Same nalulong din ako but not with that amount. Sa part ko I lost 300k na ipon ko buong college days ko para sana sa board exam ko. Unfortunately naubos lahat during my review. Nasstress kasi ako sa review at sugal ang napaglabasan dahil sa daming promotion din sa soc med. Grabe impact neto sa buhay ko, di na ako lisensyado wala pa akong trabaho. Pero unti unti ng nakakabawi thru side hustles, but my dream of becoming an engineer yun ang nawala. Anyway, tuloy lang ang buhay. 300k para sa lesson na nagturo sakin kung pano pahalagahan ang pera at maging wais sa pag gastos dito. Habang buhay kong dadalhin ang lesson na ito. Para sa mga kapwa ko sugarol please tigilan na natin, masisira at mauubos lang tayo
@IAmFakeEnoughАй бұрын
Focus ka lang pre sa review, kung stress ka lumabas, magtrip, camping. Then balik sa review.
@BenjieMandapatАй бұрын
@@IAmFakeEnough Wala na sir, almost a year na akong di nagsusugal pero ang kapalit di na din ako nagrereview. Sinukuan na pagiging engineer hanap na lang ng ibang career path. Masakit lang natutunan ko yung lesson ko sa masakit at magastos na paraan. Pero baka redirection to sakin para sa mas magandang future. Ewan ko pero ang mahalaga di na nagsusugal. Thanks sa payo sir
@life_ofmariaАй бұрын
Review ka padin sir. Kayang kaya mo po yan. Ituloy mo lang Laban sir😊
@djennym8389Ай бұрын
Magreview ka pa rin po. Usually lumalabas pa rin sa board exams mga past problems. Collect ka ng mga reviewer books from past years. Concentrate ka pano madaling isolve yung mga word problems. Btw, almost same din lalabas sa exams. Formulas lang din imemorize. Kaya mo yan!
@Dragonboi-pm2ycАй бұрын
@@IAmFakeEnoughako nga 1m natalo ko pero tuloy parin ang pag susugal ko
@rjdf2749Ай бұрын
Grabe ang GANDA NUNG SONG sir. Thank You
@MayaLorieАй бұрын
Na experience ko yan may kasama kami sa dorm ka roommate namin nalolong sa sugal. Pag Wala na silang pera hahanap at hahanap ng paraan para makapag sugal lang hanggang sa nakapag nakaw na sya ng mga gamit sa room namin. Kaya hanggat maaari iwasan po natin ang mga taong nag susugal pag hindi sila natin madala sa payo. Tayo na lang ang umiwas at wag na wag tayo mag papa utang sa kanila.
@AjMarquez04Ай бұрын
Unfollow na natin lahat mga tiktoker vloggers na nagpropromote ng sugal.
@coolkid5381Ай бұрын
ako din sir naaddict ako sa sugal. for two years naging miserable ang buhay ko pangbayad na lang ng bills isusugal ko pa... nagiba ang ugali ko naging mainitin ang ulo ko. 1 year na akong di nagsusgal sir. di na ako naghahabol palagi, nakakaipon npo ulit salamat sa Panginoon.
@NetplixRecapАй бұрын
NO TO GAMBLING‼️ Masisira ang buhay mo at ng pamilya mo. Ang mga vlogger na ngpopromote niyan sila lang kumikita. Kaya ako may nag alok sakin na magpromote ng online gambling, tinanggihan ko dahil ayaw kong makasira ng pamilya.
@randygudito8178Ай бұрын
ᴢɪɢᴇ ʙᴀsᴀʜɪɴ ɴʏᴏ.ɴʏᴏɴᴀ ᴋᴀᴍɪ ɴᴀ ᴛᴏ
@randygudito8178Ай бұрын
:))))
@leovillones3716Ай бұрын
Nabasa ko mga thumbnail ng videos mo parang rtia din sa kalaswaan
@PitiktawaАй бұрын
Dapat I block na Yung mga online sugal sa tv advertising tulad Ng bet 88 ,bingo plus.sana mapandin to Ng government.
