Рет қаралды 1,178
Hello Getters! Welcome back sa ating Get By Dren channel kung saan pag-uusapan natin ang mga bagong labas na sapatos at kanilang mga inspirasyon. Andito tayo ngayon sa Anta Sports SM Megamall at ngayon, i-re-review natin ang isang special release mula kay Kyrie Irving at ANTA - ang ANTA ‘Chief Hélà.’ lifestyle shoes.
"Si Kyrie Irving ay kilalang malapit sa kanyang Native American heritage. Sa kanyang Standing Rock Sioux ceremony, binigyan siya ng pangalang ‘Hélà,’ na ang ibig sabihin ay ‘Little Mountain.’ Ang pangalang ito ay madalas na ginagamit sa kanyang mga ANTA releases, at dito muling nabuhay sa kanyang lifestyle silhouette, ang ‘Chief Hélà.’"
"Ang Chief Hélà ay hindi lang basta lifestyle shoe, kundi tribute rin sa kultura at tradisyon. Isa sa mga standout features nito ay ang traditional tassels sa paligid ng collar, na inspired sa moccasin footwear. Ang rich brown suede upper ay nagbibigay ng premium na look at feel."
"May kasama rin itong removable beads para sa dagdag na flair, at ang insole ay may geometric patterns, signature sa mga ANTA releases ni Kyrie. Swak na swak para sa mga gusto ng mix ng culture at style."
"Kung nagustuhan niyo ang design ng Chief Hélà, sa halagang 7,995 pesos at available pa all sizes dito sa Anta SM Megamall.
Isa na namang sneaker na puno ng kwento at estilo. Kung gusto nyong ma-update pa sa mga ganitong releases, make sure to hit like, subscribe, at ang notification bell para hindi kayo mahuli sa mga bago nating uploads. Comment niyo rin kung pass or pick iton ANTA KAI ‘Chief Hélà lifestyle shoes. Have a good day and GOD Bless everyone.
------------------------------ New Light by LiQWYD  / liqwyd Creative Commons - Attribution 3.0 Unported - CC BY 3.0 Free Download / New Light: audiolibrary.c... Music promoted by Audio Library  • New Light - LiQWYD (No... ------------------------------