun din naman sa wall. Pero ang recommendation ko ay ang conventional construction option na reinforced concrete sa footing, column at beams, at concrete hollow block (chb) wall. Kakailanganin ang tie beams kung magiging slender at masyadong mahaba ang columns. Sana po ay makatulong sa inyo ito. Good luck po sa inyong house project. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa ating channel.
@poseidon3741 Жыл бұрын
Wow quick advice lang hiningi ko tas long advices at suggestion ang binigay mo po parang nabusog ako sa information. Parang gusto ko na mag.umpisa mag shopping ng mga materials. Maraming salamat po Engr. at God bless sa inyo at sa buong familia mo.
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Maraming salamat din sa tiwala at suporta sa ating channel. Nawa ay nakapaglingkod po sa inyo kahit sa isang maliit na paraan.
@poseidon3741 Жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 you are welcome po.
@joeydarauay3830 Жыл бұрын
Bos Tanong ko lang pwd second floor ang 3meter by4 meter. Na apat lang ang poste...ang size Ng poste 30/30 cm...slab ang bobong Ng second floor
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Hindi po malinaw sa akin ang tanong po ninyo. Kung pwede ba ang 3m x 4m na laki ng area para sa dalawang palapag o 3m x 4m na area para sa ika-2 palapag? Kung 2 palapag, recomend ko po sa inyo ay 25cm x 40cm. Maliit po ng kaunti ang sectional area ng 30cm x 30cm (which is equal to 900 sq.cm) compare sa 25cm x 40cm (which is equal to 1000 sq.cm). Kung para naman sa ika-2 palapag, pwedeng pwede na po ang 30cm x 30cm na size ng poste.
@TheCuella318 ай бұрын
Hello po, ask ko lang po sana bungalow po na nakaready lang po sana ang foundation hanggang 3rd floor, 8mx6m po, ilang columns po kaya at anong size ng columns at rebar, salamat po
@PinoyConstruction18 ай бұрын
Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Hindi po agad natin masasabi kung ilang poste at anong size kung magbabatay lang po sa laki ng ng floor area ng residential dwelling. Ang size at dami ng columns ay dependent sa ilang mga factors gaya na lang ng overall configuration ng structure. Matutukoy po ang talagang sukat nito sa pamamagitan ng structural design lalo na sa 3 storey. Maraming salamat po sa tiwala suporta sa channel.
@kevsh49972 жыл бұрын
Let's say bungalow house po to. Paano naman po kung nasa loob yung column tas yung wall ay gumamit ng 4" chb? Pwede po ba baguhin kunti yung recommended size ng column or 350mm by 200mm pa rin dapat?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Magandang araw po sa inyo. Recommended size lang po yung 200mm x 350mm sa bungalow house. Pwede pong mas mababa pa 350mm pero hindi po pwede na mas mababa pa sa 200mm yung isang dimension column. Hindi po kayo makakasunod sa mga provisions na nakaset sa structural code gaya ng concrete covering na isa sa mga critical na requirements. In terms of structural analysis, ang column na nasa loob o yung tinatawag na interior columns ay mas malaki po ang load, transferred mula sa biga o slab compared sa mga corner or exterior columns. Tip ko lang po sa inyo, mas maganda po na mag-aasign ng mas malaking section ng poste gaya po ng recommended size sa video upang makapaglagay tayo ng safe allowance sa load capacity ng column. Aside po kasi sa impact ng bagyo at lindol, kino-consider din po ang ibang factors sa structural design gaya ng degree of workmanship ng taong magko-construct at strength quality ng materials na ikakabit. Ang mga ito po ay may significant effect po sa overall quality ng structure na itatayo. Sana po ay makatulong ito sa inyong projects. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala.
@kevsh49972 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 Thank you po sa reply. I appreciate it po! Makakatulong po to sa ginagawa kong foundation plan😁. First year pa po civil engineering student. Thank you! God Bless po!