@oxcellotАй бұрын
Money is a good servant but a bad master . If you want to feel rich, just count all the pleasant things you have that money cannot buy. 🙏🏻♥️🇵🇭
@JuverOrdinario-d3rАй бұрын
Atty, noong pandemic yung mga videos mo na tumutuligsa sa mga nft games at crypto currencies ang naging wake up call ko para makawala doon. Nawalan din ako ng almost 150k noon. And ngayon naman actually this year lang, nalulong at naadik na naman ako sa online sugal. Nakapagpatalo na ko ng 150k at may utang pa na 75k. And kahapon lang naubos lahat ng sahod ko sa online sugal. Salamat atty. At itong video mo na ito ang magiging wake up call ko na hindi ma muling babalik sa sugal. Ginamit ka na naman ni Lord Jesus christ para maisalba ako sa mas lalo pang kalunos lunos na sitwasyon.
@lovebirdsweetАй бұрын
Grabi naman niya uncontrolled gambling addiction. ❤ thank you po atty. Libayan ❤
@arnellatido1335Ай бұрын
Gambling addiction is a sickness. Sana may gambling help hotline, gambling addiction advocacy or help group sa pilipinas.
@thengadriano3783Ай бұрын
Hi atty! 1st time ko mag comment. Di ako maka timing sa live mo. Lagi kita pinapakinggan habang nag wowork sa farm here in new zealand. Gusto ko ung idea mo. Mag file ka ng candidacy then idebate mo silang lahat. Pleaseeeee.... btw, pano bumoto ang ofw? Please continue to educate us. God bless
@rosemariedornАй бұрын
Simple lang Naman para nawala Ang PAG susugal ipag bawal na ng tuluyan online man or Yang PAG cor.
@chellejespersen2863Ай бұрын
Pag cor kc ay s gobyerno lahat bansa meron nyan pero un lang adik kasi mga pinoy...
@fighterz7985Ай бұрын
Dati ang sugal kelangan mo pa dumayo ngyn sa sarili mo nang kwarto na. Sa sobrang dali na, marami na ang nalulong.
@kuyajibs5248Ай бұрын
Kaya always thankful ako na nanonood ako ng Batas Natin.. muntik na kong mag online sugal. 😅 ilang beses kung kinunsider na ok tong sugal na to.. buti n lng tlga nanonood ako. Natakot ako kaya di ko na tinuloy.
@badjulagamingАй бұрын
Ako din dati. Naaddict ako sa tong-its go. Ang kagandahan dun walang perang involved. More on libangan lang. Pero kahit na walang perang involved nakakasama ng loob kapag nauubos yung napapanalunan kong coins😂. Gambling isn't for me. Madedepress siguro ako kapag natali ako ng 100 pesos.
@Ojela54Ай бұрын
Ganda ng song...💖💖💖
@mikerios1315Ай бұрын
with excess money... opportunity to gamble is high.
@happykopiko9786Ай бұрын
Sana Ito ang pagkaanalahan din Ng Senate at Congress ang tanggalin ang sugal na linked SA e-wallets like Gcash...SA ibang bansa nareregulate nila pero dito Hindi...si Alice Guo lng ang yumayaman...
@blueberthingАй бұрын
tumanda na lang ako na hindi marunong magsugal kahit halos lahat na nakapaligid sa akin ay marunong... bakit? iniwasan ko... marami na ako nakita na naghirap at nasira pamilya dahil sa sugal.
@dantereyes7732Ай бұрын
Dapat ipagbawal ng gobyerno natin yan online gaming na yan...kahit mga mahihirap nago online na rin wala na nga makain sinusugal pa yung pera nila...
@alexjr.salindato3403Ай бұрын
Sindikato talaga yang on line game at may mga pruweba ako.. nag sumbong ako or message at email sa tulfo bros. Pero wala silang responds.. go bingo sindikato talaga yan
@teamgamitan1138Ай бұрын
Matindi ang online sugal,dapat tanggalin lalo sa gcash
@joeydavid6995Ай бұрын
Sana sa mga ginagawang walang kwentang hearing sa senado at congreso...ito nlang ang knila dinggin..ipagbawal na lahat ng online gambling app..daming nssirang buhay..daig pa nito ang bawal na droga sa totoo lang ..victim here too..
@cyrusgueta3204Ай бұрын
Ang gaganda ng mga kanta mo jn atty
@sunniieee40Ай бұрын
I know someone close to me. Nalulong din sa online sugal😢 We as a family was not expecting it from.her. Sana makawala na tlga sya, praying!
