Ang oras 'di namalayang nag-iba Kumukupas, larawan nating dalawa At ang bukas na kasama ka'y hindi na maipapangako pa Lilipas oh lilipas lang ba talaga Karapat-dapat ba ako para sa 'yo Kaya ko bang maging ang gusto mo Paano bang umibig At kung mananalangin ba ako kay bathala, sinta Mananatili ka Tunay ba ang pag-ibig Hindi mo masisisi ang panahon Kung naubusan tayo ng pagkakataon Paano bang umibig Paano bang umibig Heto na Tuluyan nang magsasara (oh tuluyan nang magsasara) Ang pusong sinanay mo na nandiyan ka (sinanay mo, sinanay mo) Sigurado ka na ba alam mo naman na 'Di ko hahayaan na mawala ka lang bigla Oh may magagawa pa ba sinta Ang mga damdamin nating dalawa'y hihintaying Humilom mag-isa Nangangambang umibig At kung pagbibigyan muli Na magmahal ang puso ko'y pipiliin pa rin kita Sa 'yo lamang iibig Hindi mo masisisi ang panahon Kung naubusan tayo ng pagkakataon Paano bang umibig Ako'y babalik sa 'yo paikot-ikutin man ang mundo ko Tanging sa 'yo babalik ito 'Di makakaibig nang totoo kung hindi sa 'yo Oh paano bang umibig Paano ba umibig