Рет қаралды 226,898
Kamusta po kayong lahat?
Ito po ang kauna-unahan kong Taglish na episode 🥳 at susubukan ko pong gawan lahat ng nauna kong video nang tulad nito.
Paumanhin na po at minsan mahirap nang hanapan ng akmang terminolohiya ang ibang salitang nakasanayan ko 😅
Tulad po ng naikuwento ko sa Episode 1 ng Teacher Kaye Talks, matagal ko nang layunin 'tong LIBRENG TRAINING para sa mga pamilya at iba pang mga tagapag-alaga sa mga batang may kahirapan sa panalita. Mas lalo na para sa mga pamilyang hindi makakuha ng THERAPIST sa lugar nila, o kung ano pang ibang hadlang.
Sa video na 'to, paguusapan ko ang mga posibleng sanhi kung bakit ang anak niyo ay:
nagtuturo, o hinihila kayo kapag may gusto,
parang nakakaintindi ng sinasabi, pero hindi pa rin nagsasalita
Sana makatulong ito sa inyo!
PAALALA lang po: hindi ito katumbas ng aktwal na Speech-Language Pathology (SLP) / Therapy Session, kung saan maoobserbahan at makikilatis ng isang propesyonal tulad ko ang kliyente. Wala nang mas iinam pa sa ganoong paraan ng therapy.
Ito ho ay karagdangan impormasyon na maaari niyong gawin sa bahay, para mapabilis ang paghuhusay ng inyong mga anak.
⭐️ ⭐️ ⭐️
Facebook: / teacherkayetalks Instagram: / teacherkayetalks
Blog and resources: www.onedaykaye...
Kumu: @teacherkaye
#teletherapy #speechtherapy #autism #adhd #downsyndrome #intellectualdisability #gdd
* *
I'm a certified Speech-Language Pathologist based in Metro Manila, Philippines.