@DRIVERMOTOVLOG520Ай бұрын
Sana itong online casino din ipag bawal ng gobyernong ito sana yan pag tuonan ng pansin.
@timelessmusic98Ай бұрын
3 years na ako naglalaro ng tong-its go pero maipagmamalaki ko na ni minsan di ako nag laro sa totoong pera ang gamit..libangan lang kya dun lang ako sa free
@melinahart4108Ай бұрын
May mga tao ksi na gusto ng easy money at feeling nila kung mahirap sila wala ng mawawala s knila.
@prkchoptv8663Ай бұрын
Tama. Quit gambling, and other bad vices. Tandaan ninyo pinanganak kayong hindi nagsusugal, naninigarilyo o gumagamit ng drugs. Kaya ninyo nabuhay na wala ang mga yan. Like me after 20+yrs of chainsmoking, 10+yrs na akong hindi nag sisigarilyo kahit i hit 0. Mind conditioning lang talaga.
@rhoylamela1050Ай бұрын
Idol talaga kita Atty.Libayan marami akung natutunan sayo
@NotnaCticnaPАй бұрын
Parehas tayo ng Trip Atty. Everytime na may Practice kami ng Banda luto kami ng lunch or meryenda tapos after ng practice inom ng konti at plano ng mga bagay bagay sa buhay hahahaha
@carmennas9608Ай бұрын
May kasabihan kung may lihim ka na galit ka sa friends mo...turuan mo mag sugal ...may sense di ba? 😊😊😊😊😊
@tigerpageantasiaАй бұрын
Atty habang pinaguusapan natin Ang sugal sana sabihan nyo po si mayor Magalong sugpuin ang sugal sa Baguio unahin na nya ang e-bingo sa SM Baguio.
@dein9681Ай бұрын
sir pede po b kayo gumawa ng patama sa mga matatandang alagad ng nanay ni carlos yulo yung proud pang ginagawang investment plan yun anak tpos panay bible verse tpos yun bread winner nila sa bahay ubos n ubos na
@rometv2057Ай бұрын
Atty ako natalo din dyan ung sa gcash na 70k, lesson learn kya itinigil ko na. Sa gcash invest na lang tayo. GOD BLESS Thanks
@bryanorateАй бұрын
Naranasan ko Rin malulong magsugal pero OTB( karera Ng kabayo) 5am pa lang buy na ako programa para pag aralan mga kabayo at hinete. Sugal hanggang may pera tpos basta magkaroon Ng pera uli pera sugal uli. Nahinto KO Lang nung lumipat n ako Ng tirahan. Tapos Hindi n ako lumapit sa OTB.
@josie8544Ай бұрын
Naranasan ko na po yan atty. my mahirap po talaga 😢
@ronryandechavezАй бұрын
sa kakahabol sa mga natalo na pera lalong naparami ang natalo, ganyan ung nangyayare hoping makabawi
@youngtevanced8818Ай бұрын
Bakit kasi may ganyan sa Pinas? Hindi naman kagaya sa Europe na for fun lang at may regulations ng government, doon may gambling care support at limitations para dika malulon, sa Pinas walang ganitong support para sa mga online games, talagang malululon ang mga tao.
@inaantokАй бұрын
saken ok lang naman as long as na magbabayad ng tamang tax yung mga casinos, pasugalan, sabungan, legal na pogos, etc.. sa gobyerno. May problema ako kapag di sila magbabayad ng buwis.
@kingmeruem1Ай бұрын
ako rin nung 2021 laki napatalo sa crypto, buti n lng at nakikinig nko nun kay atty at mas pinili ko n lng huminto. mas malaki p mapapatalo ko kung wlang lumaban sa crypto nun, dhil may mga ibang abogado rin nag popromote ng mga crypto games nila
@MyKingMyLourdАй бұрын
Pano ka nag sugal sa crypto? Pang trading kasi yan marunong ka dapat magbasa ng mga balita at tumingin or mag analyze ng chart ng kung ano man crypto coins. Kung pinasok mo yan ng walang risk management yan papasok na ng sugal. Mahirap kasi sa Pinoy nag iinvest ng pera na hindi alam kung paano ang process ng isang bagay. Be Financial Literate. Peace.