@jessiogardo7913 Жыл бұрын
Engr. 9metersx5meters po 6 na poste..4 to 5 meters po ung distance ng column to column..ano po kaya mga size mga poste at biga? At ano pong bakal ang dapat gamitin? Galeng nio po magpaliwanag sa mga comments nio..engr..!
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po ulit. Ilang palapag po ito?
@niorcodenes30212 жыл бұрын
Gud day sir, Tanong q lng qng anong size Ng rebar, ilang piraso at anong dimension Ng poste sa two story house. Thanks
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. Recommeded po sa two-storey ang 6 na diameter 16mm rebar size na vetical bars at diameter 10mm na anilyo para po sa 250mm x 400mm column dimension. Kung gusto po ninyo ng more details regarding sa size ng bakal para sa poste, check po ninyo ang part 2 at 3 ng videong ito. Maraming salamat po sa pagtitiwala at good luck po sa inyong project. Part 2 - kzbin.info/www/bejne/r5yvfYCwnLljkKM Part 3 - kzbin.info/www/bejne/nX_diK2EZtmge9U
@niorcodenes30212 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 slmt po...
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Wala pong anuman.👍
@Unknown-qu9hx11 ай бұрын
Engr meron po ba tayo minimum na concrete strength (psi) sa column for 2 story residential? Maramin salamat po
@PinoyConstruction111 ай бұрын
Hello po sa inyo. Sa karanasan ko ay may nakita akong mga plano ng isang school facility na approved ng dpwh na 3000 psi sa footing, column, beam and slab. School facitlity pa yun pero 3000psi pwede na. Ang mga school, hospital at goverment offices ay may mataas na importance factor compared sa residential dwellings kaya ang design ng mga ito ay mas matibay. Ang minimum naman stated by our structural code ay 17 MPa (almost 2500 psi). Ito ay makikita sa Section 419.2.1.1 ng NSCP 2015. Ang recommendation ko naman ay 4000 psi dahil malalakas na ang bagyo at lindol ngayon. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.
@Unknown-qu9hx11 ай бұрын
@@PinoyConstruction1 salamat po engr.
@yourtestedtrustedelectrici72016 ай бұрын
Ano po standard na bilang Ng rebars for 3 storey building?
@PinoyConstruction16 ай бұрын
Hello po sa inyo. Wala pong standard na nagsasabi kung ilan ang bakal na dapat ilagay sa isang particular na multi-storey building. Depende kasi ito hindi sa kung ilang grado kundi sa ilang factors tulad halimbawa ng overall configuration ng structure. Malalaman lang ito sa pamamagitan ng design.
@teamfamories34952 жыл бұрын
Very informative sir, thanks po. Ask ko po sana if pwde 6 meters ang column to column distance. Due to limited space plan ko po na gawing parking lot ang ilalim ng building. Tks sir
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. Opo pwedeng pwede po ang 6m clear distance ng column. Lalakihan lang ang size ng beam at ng column. I would recommend na padesign nyo po sa engineer para safe ang maging size base sa inyong actual situation. Maraming salamat po sa pagtitiwala at good luck po sa inyong project.
@teamfamories34952 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 maraming salamat po sa response nyo.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Walang anuman. Tanong lang po ulit at sa abot po ng makakaya ay makapagbigay po sa inyo ng kaunting kaalaman. Maraming salamat po.
@edilbertomalgapo86332 жыл бұрын
Sir need po bang maglagay ng poste sa gagawing toilet na may dimention na 1.3 x 1.8 meter? Separate po yun toilet sa bahay. Idea po kasi nun foreman ay hollow blocks lang.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. I would recommend na magpalagay po kayo ng stiffener column kahit nakadikit pa rin sa bahay ay toilet. Iba po ang stiffener column sa mismong structural column column. Naisip ko po na i-topic ito sa channel.
@jessiogardo7913 Жыл бұрын
Engr..renovation po for 2 storey..safe po ba na malapit sa column footing ung septic tank?. Kc po ipinasok sa luob ng bahay ung septic tank.. as in sobrang lapit po ng Sseptic tank sa poste sa two storey...ano po ba ang possible n solusyon??
