Рет қаралды 967
Sa isang presscon kahapon, July 2, 2024, sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora na walang nalabag na city ordinance si Lexter Castro na kilala sa social media bilang “Boy Dila,” matapos niyang basain ang isang rider gamit ang isang water gun sa nakalipas na Wattah! Wattah! Festival.
“Specifically ’yung kanyang ginawa na pagbabasa gamit ang water gun at pagdidila, kung tutuusin walang violation ito [sa city ordinance]. Kahit sa batas, kinonsulta natin sa ating mga abogado… Wala kasing paglabag sa anumang batas,” pagdidiin ni Zamora.
“It is up to the rider, kung sakaling gusto niyang mag-file ng kaso. Choice po ng rider ’yan,” dagdag pa niya.