@bipolarbear1450Ай бұрын
Parehas tayo pre. Sobrang naadik din ako sa crypto around 2022 pero nadali ako sa daytrading sa futures, pasok ako ng pasok ng pera na akala ko mababawi ko yung talo ko, parang nagkaroon ako ng gambling addiction. Tumigil lang ako nung narealize ko ang laki na ng pera na napapatalo ko. Ang malala pa kung nag invest na lang ako long term sa spot mas malaki pa sana profit ko. Ngayon puro pang longterm na ginagawa ko at DCA na lang. Nagbabakasakali magkapera this coming bullrun or altcoin season man lang kung meron.
@kingmeruem1Ай бұрын
@@bipolarbear1450 yun nga, hinugot ko p investment ko sa SMB, iniinggit ko p mga tropa ko dahil d sila nag crypto at nag stick sila sa stocks nung pumapalo ng 7k kada araw kitaan sa mga laro. d man lng yun tumagal at bumagsak lhat ng nilalaro, kaya sa pag buy and sell ng coins ako umasa makabawi
@umaxtv6432Ай бұрын
Good strat boss... Take a risk sa future if profitable kana sa spot para no heart feeling.. Wag ka mag future.alam mong kahit sa spot walang profit
@xyvz1142Ай бұрын
Anong crypto ba? kung NFT games yan matik scam yan lalo nung pandemic mga basurang NFT games. Hindi ko isasama yung Mir4 dahil legit na RPG games yun nasasayo na lng kung gusto mo gumastos parang sa normal na RPG games na walang halong NFT its free2play. Pero kung mga NFT games na need mo mag invest automatic scam yan parang Axie na basura
@allansosa7028Ай бұрын
Duon po sa mismomg app yung auto...may choices din po dun kung ilan auto ang gs2 nyo, may 10, 50, 100
@carollynlaleo7356Ай бұрын
Wake up call sana ito sa mga nagsusugal
@tyroneponcedeguzman2508Ай бұрын
Satisfaction Yan be contented sa life control your self your biggest enemy is your own self
@marivic-ht8bvАй бұрын
Dapat pinatatanggal na po yang online gaming sugal na yan, madami po masisirang buhay , Sana sa mga nasa gov't ito yong pagbawal nyo.
@NezukoSatoruАй бұрын
IT'S STILL DEPENDS ON PEOPLE PA RIN, WATCHER DIN AKO BEFORE NG NORMAL POKER GAMES AT NATUTO RIN SA PANONOOD PERO NEVER NAMAN AKO NAGSUGAL PLAYING WITH NO BET LANG AKO.
@vicortega5258Ай бұрын
Ang sugal laro ng my utak + suerte kong wala ka nito wag kna magsugal. mabuti pa pag ibig nlang pasokan mo masayahan kpa
@sheenasabile3576Ай бұрын
Replay mode.
@CooKingreateАй бұрын
lahat ng online sugal may alogarithym yan na bot na tumataya din to balance ang mga BET. napansin nyo di nagkakalayo un bet sa kaliwa at bet sa kanan bina balance kc yan ng bot algorithym, tapos mananalo dyan un mas conti tao na tumaya un maraming tao or pera na naka BET matatalo kaya laging panalo dyan un operator.
@Elmstreet38Ай бұрын
If you want to destroy a person, teach him or her to gamble!!
@grogman88Ай бұрын
Yung ate ko nalulong din sa casino naman nanalo na sya ng 260k sa slot at bawi na sana sya sobra pa pero nagpatuloy sya at natalo ng almost 2M, hindi na sya nakabawi at ang dami nyang problema ngayon, nakita ko rin sya nanonood sya ng scatter pero ainabi ko sa kanya demo accnt lang mga yan kaya ganyan nananalo, ewan ko kung nag scatter din sya. 20 years ago ako kc dati nalulong din nung college ng pusoy at bilyar 1 week allowance ko nun ubos agad lunes pa lang, nasira din pag aaral ko, pero natuto ako at hindi na nagsugal hnggang ngayun,, marami akong alam na kwento tungkol sa sugal, lahat pangit ang katapusan,,
@ireneresareАй бұрын
Nakakaadik talaga Ang sugal kaya Yung Ng promote Yan grabe sila
@jessavhin2201Ай бұрын
Nasa tao parin yan..kahit sino mapanood nya kung ayaw nya malulong sa sugal hindi nya yan gagawin..