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Sa opinion ko po ay ang septic tank ay dapat na labas. Kasi po para kung in case na magpapa-siphon po kayo, hindi po ipapasok yung hose sa loob ng bahay. Mas maiman na malayo po ito sa mga poste kung maaari. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.
@rollieramirez24152 жыл бұрын
sir paano po pagmalapit sa national high way at magpapatayo ng bahay gaano ba kalayo sukat mula sa gitna ng daan ilan sukat nya?baka po maka hingi ng idea?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Magandang araw po sa inyo. Sa pagkaalam ko po ay hindi po ginagamit na reference guide ang centerline ng daan o gitna ng daan. Hindi lang po ako sure kung ilan ang minimum na binabanggit sa National Building Code kasi po marami itong provisions depende sa situation at condition. Mas maganda po na makapagtanong po kayo sa city or municipality engineer's office na nakakasakop po sa inyong lugar para po mas makisiguro po kayo. Sila po kasi ang mag-aassess kung ilan po ang dapat na maging layo po ng bahay mula sa front boundary line ng inyong property lot (tinatawag na setback) na adjacent po sa kalsada, batay po sa zoning at occupancy ng inyong ipapatayong bahay. Pero kung idea lang po ang hinihingi ninyo, ang karaniwan po batay na sa karanasan ko ay 3.00 meters minimum ang layo ng front wall ng residential house structure from the front boundary line ng inyong lote which is in the National Building Code. Pero may nakikita din naman ako na 2.00 meters lang, pinapayagan na. Kaya depende po ito sa mag-aassess. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Good luck po sa inyong house project.
@rollieramirez24152 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 salamat po!
@Opetuss5 ай бұрын
Sir ilang standard na posta ang dapat ilagay sa size na 5x7 35 SQM? Salamat po sa sagot.
@PinoyConstruction15 ай бұрын
Hello po sa inyo. Hindi po natin masasabi kung ilan dahil hindi po dependent sa laki ng floor area ang dami ng poste kundi dependent ito sa overall architectural at structural configuration ng structure. As a guide, ang recommended ay magkaroon ng poste na ang center to center span distance ay hindi hihigit sa 4.00 m. The lesser the span distance the better. Maraming salamat sa tiwala at suporta sa channel.
@cefiles6411 Жыл бұрын
Engr, ask lang po if pwedeng gumamit ng 0.15x0.40 na column for 2 storey residential? Or pwede din po ba na 0.20x0.40? Ano pong mas better sa dalawa if di susundin yung recommended size ng column na 0.25x0.40?
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Straight answer po sa tanong kung pwede po na gumamit ng 0.15m X 0.40m na column cross-sectional dimension para sa column ng two-storey residential ay hindi po pwede. Masyado pong maliit ito at maraming magiging paglabag sa structural code kagaya na lang sa clear spacing ng vertical bars ng column at anchorage (development length of straight or hook bars) ng beam main bars sa poste. I would recommend na sa first floor ay magkaroon ng 0.25m X 0.40m na column cross-sectional size at pagdating sa second floor ay 0.20m X 0.35m. Huwag po kayong magbawas sa laki ng poste dahil napakahalagang member ito lalo na vertical structure po ang itatayo. Ang poste ay ang "legs" ng bahay na kapag ito ay nayanig ng kahit mahinang lindol at mabali, matutumba ang buong bahay.
@cefiles6411 Жыл бұрын
Thank you po.
@Unleashed14 Жыл бұрын
Hi engr. new subscriber here. Matanong ko lng po sir if magpapatayu po ako ng bahay 64 sqm bali 8x8. Tapos 9 po lahat poste. Ano po yung height ng columns po sir at size? Salamat po sir sana ma notice godbless
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Ito ay naging paksa sa ating mga videos. Paki check po ninyo ang mga videos sa channel. Maraming salamat po sa suporta at tiwala. Pauamanhin po sa late response.
