Lyrics: Panahon na ng pagbabago Dahil sa ito ay kinakailangan Tayo na magtulong-tulong Na paunlarin ang mahal nating bayan Panahon na ng pagbabago Dahil sa ito ay kinakailangan Tayo na magtulong-tulong Na paunlarin ang mahal nating bayan Panahon na ng pagbabago At iayos ang mga dapat ayusin Dapat lang maging tungkulin Ng bawat mamamayan dito sa atin Gawin ang pagbabago Patungo sa pag-asenso Magsikap na mabuti At nang guminhawa tayo Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas Panahon na ng pagbabago Tangkilikin natin ang sariling atin At tama lang na ugaliin Kaysa sa iba sa atin ang unahin Panahon na ng pagbabago At manguna sa kahit anong larangan Ang tagumpay ay karangalan lalay o ihandog natin sa bayan Ilan ulit ng napatunayan ng Pilipino Ang husay at lakas, Kagandahan at talent Handang makipagpaligsahan Kahit anong oras Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas Panahon na ng Pagbabago buhay natin ay gawing maaliwalas Marami ang magandang bukas Ang ibubunga ng Bagong Pilipinas Panahon na!