@periwinkletinkle7371Ай бұрын
di mo gets yung point
@xyvz1142Ай бұрын
Engot ka din e may mga taong curious at baguhan sa sugal lalo na mga kabataan
@miketrinidad7408Ай бұрын
Nakakahiya umamin na natalo sa sugal. tapos 5M pa!
@chakadoll9216Ай бұрын
Acceptance is the key para maayos mo buhay mo.
@tutzierollieАй бұрын
walang kaibahan yan sa drugs narehab ako 2013 9 mos ako sa rehab paglabas ko ng rehab lahat ng nakasama ko sa labas nilayuan ko dahil di sila matatawag na kaibigan.ngayon family ang focus ko proud ako na 11 years nakong sober.nasa tao saka depende sa palo ng dyos kung sang landas mo gusto pumunta
@emieviray7625Ай бұрын
Atty., Online Gamling legal ba yan? Ano po pagkakaiba sa POGO?
@melizadumancas7933Ай бұрын
Parehas lang
@balsusanАй бұрын
Perhaps duon sa may easy source of funds madaling mainganyo sa sugal.
@GaspelSaycoАй бұрын
Treu wala talaga mapapala sa sugal.at di ka talaga mananalo dyan.
@faithfully6368Ай бұрын
Nasa tao padin yan atty, kahit anong promote kung yung tao di sasali di magiging ganyan.
@marumarutv8850Ай бұрын
yun na nga po nasa tao, what if yung makikinig di enough yung knowlege diba mas mabibilis silang mahohook, yung may enough knowledge nga nahohook what more pa kapas kapos sa kaalaman... madalas pa naman mabilis mahook ang tao lalo na kapag easy money! sad reality, lalo na kapag kabataan! dimorim nagegets ih
@VR_winАй бұрын
They were called influencers because they can influence people that are watching them. Sabihin na natin ang ratio is 1/1000 na nanunod may malululong. May 1 pa ding pamilya ang masisira ang buhay. Do you see it now what influencers can do?
@pauloj.1428Ай бұрын
😮 usually sa mga ganoon nagkakaroon sila ng OF after ... 😢😢😢
@ArchieSigua-q8gАй бұрын
Ganda nang manga kanta mo bossing
@RhesTolentinoАй бұрын
Oo nga atty. Kahit billionaryo di ako magsusugal eh. Well ako ang gagawin ko sa Pera ko if bilyonaryo ako gagastos Akong mga kaylangan sa simbahan,tutulong sa mga mahihirap or kapus dito sa bayan Namin,magpapatayo Akong Bahay ko,bibiling lupa para pagtayuan paultry,pigery,kambing at patataniman gulay. Gusto ko kasing magpatayong kadiwa para sa mga kababayan ko.
@dearneldeyАй бұрын
Ahh ganon
@thepointiswhatАй бұрын
You will be addicted to the "Almost" feeling then you wiill play again
@milarabeltran8248Ай бұрын
Yung kasamahan ko sa trabaho dati nalulong naman sa casino nasa around 500k daw nawala sa kanya. Pinaka matindi daw nya talo one time relos, jewelry na suot nya nung gabi na iyun naibenta nya lahat, pinaka worst daw is umuwi sya ng bahay 2am ng umaga ginising pa daw nya ung mama nya kasi wala daw sya pang bayad sa taxi.
@JRRJ010709Ай бұрын
Gambling is like a small fire that can be extinguish immediately, until a gas introduces itself, wherein it becomes an uncontrollable big fire and cannot be extinguish immediately.
@donndelfin1312Ай бұрын
yun nag sasabi na tatakbo ka ng Congress or tatakbo sa isang Eleksyon. Malaki din po ang puhunan sa pag takbo sa kahit anong eleksyon ng Pilipinas pwera na lang ang Baranggay. The system should be change mas ok talaga noon na Assembyman at pipili na lang ng Prime Minsiter mas maliit ang gastos ng mga manunnungkulan sa Gobyerno. Kung talagang alam nyo ang lakaran ng Politika sa Pilipinas alam nyo na malaki talaga ang gastos ng mga Mayor Congressman Senador Vice pres. at President.