@ArnulfoGalvan-h1g4 ай бұрын
Sir ok lang ba Ang distance ng poste sa 2 storey na bahay ay 5 meters? Yng bedroom ay 5meters x 5meters
@PinoyConstruction14 ай бұрын
Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Pwede naman po. Take note lang po ninyo na kapag ang distance ng mga poste ay humigit sa 4m, yung recommended sectional dimension ng poste at beam pati na yung rebar details ay maaaring magbabago o maiba. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.
@samyan9892 жыл бұрын
Sir tanong ko lng kung pwede ang 4 na 16mm sa column sa bahay na 10x15 meter
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. Ang sukat at dami ng bakal sa poste, biga at pundasyon ay hindi po sa ibinabase sa laki po ng bahay. May ilang factors po gaya ng overall structural framing ng bahay, loading conditions, material properties, etc. Kung sa poste po ang inyong katanungan, pwedeng pwede po ang 4 na 16mm sa bungalow o single storey residential basta husto po ang sukat at dami ng poste. Kung para sa 2 palapag, I would recommend na minimum of 6 na 16mm. Sana po ay nasagot po ang inyong katanungan. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala.
@samyan9892 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 salamat sa sagot sir. Dagdag katanungan lng po kung sa bungalow n bahay ano po ang marecommend nyo na bakal sa beam at ilan ang maximum na distance ng poste
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Walang pong anuman. Diameter 12 mm deformed round bar ang recommended minimum para sa beam sa bungalow/single-storey residential. Ang maximum na agwat ay nililimit sa 4.00 m na center-to-center span distance ng mga poste.
@cabahuggerlie84792 жыл бұрын
Sir tanong lng po Kong ang I pagawa n bahay 40 by 50 ilang posted po yn sir slamat po keep watching from bohol
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. I assume na 40 ft × 50 ft po yun sukat na tinatanong nyo. Ang dami po ng poste ay depende sa architectural design ng bahay at kung ilang palapag. Karaniwan ay on every 10 ft to 13 ft po ang agwat ng poste for a good strutural and economical residential dwelling. Maraming salamat po sa pagtitiwala at good luck po sa inyong project.
@cabahuggerlie84792 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1maraming slamat po sir sa reply
@christianconsunji981 Жыл бұрын
sir tanong lang po, pwede na po ba un size ng column sa 3 storey is 250 x 400? or any recomendation po
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Maliit po ang column size na 250mm x 400mm para sa 3-storey residential. Ang pagpili ng size ay nakadepende po sa overall architectural design, structural framing at iba pang conditions na dapat isaalang-alang katulad halimbawa ng degree of workmanship, at construction methodologies. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng design. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.
@otse33292 жыл бұрын
Ano po ibig sabihin ng Unlimiting unbraced height? Ito ba yong height from footing to beam?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Magandang araw po sa inyo. Limiting unbraced height po. Ito po yung clear height ng poste na walang lateral bracing. Commonly sa first floor, ang unbraced height po ay from the top of the footing to the underside of floor/roof beam. Kung meron ilalagay na footing tie beam, ang unbraced height po ay from the top of footing tie beam to the underside of the floor/roof beam. Sa upper floors, ang unbraced height po ay from the top of floor beam to the succeeding floor/roof beam.
@songsandmelodies2.0202 жыл бұрын
Sir, sana po mapansin mo po itong comment ko may bahay po akong ipapagawa 6x6 ang sukat niya 9 po lahat ng poste pati sa gitna ang tanong ko po ok lang ba gumamit ng 6 na 12mm sa posti niya naka slab po pala yung plan ko sir slab lang po walang room sa taas ..maraming salamat po
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. Kung single storey/bungalow house ang ipapatayo po ninyo, ang recommended po ay 6 na 12mm na verticar bars para sa poste. If may time po kayo, check ninyo po yung "Ang Structural Standards sa Poste ng Bahay Part 2 - Reinforcing Bars". Baka po makatulong sa inyo ang videong ito. Maraming salamat po sa pagtitiwala. Good luck po sa inyong housing project. kzbin.info/www/bejne/r5yvfYCwnLljkKM
@68drsixtoave.662 жыл бұрын
pwede po bang 4.5 meters po ang distance ng bawat poste, kung 12"x10" ang sukat ng poste? at 13 feet po ang height po Mula flooring hangang ceiling? 16mm at 10 po Ang combination ng bakal, sir.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. May ilang bagay po ako na gustong sabihin: 1. Usually po sa structural design ay nililimit po ang column intervals to a max imum 4m. Pwede naman ang 4.5m pero maaaring lumaki po ang biga at poste o dumami ang bilang ng bakal. 2. Ok po yung size na 12"x10". 3. Ok po yung rebar size na 16mm vertical bars at 10mm anilyo. 4. Tanong bilang paglilinaw. Yung 13 feet (3.96m) po na mula flooring hanggang ceiling ay napakataas na clearance. Ano po ito loft type na style ng bahay na may upper level?
@68drsixtoave.662 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 magandang hapon po. 2 storey house po. Ano pong size ang pwede nyong i-recommend na size ng column at beam sa 4.5 meters na distance ng mga poste, sir?? At height po from flooring to ceiling, sir. Marami pong Salamat
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. I would recommend sa two storey residential ang mga sumusunod: 1. Size ng column: 250mm X 400mm 2. Size ng 2nd floor beam: 200mm X 400mm 3. Size ng roof beam: 200mm X 350mm 4. Floor to ceiling clearance: 2.70m ( accoording to National Building Code) From experience, ang floor to ceiling clearance ay ina-allow na mas mababa sa minimum required ng code ng mga building officials (around 2.50m) depende sa ilang factors gaya halimbawa kung ang isang habitable room ay may sufficient air space at ventilation. Sila po ang mag-eevaluate at mag-aapprove kung ano ang nararapat na floor to ceiling clearance sa plano ng inyong bahay. But I would still recommend na 2.70m. 5. Common maximum span distance ng mga poste ay less than 4.00m. Kung hihigit po dito ay maaaring mag-increase ang size ng column at beam na matutukoy lamang sa pamamagitan proper design calculation depende po sa architectural aspect at structural framework ng design.
@68drsixtoave.662 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 salamat po
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Wala pong anuman.
@engrjade34812 жыл бұрын
Sa architectural po ayaw nila ng may nosing. Pano po un.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po sa inyo. Paumanhin po pero straight answer ang ibibigay ko. Huwag ninyo pirmahan ang structural kung sasabihin nila na i-reduce ang thickness down to chb wall just to eliminate column nosing. Although ang minimum column width ay hindi explicitly stated sa structural code, hindi naman nagkulang ang code provisions para ma-determine ito na kagaya ng binanggit sa video. Don't get me wrong. I must say na maganda talaga tingnan ang walang column nosing sa wall. Kaya lang, I must say as well based from my experience na hindi naman kasi after ang karamihan ng architectural designers sa pag-aadhere sa structural requirements prescribe by the code. Mostly aesthetics ang concern nila. Understandable naman dahil kaunti lang ang background nila sa study of structural analysis and failure mechanisms. Pardon me but I think I am oblige to say this. Ang Structural Code (NSCP) ay bahagi ng National Building Code of the Philippines. As far as my understanding is concern, kapag sinabi na code, ang ibig sabihin ay batas. It is the LAW. Kagaya po ng sa Civil Code, Criminal Code, Family Code, Election Code, etc. Dapat po itong sundin at i-implement. Ang architectural constraints kagaya ng pagrereduce ng minimum dimensions just to satisfy what is pleasing to the eye, ay common issue sa isang project lalo na sa commercial and residential structures. Mas nagiging priority na nowadays ang aesthetics over safety and performance. Kaya karamihan sa mga ito sa ating panahon ay severely damaged in times of calamity like earthquake and strong typhoons. Try mo i-observe ito. Just a comparison. Karamihan ng mga vertical structures na nagko-collapse in a severe manner during an earthquake ay commercial at residential dwellings compared to hospitals, government halls and school faciities. Although maaaring reason nito ay ang importance factor sa design that corresponds to the type of occupancy. But well anyway, masasabi nating severe ang collapse dahil ang failure ng most of these structures ay column failure na ang masaklap, ay nauuwi sa overturning. Bakit po kaya? Isa sa mga nakikitang dahilan ay hindi adequate ang paglalapat ng sizing sa structural memebers like beams, columns and footings in the planning stage. And guess what. Ayaw ni architect yung malaki at nakabukol na poste dahil hindi maganda tingnan. Banggitin ko na din yung illogical way of designing the overall stability ng structural framing system. Pero huwag po sana ninyo ma-misinterpret. Hindi ko po ito sinasabi to criticize architectural designers but rather the wrong system of practice na lumalaganap. Dapat po ang civil engineer ay manindigan sa pagsunod sa structural code. Ang mga architects ay kagaya din ng mga engineers na mga collaborators for a good finish product. Paumanhin po kung napahaba po ang aking sagot. Sana po ay makatulong sa inyo ito. Maraming salamat sa inyong suporta at tiwala sa channel.