@catslove1580Ай бұрын
Maling content ser
@leonydesiatco158Ай бұрын
Dami nilang sinasayang na pera kasi mapera sila hindi nila naisip wala naman yumayaman sa sugal ,kong di yong nagpapasugal kami nag mamadjong pero pangpalipas oras lang, nasa tao talaga kong pano mo kontrolin ang sarili mo ,halos lahat ng sugarol nagiging sinungaling at naging magnanakaw sa huli maka sugal lang😢
@ZoRn1690Ай бұрын
Nag wowork ako sa isang betting site company sa UK at US. May gambling commission sa UK at US na pag sobra na yung nilalaro mo sa sugal is ma block na yung account mo or cocontakin kana ng gambling commission kung kamusta kana. Agad2 yun the moment na hit mo na yung certain amount like tumayabkana ng 100k or talo kana ng 100k. Grabe dito sa pinas wala bang ganun dito? Natalo na siya ng 5 million wala pa din pumipigil sa kanya. Nakakatakot talaga sa pinas.
@butterfly79me33Ай бұрын
Mostly content creators,vlogers lalo na ung mga bigtime content creators Sana nman itigil nyo na mang enganyo ng sugal nkakaawa pamilya nila
@AnthonyMislang-b4cАй бұрын
totoo naman mga yan bata pa ako hilig ko na ang sugal lagi ako sa sugalan kara y cruz wala pa yan POGO at online sabong. maaga ako na expose sa maling bisyo dahil maaga ako nawalan ng Ama at sa sobrang tigas ng ulo naligaw ako ng landas. nasira talaga ang buhay ko. pero pinipilit ko na magbago. ang hirap talaga lalo na ang lugar mo ay puno ng sugalero. kaya dapat mawala na mga yan pati ang mga vloggers na nagpropromote ng Sugal. dahil sobrang bilis lang ma impluwensyahan ang mga kabataan niyan. dahil puro gadgets ngayon.
@pongkilot1772Ай бұрын
paano po ba yung sinasabi nila na magpapalista sa pagcor ba yun na magpapalist for gambling exclusion?
@PreskongwelderАй бұрын
Na experience ko yan sa saudi ako may nag alok lang ng pre baka gusto mo mag laro ng sabong subok ka lang pahiramin kita 500 bayaran mo lang sa sahod mo . Simula nun nasira buhay ko . Almost 1.5M sa mahigit 4 na taon . Lagi overtime ko ubos at magbabayad ng hiniram . Pero ok na ako now 2 years na ako di na nagsusugal at bayad ko na lahat ng nautang ko . At nakaka bawe na din ako . Salamat po talaga God. At ngayun nakakaipon na ako . Meron paring temp nsa sugal pero di na talaga .
@cesarfong8827Ай бұрын
I rather spend the money on food, shelter and health insurance.
@RhesTolentinoАй бұрын
Gusto korin magpalagay CCTV sa daan dahil gusto ko malinis ang bayan Namin gaya sa bagiou Ngayon.
@boyetcalayag5151Ай бұрын
Kaya hindi aq nagfollow sa mga influencers n wala aq natutunan.
@ian5389Ай бұрын
Nag susugal lang ako sa dota2 at csgo2. Parang nasasabayan ko kasi yung paborito kong team sa saya at lungkot. 😅
@genevie4095Ай бұрын
Matalo ng ako ng 100 sama ng loob yon pa kayang milyon pa kya..No to sugal..sana iban yan
@olivermanait20Ай бұрын
Lamang talo sa sugal, mangilan ngilan lang ang mananalo sa sugal. Ang solution i banned lahat ng form ng sugal. Kaso mukhang pera govt para laki kurakot.
@analyn2054Ай бұрын
Ako ng isang araw pambayad ko kuryente 1500 nag scatter muna ako.nanalo na na doble na pera.di ako tumigil gang na zero.sobra ng hinayang ako.