@basilmagsmusic448211 ай бұрын
Sa single storey okay lang po ba sumubra ng 5meters?
@PinoyConstruction111 ай бұрын
Pwede naman po. Pero depende ito sa overall structural orientation.
@otse33292 жыл бұрын
Ok lng ba gamitin ang republic cement sa column sir? Or ano magandang cement gamitin?
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po. Wala po ako masasabing specific brand na magandang gamitin as long as ito ay generic na portland cement. Ang common na mabibili mo sa hardware ay portland cement type general use (GU) or type 1 intended for concreting. Iba po ang masonry cement. Ito po yung ginagamit para sa palitada, asintada ng hollow blocks, pagkakabit ng tiles at iba pang masonry applications.
@otse33292 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 ah iba pala yong masonry cement? Ano po example ng masonry cement sir? Ngayun ko lng nalaman iba pala ang pang hollowblocks iba din pang biga o poste
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Ang alam ko ang mga kilalang brands nito ay yung wallmaster masonry cement na product ng republic. sa holcim brand ang alam ko meron din sila pero hindi ako sure kung ano yung exact name. Sa cemex naman ay rizal at apo. Naka-indicate lang naman po na masonry cement. Ang masonry cement po ay hindi intended para sa concreting ng structural elements gaya ng pundasyon, poste, biga at suspended slabs. Paumanhin po sa mga technical terms. May required compressive strength o yung lakas upang magdala ng bigat ng mga nasabing elements na ito na hindi maibibigay ng masonry cement. Ang masonry cement naman po ay magbibigay ng bond strength o lakas ng kapit na kailangan sa palitada at pagkakabit ng tiles lalo na sa wall. Ang common practice po sa atin kahit hanggang ngayon ay yung portland cement type 1 ay pwedeng gamitin sa masonry application pero yung masonry cement ay hindi ginagamit sa structural concrete.
@otse33292 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 maraming salamat sir napakaklaro at kompleto mong explaination
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
@@otse3329 Maraming salamat po sa pagtitiwala. Good luck po sa inyong construction project.
@jjl3776 Жыл бұрын
hello sir new subscriber here, I just want to ask... can the column size be also a standard for commercial establishments as long as the span and height clearance will not exceed the requirements?
@PinoyConstruction1 Жыл бұрын
Hello. Very good question. The answer is no. In structural building design, one important consideration that should be done first is to identify the type of occupancy of the building structure. From this, you can determine the magnitude of live load that will be applied to the floor. In our structural code, live load applied to commercial establishments like retail stores is way greater than the live load applied to residential houses. Even in two different commercial establishments the magnitude is different. Restaurant live load is lesser than that of wholesale stores. Therefore, column cross-sectional dimension will differ. I hope that small information will give you a much better understanding. Thank you for the support and trust to our channel.
@jjl3776 Жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 thank you sir!
@joncea44487 ай бұрын
Engr nasaan po yung Part 2, bakit po part 3 na agad sya?
@PinoyConstruction17 ай бұрын
Hello po sa inyo. Ito po ang link. kzbin.info/www/bejne/mZ7UhIunhKlogqMsi=1Z16L_IGxk3FdSm2
@ericputian9756 ай бұрын
Wala ayos un drawing ng column, eh 4cm lng un space distance, prsng ang laki ng distance ng concrete sa vertical rebar.
@PinoyConstruction16 ай бұрын
Hello po sa inyo. Yung 4cm na clear spacing ng vertical bars ay minimum ayon sa code. Standard po yun. Ibig sabihin pwede mas malaki pero hindi pwedeng mas maliit pa dun. Kung pagsasama-samahin ang lahat ng specified minimum na binabanggit kasama ang 4cm na minimum clear spacing, ang magiging smallest dimension ng column ay hindi dapat na bababa sa 164mm na mas malaki sa nakasanayang mali na 150mm na makikitang ginagamit ng iba sa construction. Primarily, iyon ang gustong ipakita sa videong ito. Ang recommended smallest dimension na sinasabi sa video ay 200mm as smallest dimension kaya nagmukhang malayo ang spacing ng bars. Paumanhin po sa inyo kung hindi proportion ang drawing figure as presented dahil hindi naman po ako obligado na magpakita sa inyo ng drawing na naka-scale dahil mayroon naman tayong specified measurements.
@otse33292 жыл бұрын
Bali 6pcs 10mm rebar po ba ang kailangan sa 200x350mm na sukat ng column for bungalow house? Salamat
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po ulit sa inyo. Ang tanong po ninyo ay siyang topic ng part 2 ng videong ito kasalukuyang nirerecord ko po. (",). Pero to answer your question, ang recommended size of rebar for 200mm x 350mm cross-sectional dimension ng column para sa bungalow house ay diameter 12mm. Ang dami ng bakal ay 6 bars.
@otse33292 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 grabing dami nmn sir 6 pcs 12mm. Karamihan sa nakita ko 12mm 4pcs pwd ba yon?
@otse33292 жыл бұрын
Kasi may balak ako mag extend ng kitchen na may 2x5m or 10sq.m. area sir bungalow lang e extend sa existing house n 2 storey. Pwd kaya yan 12mm 4pcs evry column, with 8x8 in column bali tatlo lahat column madagdag lahat kasi ang kabilang side e hook ko lng sa dating column ng bahay. Ok ba yan sir? Salamat
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
@@otse3329 Kung magtatapat po ako sa inyo, maliit po ang size ng poste. Lalo na kung mataas ang height nito. Magiging maxadong makitid o slender.
@otse33292 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 ok po salamat. Tanong lng sir ok lng ba gamitin ang replublic cement sa poste?
@arnellaulita464911 ай бұрын
Wlang Selba..qng anu tamang sukat ng poste artecle na snasabi
@PinoyConstruction111 ай бұрын
Mabuti po kung alam nyo ang tamang sukat ng poste.
@lovelypagcaliwagan59992 жыл бұрын
Pano po ang sizing pag 3 storey, salamat po.
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Hello po. Ang 3-storey residential ay similar din sa 2-storey. Kapag ang isang vertical structure ay tumataas na, lumalaki po ang sizing ng footing (pundasyon) at poste. Pero ang sizing ng biga at slab ay almost the same on each floor.
@lovelypagcaliwagan59992 жыл бұрын
@@PinoyConstruction1 Maraming salamat po.❤
@PinoyConstruction12 жыл бұрын
Wala pong anuman. Sana po ay makatulong po sa inyo ang kaunting kaalaman na ito.
@Cathleen0252 ай бұрын
Hi. Can i ask what is the regulation for beams in a single story residential structure? I was told it was 16mm for beams because of earthquakes. My house was built with 12 mm only. Thank You.
@nelsonfiguracion8 ай бұрын
Pwede po ba ang 9 column sa 7x10 na sukat sa bungalow house?
@PinoyConstruction18 ай бұрын
Hello po sa inyo. Pwede naman po sa 7m X 10m na sukat.