@LawasbembemGallaresАй бұрын
Atty. SI diwata tatakbo daw✌️
@nobodysman3613Ай бұрын
Ako rin Atty. pumapasyal sa Quantum at Toms World para mag relax, pero pag uwe, Stress dahil Talo sa Ocean King. hahaha
@annabelleebal6380Ай бұрын
Walang yumayaman sa sugal.
@dantayjhieАй бұрын
done from zambales
@AngManaliliАй бұрын
Pg senador kna atty. Isa yan sa mga tanggalin mu sa lipunan ntin. 😊
@samsamchao5440Ай бұрын
Gambling is a doorway to hell. Palaro yan ng demonio.. Iba dyan ginawa na nilang Panginoon ang pera.
@bsit-2cerwinhommerdelacruz90Ай бұрын
Sabi nga sa lumang movie ( di ko na maalala title), "Kung gusto mong sirain ang buhay ng isang tao, turuan mo siyang mag SUGAL"
@rosemariedornАй бұрын
Ako nag simula lang din Ako sa 100 noon. Bingo or lucky no. 2016 na stop yun noong nag ibang bansa Ako so na stop. Ehhh May online sugal na so last yr till now nasa 700k na siguro naipatalo ko. Last Thursday hang Sunday nag play nnman Ako 30k plus na pinasok buti nalang naka bawas sa ntalo cash out na sana ng 85k. Dotdot parin ng dotdot ayun 77k nalang at least naka bawi. Hoping parin Ako na makabawi control lang tlaga.
@jeffybanezdelacruz6598Ай бұрын
balato naman hahaha
@eversonllanzana5963Ай бұрын
Nothing worse than gambling except promoting for it.
@mqa239Ай бұрын
Masarap lang magsugal sa una kasi talagang mananalo ka. Weird pero parang may diablo talaga ang sugal. Ibe-bait ka sa una mananalo ka pero pag tumagal at naadik ka na sunod sunod na talo mo hanggang sa magkanda utang utang ka na. Avoid sugal or you'll regret.
@AlvinCasiosАй бұрын
Dito sa Capiz atty. Nka bili nang tricycle dati nka montero😂😂
@armandomacaraeg4832Ай бұрын
P. Atty.
@eLCloud12Ай бұрын
attorney, tanong ko lang... nagkaroon ng event dito sa cavite ang pangulo, pinakilala yung senatorial line up nila, and may serbisyo fair... tanong ko lang, legal ba yung ginagawa nilang pamimigay ng relief goods dun sa event?... kasi wala namang sakuna dito sa kawit, cavite pero pinamigay nila yung relief ng dswd sa mga pupunta doon... sana po masagot, salamat!
@kiyotaka2494Ай бұрын
Muntik na din po ako malulong sa online sabong, natalo po ako ng 1k tas nangutang pa Nung narealize ko po na baka lumala talo ko...tinigil ko na agad and never again na ko nagsugal
@nanettecorneja9178Ай бұрын
Tukso yan dito sa mundo dyan lang yan sa harapan mo ikaw ang lumayo
@akashisenjuro9239Ай бұрын
Sabe nga ng mga nakakatanda satin wag puro salita gawin mo kung galing ka sa masamang gawain gaya ng bisyo or kahit anong hindi magandang gawain
@grimmesxjuggieАй бұрын
'Only a fool learns from his own mistakes. The wise man learns from the mistakes of others'
@MK-bs3dqАй бұрын
Oh, have you got any learnings on your own?
@xyvz1142Ай бұрын
Kalokohan mo lahat tayo may pagkakamali galing sa sarili natin wag kang ambisyoso
@VinVillarosa-o2fАй бұрын
Atty. Naniniwala ka sa kwento nian? Kht wla ka mismong patunay? Kwento nia yan eh... Cnong tao namn mg papatalo ng 5M na hnd alam laruin ung sugal?
@IndiaKairiSinghАй бұрын
nakasabayan ko yan sa sabongan. lakas talaga tumaya yan. mababa 50k
@khierkwhiz2648Ай бұрын
Walng problema ang sugal nsa pag katao mo nyang kung madiciplina ka. 😮😮😮😮
@jeromecamolo954Ай бұрын
kapitbahay ko nga e, nanalo ng jackpot na 2.3 million.. pagkatapos lang ng two months, nabawi panalo nya.. nadamay pa sarili nilang perang mag asawa na milyones...